SIKIL
Kapag mga mata natin ay nagtatagpo
Ang nararamdaman ko'y pilit na itinatago
Sambit ng bibig ay pangungumusta
Imbes na sadyang laman ng puso
Ninanamnam na lang ang iyong mga ngiti
Tanggap nang pag-ibig ko'y laging nakatago
Kung mapapansin mo ito ay walang kasiguruhan
Ngunit mananatili kang itinitibok ng aking puso
Kahit na itong pag-ibig ay sadyang mapaglaro
At ang puso ko ay ginawang bilanggo.
©2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top