Pekeng Ngiti
Bagay na pinapakita natin sa ibang tao kahit hindi naman totoo. Tipong nakangiti ka nga sa labas pero unti-unti ka nang namamatay sa loob.. Isa nanamang pagpapanggap na hindi deserve ng sarili natin, tinatago lahat ng sakit , kinakaya lahat ng pait. Pait na iniwan niya, sakit na iniwan niya. Lahat ng sakit na tinatago mo mula sa kanya para lang masabi na okay ka tingin mo ba pag pinilit mo yung sarili mo na maging masaya sasaya ka? Hindi. Mas masasaktan ka lang kasi sarili mo na yung niloloko mo na hindi mo dapat ginagawa. Wag mo siyang hayaan na tanggalin yung totoong ngiti na kusa mong nabibigay nung mga panahong hindi mo pa siya nakikilala, yung mga panahong hindi pa siya dumadating sa buhay mo...
Dahil yung mga totoong ngiti na nabibigay mo yan yung gustong makita nung mga taong nagmamahal at nagpapahalaga pa sayo kaya wag mong hayaan na dahil lang sa isang tao, mawala yung ngiti na yun na nakasanayan nilang makita sayo. Nandyan pa yung mga taong nagmamahal pa sayo sa tingin mo ba pag nalaman nilang nagpapanggap ka lang na masaya matutuwa sila?..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top