Unang Yugto ng Buhay Ko

Ako'y isinilang sa isang baryo
Pook na 'di magulo
Walang bundok, dagat o pulo
'Pagkat nasa bukid, puro puno.

Payak ang aming buhay
Magsasaka ang aking tatay
Minsa'y tagagawa ng bahay
Samantalang tagaalaga si nanay.

Ating silipin aming tahanan
Isa kaming tunay na Pilipino
Nakatira sa bahay-kubo
Sa paligid ay puro halaman.

Nene! Sigaw ni nanay
Biglang lungkot ay sumilay
Kaibigang si Ana'y iniwan
Pero mamaya, laro'y babalikan.

Si nanay ay naghain
Payless na aming tanghalian
Ako'y kumuha ng inumin sa buyugan
Susubo na sana nang ako'y pagalitan.

Inutusan ako ni tatay
Maghugas daw ako ng kamay.
Kakamot-kamot ng ulong sumunod
Sa palanggana, kamay ay nilunod.

Matapos kumain at magpahinga,
Tumakbo pabalik kina Ana
Iniwan si nanay na naghuhugas ng pinggan.
Matulog daw ako pero di siya pinakinggan.

Kailangan pang tahakin ang daang maputik
Nang kina Ana'y makalapit.
Para makipalaro kaya't bumalik
Maniniwala ka ba na bahay nila'y pinakamalapit?

Ako yata'y uuwing luhaan
Si Aleng Lita, ako'y sinabihan
"Natutulog si Ana bumalik ka na lang mamaya."
Wala akong nagawa.

Naabutan ko ang mga magulang
Nakahiga sa papag na nasa silong ng mangga.
Iyong kalabaw ni tatay, nakatali sa akasyang katabi nila.
Ako'y nakihiga't natulog na lamang.

Nang maalimpungatan, halos magdidilim na.
Hinanap ng aking mata, mga kasama kanina.
Kaagad pumasok sa loob ng bahay.
Lampara'y sinindihan ni nanay.

Alam mo ba ang kuwento ng gamugamo?
Hindi ito sa aki'y naikuwento.
Nakita ko lang sa lampara ang mga ito.
Isa-isang nasusunog nang sila'y sa apoy pumaparito.

Si tatay ay tumawag.
Umakyat ako sa kahoy na hagdan.
Sa kwarto siya'y naroon kahit di maliwanag.
Kandila sa ginawang altar ay sinindihan.

Kami'y sa sahig na kawaya'y napaluhod.
Sinundan ko lamang pag-usal ni tatay ng sunud-sunod.
Hindi man malinaw sa'king isipan kung bakit ginagawa,
Nagdadasal pa rin sa May-likha.


———————
Thank you Miss   imaginatasya para sa napakagandang Book Cover :).

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top