Sana

SANA  tayo pa yung dati na walang pakelam sa sasabihin ng iba dahil ang alam lang natin mahal mo ko at mahal kita.

SANA  umiikot pa rin tayo sa iisang mundo na pakiramdam natin tayong dalawa yung lang tao, dahil magkasama tayo.

SANA kamay mo pa rin yung hawak ko pag pakiramdam ko iiwan na ko ng ibang tao.

SANA ikaw pa rin yung sumasalo sakin tuwing nahuhulog ako.

SANA ako pa rin yung dahilan ng bawat ngiti mo.

SANA ikaw pa rin yung matatakbuhan ko kapag hindi ko na kaya yung problema ko.

SANA handa ka pa ring yakapin yung iyakin na ko dahil lang sa maliliit na bagay na ginagawa mo habang sinasabi sakin na "sorry na, tahan na magiging okay din tayo mahal kita diba?"

SANA ikaw pa rin yung taong nangako sakin na hindi mo iiwan pero sa huli binitawan mo.

SANA ikaw pa rin yung taong minahal ko nung mga panahong okay pa tayo.

SANA ikaw pa rin yung sasalubong sakin pag tinalikuran na ko ng buong mundo, mundo na sabay nating binuo pero nung umalis ka at natira kong mag-isa kusa rin itong gumuho.

SANA. Lahat ng SANA ko nadagdagan ng pero, bakit, paano. Hanggang sa naisip ko oo nga pala wala nang tayo ano pa bang inaasahan ko? Lahat ng sana ko mananatiling sana nalang, lahat ng meron tayo nawala nalang bigla dahil bigla ka ring nagbago. Nagbago ng walang sapat na dahilan na ngayon iniwan mo kong luhaan... 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top