Panginoon ng Pagmamahal


I.

Ginawa mo ang sangkatauhan;

Kapaligiran na siyang kasangkapan,

Mga bagay na makahulugan,

Pagmamahal na pinagkalooban.

Sa pagmamahal na iyong binigay,

Pagmamahal na siyang tunay,

Pag-ibig na walang hangga'y,

Nagawa ang mga bagay, na may Buhay.

II.

Purihin ka! tagapaglikha, ng Sanlibutan,

Binuhay mo ang aming Puso't Isipan,

Iyong walang katapusang pagmamahal,

Kami ngayon ay kaawaan, at basbasan.

III.

Sa aming paglalakbay sa daang matarik,

Kami'y iyong gabayan at ingatan;

Haplusin mo kami ng iyong kabanalan,

Upang mabuti ay sa iba, mapagsaluhan.

Kababaang loob, iyong pinatunayan,

Pagmamahal sa aming makasalanan,

Hindi ka natakot kay kamatayan,

Pagmamahal, ang ipinakita sa sanlibutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top