Ulan

Sino ba naman ako para humiling ng isang milagro mula sa langit?
gusto ko lang maibsan ang nadarama kong init,
nais ko lang naman ng patak ng napaka malamig na unang patak ng ulan,
sa unang linggo ng isang buwan.

pagkatapos magtampisaw ay sasabak na namang muli,
titiisin ang init ng araw sa mga susunod pang mga linggo,
Tanging pahinga lamang ang making gusto,
kahit isa lamang sa bawat buwan, iyon ay husto,

Hindi ako diyos, hindi ako makinarya,
hindi ako disusing manika na walang kapaguran,
ako'y may limitasyon, may mithiin,
ngunit malabo pa ito sa katotohanan,
Hayaan mo akong huminga,
dahil iyon naman ay karapatan kong talaga,

Hindi ako galit,
nabasa lamang ng ulan ang aking mga sinampay,
Hinding hindi nako muli magtitiwala sa kalangitan na puno ng bituin,
dahil ang ulap ang tangi kong kalaban,
dahil siya ang lumuluha sa aking mga damit,
na mahirap tuyuin,


Malalim ang aking iniisip,
marami pa akong gawain na nagaantay sa akin,
Ngunit mas malakas ang kagustuhan ng aking isipan na sumulat,
hindi mo ako masisisi,
parehas lang tayo na nagsasayang ng oras,
saka na tayo mataranta at mawalan ng ulirat kapag malapit na ang oras,
at maliban sa atin ay nakapagpasa na ang lahat,

Nais ko lang mahiga sa malambot na kama,
nais ko lang makagamit muli ng unan na lagpas sa walong oras,
kumain muli ng nilutong maruya ng aking ina matapos ang siesta,
tumakbo na para bang wala ng bukas,
nais ko lang bumalik muli sa panahong ako'y nagliliwaliw at natutuwa pa,
Sa bawat patak ng tubig sa aming bubong kapag umuulan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top