Sana (Part 2)
Dati lahat ng SANA posible pa pero nang dahil lang sa nagbago ka kasabay nun nabago rin yung tayo. Yung tayo na magkasama sa iisang mundo, mundong ginawa natin ng dalawa tayo pero bakit porket sumuko na yung isa kasabay ding gumuho yung mundong yun? Kahit pilitin kong buuin ulit yung mundong ginawa natin ng mag-isa bigla kong naisip bakit ako lang mag-isa? Diba dapat tayong dalawa? Pero anong magagawa ko eh sumuko ka na...
Iniisip ko ngayon na sana ikaw nalang, ikaw nalang ulit yung kasama kong bumuo ng bagong mundo pero pano yun kung pati ikaw bumuo ka na rin ng bago mong mundo pero hindi na sa ako kundi sa ibang tao. Iniisip na sana ako nalang sila ako ang nauna pero anong magagawa ng titulo kong ako ang nauna sa pagsama mo sa iba, sa mga salitang sinabi mo na suko ka na. Magtatayo pa ba ko ng bagong mundo o maghahanap nalang din ako ng ibang tao gaya ng ginawa mo pero hindi ako katulad mo at hindi magiging katulad mo dahil marunong akong magpahalaga sa mga bagay na nabuo na dapat iniingatan hindi yung basta-bastang napagod ka lang wala nang halaga lahat..
"wag kang asa ng asa sa salitang SANA dahil hindi lahat ng SANA mo eh posible pa yung iba wala na nga talaga pinagpipilitan pa". -Madam Kilay
Thanks for reading. Saranghaeyo ♥
Please vote & comment..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top