Mata
Mga matang nababalot ng kalungkutan,
Matang takot na nakita!
nakita ang pighati at pagkasawi,
ng kanyang sarili.
Ni ayaw ng makakita;
Ni aninag ng anino ng katotohanan;
Kanyang sarili ay natakpan;
At tila nawalan nan g pag-asa.
Mga matang nakakita ng kasalanan;
At tila nabubulag sa katotohanan,
At gustong kumawala;
Sa mga kadenang puno ng pagkakasala.
Mga matang di kayang panindigan,
Ang totoong mga nakita;
At takot, na imulat ang totoo;
Pagkat ayaw madamay nito.
Iyong patawarin ang matang ito,
Na nakita ang kasalanan;
Pero di nagawang ipaglaban,At tuluyang bumaon sa himlayan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top