TIIS (Part 2)
Kita ng pang-matagalan pero ikaw minahal mo ko ng panandalian, panandalian na akala ko pang-matagalan. Pagod na ba ko? O handa ulit akong masaktan para sayo? Tanong na nalilito pa ko, tanong na hindi ko malaman ang sagot kung ano dahil alam ko once na magdisisyon ulit ako puso ko nanaman ang nakasalalay dito. Pusong ilang beses ng nabiyak dahil puso ang ginamit at hindi ang utak. Hindi ko pinansin ang sinsabi ng iba dahil ang alam ko lang mahal kita. Nangangarap ng kahit papano ganun din ang nararamdaman mo pero naisip ko pano mo maiisip yun kung nagkaka-labuan na tayo? Pano ba ulit lilinaw ang pinagsamahan natin kung lumabo lang din to sa hindi ko malamang dahilan, dahilan na matagal ko nang hinahapan ng kasagutan tinanong kita pero sa maliit na bagay na yun hindi mo pa ko pinagbigyan. Sabi ko sa unang araw natin "BEGINNING" dahil umpisa palang yung storya natin pero bakit habang tumatagal yung umpisa na hindi pa nga umaabot sa gitna patapos na napagod ka na ba magsulat ng susunod na pahina?
Sana sinabi mo sakin para natulungan kita o kahit papano naturo ko man lang sayo yung salitang "magpahinga ka muna" pero imbis na maturuan kita sumuko ka na pala. Pinagpatuloy ko yung susunod na pahina ng kwento natin ng mag-isa kahit ang sakit na, kahit nakakapagod na gustuhing ko mang sumuko hindi ko magawa dahil iniisip ko na baka pag sumuko ako mawala lahat ng sating dalawa, na matatapos lang ang kwento natin dahil lang sa napagod ako at sumuko ka na.
Please vote & comment.. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top