005

"Nahanap din kita. . ."

Muli na naman akong magsisimula, na sa ilang taon kong pangangapa at pagtatanong kung para sa akin ba ang pag-ibig—binigay ka.

Kung saan-saan ko hinanap, kung saan-saan ko tinatanong, at kung saan-saan ko hiningi, nagkanda ligaw-ligaw pa’t ilang beses nagwaldas ng luha sa takot na hindi ito para sa akin tapos nandyan ka lang pala.

Tulad ng sabi ng "Bawat Daan" ni Ebe Dancel:

"Bihag ako ng pagtataka
May saysay ba ang paglalakbay ngunit
Nahanap din kita"

Nahanap din kita. . .

Alam kong hindi na ako muling maliligaw pa dahil ikaw lang ang tanging daan na gugustuhin kong tahakin.

At totoo lahat iyon, ikaw lang ang tanging kasagutan.

— Rory Aldueger

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top