Plano


Bawat gagawin pinagpaplanuhan at laging tinutupad. Paano kaya kung ang plano mo ay nasira ng tuluyan dahil di mo kayang ilaban at panindigan.


Marahil ikaw ay naguguluhan sa bawat gabi na ikaw ay di makatulog at nasa isip lahat ng balakid na pinagdadaanan mo at para bang lahat ng ito'y waring mga pagsubok.


Lahat ba talaga ng plano mo ay nasusunod o sadyang di lang talaga ngayon at para bang may pumipigil sa iyo na nais itong baguhin at itama lahat ng pagkakamali mo.


Tila ako'y nawawalan ng pag-asa na makamit pa na matupad ang planong inaasam ngunit para bang nahihirapan sapagkat di mo magawa ng tama at para bang tanga.


Di mo makamit ang ninanais mong buhay na minimithi at bawat oras o araw na dumadaan ay tila sakit na nararamdaman at di na makayanan at nais na lang tapusin ang buhay.


Ngunit bakit iniisip ang ganito kung alam mo naman na ang plano mo ay kakayanin pero di kayang tapusin at lalo lang nasisira ang iyong sarili na para bang mababaliw sa sobrang iniisip.


Mahina pa siguro ako kaya mga plano ko ay sadyang marupok at di kayang tumagal at tapusin ng lubusan at lahat ng ito'y nawalan ng halaga dahil pinlano ko pero di kinaya at natapos.


Siguro kailangan tapusin. Ngunit paano ulit sisimulan upang lahat ng ito'y matigil dahil pati ibang tao ay nadadamay sa lahat ng ginagwa ko di ko alam kung paano, tatakasan ba o tatapusin?.


Pero baka diyos na ang nakakaalam at kapalaran kong maging ganito masira sa ibang tao, tiwala na ibinigay ngunit sa isang iglap ito'y naglaho at naging abo. Ang dati kong sarili ay wasak na sa ibang tao.


Maayos pa ba? Sana may dumating na himala galing sa kanya baka naman maawa siya sa akin at mapatawad pa pero di ko alam kung kailan. Makakapaghintay pa kaya o tuluyan na lang wawakasan itong sarili?


Huwag na sana humantong pa sa ganoong sitwasyon sana plano mong maykapal ay itama ako sa lahat ng mga bagay na meron ako at lalong lalo na ang mga mahal ko sa buhay na ipinagkait sa akin ang pagmamahal na sa iba ko pa naramdaman.


Nawa lahat ng itong plano mo ay matupad na, ngunit kakayanin kaya? Tatapusin kaya o tuluyan ng susuko at ihihimlay ang sarili at lahat ng sikreto ay ibabaon na lang upang di na lumala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top