006
"Walang kahit anong bulaklak ang makakapantay sa pagmamahal na binibigay mo. . ."
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak,
Pero binilhan mo ako ng isang plastic ng paborito kong krimstix.
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak,
Pero lagi mo akong hinahatid at sundo kahit kabilang bayan pa ang inuuwian ko.
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak,
Pero alam mong paborito kong papakin yung manok na nabibili sa tabi-tabi.
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak,
Pero alam mong isang yakap mo lang, ayos na ako.
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak,
Pero lagi mo akong ginagalá pag naiiyak na ako sa dami ng ginagawa ko.
Hindi mo ako binigyan ng bulaklak . . .
. . . Na ayos lang sa akin dahil sobra pa ang ginagawa mo para sa akin:
Nilulutuan mo ako ng pancit canton.
Nilagyan mo ako ng hot compress nung sobrang sakit ng puson ko.
Pinunasan mo yung sapatos kong naalikabukan.
Sinusuotan mo ako ng sapatos.
Sinasabayan mo yung trip ko pagdating sa pagkuha ng mga litrato para sa mga iniipon nating memories na dalawa.
At higit sa lahat, hindi mo ako binigyan ng bulaklak . . .
Pero ipinagsisigawan mo sa lahat kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ka-proud kang girlfriend mo ako.
At wala nang makakapantay doon.
Walang kahit anong bulaklak ang makakapantay sa pagmamahal na binibigay mo.
— Rory Aldueger
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top