Kabaong

"Ano ba 'yan! Ang sikot-sikot naman ng daan dito!" Reklamo ko sa kasama kong si Kyle. Magsi-simbang gabi sana kaming dalawa at dito kami nadaan sa masukal na lugar. Malapit lang kasi ang simbahan kung tatahakin namin ang short-cut na daan papunta doon.

"Shh. Tumahimik ka nga, Bea. Ang ingay mo. Mamaya ka na magreklamo, ok?" Sita nito sa akin na nagpakunot ng noo ko. Palibhasa kasi lalaki siya kaya hindi niya maramdaman ang nararamdaman ko. Tsk.

"Saan na ba tayo?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Ano ba yan! Nawawala na yata kami, eh!

"Malapit na tayo." Sabi niya habang patuloy pa din sa paglalakad.

"Alam mo, kanina ka pa sabi ng sabi na malapit na tayo. Eh, naliligaw na tayo, oh!" Nakapameywang na puna ko. Pagod na ako kakalakad. Kanina pa kami nandito. Nagsisisi na ako at sumama pa ako sa bwisit kong pinsan na 'to.

"Easy ka lang, insan. Alam kong dito 'yung daan eh." Nagkakamot sa ulo na sabi niya.

"So hindi mo kabisado 'yung daan? Aba matinde! Sana talaga sumama na lang tayo kina Joice kanina." Pagmamaktol ko dito.

Naiinis pa din ako kay Kyle ngunit kailangan ko siyang sundin dahil ayokong mamatay sa magubat na lugar na ito. Marami pa akong pangarap sa buhay ano.

 

Patuloy pa din kami sa paglalakad ni Kyle ng maramdaman kong may kung anong nakasunod sa amin. Parang isang tunog ng pintuan na nagbubukas-sara. Nasa malayo ito pero ang tunog nito ay parang papalapit sa kinaroroonan namin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nagsimula na ding magsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"K-Kyle.." Tawag ko sa pinsan kong napatigil din sa paglalakad. "Naririnig mo ba iyon?" Tanong ko sa kanya habang nanginginig na lumapit dito.

Tumingin siya sa akin. Nakikita ko din ang bakas ng takot sa mukha niya. Hinawakan niya ako sa braso. "Kailangan na nating makalabas dito, Bea." Saad niya habang hinihila ako.

Naririnig ko pa din ang tunog na iyon. Waring papalapit na iyon sa kinaroroonan namin. Habang patuloy kami sa pagtakbo ni Kyle ay naisipan kong lumingon sa dinaanan namin.

At muntik nang malaglag ang puso ko sa takot ng maaninag ko ang isang puting kahon na lumilipad. Isang kabaong. Nagbubukas-sara ito at ito ang humahabol sa amin.

"Kyle!" Nagsimula na akong mag-iiyak sa takot. Jusko po! Tulungan n'yo po kami!

"Bea, bilisan mo ang pagtakbo!" Sigaw ng pinsan ko habang hila-hila pa din ang kamay ko.

Hindi maipaliwanag na takot ang nararamdaman ko. Heto yung ikinu-kwento ni Lola sa amin noon. Na totoong may nagmumultong kabaong sa kagubatan na ito.

"Naalala mo pa ba ang kwento ni Lola sa atin noon? Kailangan nating makahanap ng bahay na mapapasukan!" Ani ni Kyle habang nagpapalinga-linga sa paligid.

Patuloy pa din kami sa pagtakbo at patuloy pa din sa paghabol sa amin ang kabaong. Parang gusto kong mawalan ng pag-asa, pero hindi. Ayoko pang mamatay!

Ayon kasi kay Lola, kapag hinahabol ka ng nagmumultong kabaong ay 'wag mong hahayaang makalapit ito sa iyo, dahil kapag nahuli ka niya ay ipapasok ka niya sa loob nito at hindi ka na makakalabas pa ng buhay.

Kahit takot na takot ay nagpalinga-linga ako at nagbakasakaling may kubo man lang kaming makikita. Lord.. 'wag mo sana kaming pabayaan.
 
 

 

"Ayon! Kyle! May bahay-kubo!" Parang nabigyan kami ng pag-asang makakauwi pa ng buhay nang makakita ako ng isang munting kubo.
 

Dali-dali kaming pumasok sa loob nito saka mahigpit na sinarado ang pintuan. Natatakot man ay nakahinga kami ng maluwag. Para akong nawalan ng kaluluwa sa takot kanina.

Sinilip namin ang labas ng kubo. Nandoon pa din ang kabaong na patuloy sa pag-ikot sa paligid. Napasandal ako sa dingding saka nagsimula na ulit maiyak.

"Tahan na, Bea. Bukas, makakauwi din tayo." Pag-aalo sa akin ni Kyle habang hinihimas ang bandang likuran ko.

Nakatulog kaming dalawa hanggang sumapit ang umaga. Sinigurado muna namin na wala ng kabaong na lumilipad ang pumapalibot sa kubo saka napagpasyahan naming umuwi na sa aming tahanan.
 

-FIN-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top