Obra Maestra
Mga pangyayari na hindi maipinta.
Takot sa kung ano ang kalalabasan;
Nanginginig ang kamay;
Baka kapag tinuloy ay tuluyang masira.
Bawat kulay ay may kapareha;
Kombinasyon ng lungkot, at saya,
Kapag ito'y sumobra sa alin mang dalawa;
Hindi na balance, pangit tignan.
Sa bawat pagpinta, paglagay ng pintura,
Mahinahon, at kumalma.
Gamitin ang mga kulay sa tama,
At ilagay sa puso ang nadarama.
Pagpinta mo sa iyong sarili,
Lahat ay tumpak at tila perpekto.
Mga kulay nito ay kaaya-aya;
Pero sa isang iglap, pwedeng masira.
Huwag hayaan, sarili ay matapunan,
Mga pinturang sisira sa kinabukasan;
Pag-ingatan ang larawan at ibahagi sa lahat;
Upang manatili sa puso't isipan ng lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top