Gumamela
Simple kang bulaklak
Nagkalat sa hardin
Hatid mo ay saya at gandang tanawin
Mga bata sa'yo ay nahahalina
Wala ka mang bango
Ubod ka ng ganda
Talulot mo ay iba't-iba ang kulay
May dilaw, may rosas
Puti at dalandan
Sa tainga ng mutya ay inilalagay
Pandagdag sa yumi at ganda niyang taglay
Sa paslit at musmos ikaw ay laruan
Gagawing palobo, at maghahabulan
Pero kalaro ko ginawa kang gamot
Tinudtod, tinapal
Sa pigsang maumbok
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top