PAG-ASA
Ako'y nauuhaw,Sa liwanag ng kalangitan,
Gabing, madilim, at tahimik;
Mga bituing walang imik.
Tahimik at walang imik,
Bituing nagsisilbing tanglaw,
Sa gabing puno ng pighati;
Kamatayan ay nagbabadya.
Bituing minimithi,
Natakpan ng kaulapan,
Kadiliman ang nangibabaw;
At ngayon, ito na ang naghahari.
O bituin, ika'y kailangan;
Panganib ay palapit,Hindi ko mapigilan;
At pilit nagpupumiglas;
Padating na ang kamatayan;
O bituing nagniningning;
Nasaan ka na? At kamatayan ay papalapit na!
Bituing sa kalangitan,
Ay biglang lumiwanag,
Siyang nagpakalma sa kalooban,
At nakita ang kaliwanagan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top