Bigo ang Buhay.



Kumapit, at tuluyang ipaglaban kahit Mapait, buhay na kay tamis na sa iyo ipinagkait. Kapalaran mo ay magulo walang kasiguraduhan hanggang dulo, 

para bang gusto mo na lang ibaon ang sarili mo at doon na lang itago lahat ng mapapait na karanasan, na pilit mong tinatakasan. Hirap ka na sa kakasumbat, na para bang sibat na laging sumasaksak sa kalooban mong hinang hina na at di tiyak kung kaya mo pa, umiiyak sa bawat patak tiyak mong may kapalit. 

May kahulugan may pinagdadaanan. Mali ata ang aking tinahak na daan at para bang gusto ko na lang tapusin ang buhay ng sa wala ng sa gayon ay dapuaan ako ng kapayapaan. At matapos na itong kahirapan. 

Tutal di ko na kikita ang sarili ko sa hinaharap at di ko na din hinahangad mga bagay na masaya kasi alam kong kalungkutan at pag iisa ang aking santungan sa bawat araw ay sila ang kasama. Takot ang nagingibabaw, pag-asa ay natatakpan. Kamatayan ay mabilis na pinupuntahan kahit buhay di pinapayagan.

 Oras ay bumibilis kahit di ito ang tadhana pero lumihis. Nagdilim ang paningin tumigil ang pagpintig, hininga ay naputol, at lamig ang dumapo sa buong katawan at di namalayan na wala ng buhay, nabigo at tagumpay ang kamatayan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top