Tula #3
PAALAM NA
Paalam na nga ba? O sadyang may pagtingin pa?
Sa katulad mong masyadong paasa,
Ako ba'y susugal pa?
Sa pag-ibig na alam kong hindi ka na masaya.
Ikaw ba'y palalayain ko na?
Kahit kapalit nito'y labis na pagdurusa
Ako ba'y kakapit pa?
Gayong ako'y nasasaktan na
Sapagkat batid kong ang pag-ibig mo'y naglaho na't napunta na sa iba.
Tama na. Sakto na. Umaapaw na.
Ang katangahan ko'y tatapusin ko na
Ikaw ay palalayain ko na mula sa hawla
ng aking pagsinta.
Kaya ngayo'y sasabihin ko na
Ang dalawang salitang PAALAM NA.
Malaya ka na...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top