Para Kay Nanay

Mula sa aking pagsilang, hanggang magkaisip

Kalinga mo nanay, katumbas ay langit

Mahigpit mong yakap, proteksyon sa lamig

Habang ako'y gising, 'di ka rin iidlip

Ako'y ginabayan hanggang sa paglaki

Sa tanglaw mo't gabay, mundo ko'y nahabi

Nagbigay liwanag sa dilim ng isip

Hinubog ang asal, binigyan ng bait

Ang sakripisyo mo'y 'di ko matumbasan

Tadtarin man ng pino, buto ko't laman

Sa binuong titik, ipadarama ko

Aking pagmamahal, tunay at totoo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top