LETTING GO
Isa sa mga bagay na mahirap din gawin yung tipong hindi pa nga natin nahahawakan kailangan na agad natin bitawan? Bakit? Kadalasan kasi walang KAYO at walang TAYO pero minsan din naman kapit pa rin tayo ng kapit kahit ang totoo pagod na tayo.. Kahit gustuhin man nating kumapit hindi na pwede kasi kahit yung kinakapitan natin bumitaw na kaya kapag ganun bitaw na. Sabi nga nila "ang relasyon parang dalawang taong naghihilahan ng goma pag bumitaw ang isa paniguradong masasaktan eh yung nakakapit pa". Kapag bumitaw na siya bitaw ka na rin wag mo nang saktan yung sarili mo kasi pinanganak ka para mahalin hindi para saktan. Pano naman kung hindi pa nga natin nahahawakan kailangan na nating bitawan? Minsan kasi umaasa tayo na kapag nagmahal tayo mamahalin din tayo pabalik pero hindi ganun yun sige aminin mo sa mahal mo na mahal mo siya pag parehas kayo ng nararamdaman eh di mabuti pero kung hindi at may mahal siyang iba bitawan mo na dahil hindi matuturuan ang puso kung sino ang dapat at di dapat mahalin...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top