Sabi mo..Sabi niya..Ano ba talaga ?

Sabi mo "Uyyy...crush ka niya oh"
Sa una hindi ako naniniwala
Kasi hindi kita kilala
Pero dahil lang sa asaran
Unting-unti ako nahulog ng tuluyan

Sabi mo" Sabi niya maganda ka daw"
Kinilig naman ako
Sabi mo "Type ka niya"
Naniwala naman ako
Sabi mo "Gusto ka kausapin"
Nagpauto naman ako sa una pero hindi ko ginawa
Sabi mo" Add mo siya sa facebook i-aaccept niya"
Ginawa ko naman
Sabi mo " Chat mo"
Hindi ko ginawa dahil gusto siya ang magsimula ng chat

Sa aking mga panaginip
Sabi niya"Mahal kita"
Puso ko'y biglang sumaya
Sabi niya "Hindi kita sasaktan"
Ngumiti ako'y parang tila abot langit ang saya
Sabi niya"Hindi niya ako iiwan"
Niyakap ko siya ng buong buo
Sabi niya"May forever tayo"
Naging tayo...
Pero sa panaginip lang pala ito

Lumipas ang mga araw nang biglang
Sabi mo"Baka may ibang crush yun"
Parang nasasak ako sa likod
Sabi mo"Sus kilig ka naman sa sinabi ko"
Parang nasampal ako sa mukha
Sabi mo"😂😂😂 Naniwala ka naman"
Parang sinakal ako sa leeg
At hindi ko makakalimutan na sinabi mo na "scripted yun"
Nabasag ang puso ko 😭😭 💔
Dahil sa sinabi mo

Kaya nung tinignan ko siya
Nakatingin ka pala sa ibang babae
Nung gusto kita lapitan
Umiiwas ka sakin
Nung gusto kitang kausapin
Hinahanap mo pala crush mo
Nung iniisip kita
Yun pala pinagtawanan mo ako sa mga sinabi ko

pagkatapos ng lahat ng oras na ito
Naging tanga ako, umasa sa wala at nasaktan ng lubos
Dahil lang sa asaran na crush ka niya
Hindi ko nga matanggap na ang sarili ko
Dahil linoko mo lang ako
Akala kong mutual tayo yun pala paasa ako sayo

Dahil diyan..... salamat
Salamat na kailangan kong mag-ingat
Salamat na wag na ako magpakatanga
Salamat na sinaktan mo ako
Salamat na yung puso ko'y nabasag dahil lang sayo

Hi guyzz.... sorry paghindi ako makapagupdate kasi may nangyari lang, more stress sa school and feeling sick lately. In case if you are wondering yung "sabi mo" is yung kaibigan ng crush ko ang yung"sabi niya" is yung crush ko so yeah thankiee.....

-Ms.Ain'tGiveAShit

10/13/17

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top