Mga Guro
Dahil mahalaga sa akin ang mga guro
Ako ay gumawa ng tula para sa inyo
Heto na at pakinggan mo
Guro, Pangalawa nating ina
Pwedeng mabait o strikta
O Kahit ano kapag nasa mood siya
Guro ang siyang nagturo
Magbasa, magbilang ating natuto
Malaki ang pasasalamat namin sa inyo
Dahil kundi sa inyo kami ay BOBO
Minsan, tayo ay nasisigawan
Napapahiya pa nga kung minsan
Pero di ba natin alam?
Ginagawa nila ito para sa ating kapakanan
Kaya, mga guro, salamat
Sa pasensya at tiyaga
Sa inyo kami natuto
Sa kung ano kami ngayon
Mga guro ay igalang
Dahil sila ang nagturo simula pa lamang
Nagbigay sila,
Kayamanang di kailanman ay mawawala.
=.=.=.=
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top