PANGAKO

Marami na kong pangako na ginawa yung iba dun aminado ako na hindi ko natupad pero ginagawa ko naman ang lahat para matupad yun kahit mahirap. Nangako ka sakin na walang iwanan pinaniwalaan ko yun ng buong-buo kahit alam kong imposible at tama nga ako sinayang mo yung 1 taon na naging akin ka at naging sayo ako. Iniwanan mo ko ng wala man lang sinasabing dahilan na kahit ano dumating yung point na sinisi ko yung sarili ko na baka may nagawa ako, na baka may pagkukulang ako iniyakan ka sa isang taon na nagkahiwalay tayo, isang taon kong kinaya at tiniis yung mga araw na wala kang paramdam miski kahit ano, yung mga araw na pinipigilan kong wag mamiss yung mga araw na meron tayo. Lahat ng naging away natin nalampasan natin ng magkasama pero hindi ko akalain na iiwan mo kong mag-isa, mag-isang umaasa na baka meron pa na may chance pa. Hanggang sa pinilit kong kayanin kasi akala ko wala na nakaya kong kalimutan ka matapos ang 1 taon naging masaya ko, nakalimutan kita ng panandalian. Pero dumating yung araw..




Na hindi ko inaasahan saktong birthday mo nun dahil nga wala na sakin yung nakaraan binati kita at sinagot mo nagpasalamat ka sakin hanggang sa nagtuloy-tuloy na ulit yung usapan natin masaya tayong naguusap ng bigla mong nasabi sakin na "mahal pa rin kita at hindi kita kinalimutan" nagulat ako halo-halong emosyon pero bumalik yung galit, galit ko sayo na pagkatapos ng 1 taon sasabihin mo sakin yan nakaya mo kong iwan tapos sasabihin mo sakin mahal mo pa rin ako? Iniwasan kita hindi kita kinausap pero..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top