I - Huwag Buksan Ang Pinto

Dedicated ang first part na ito kay fourteenars salamat sa book cover na gawa mo. You can also try to check her stories out.

-----------


Simula


"...sa mga susunod na mga araw ay tuloy-tuloy ang pagbagsak ng malalakas na ulan. Maaari itong magdulot ng pagbaha, na nagiging sanhi naman ng flashflood, alon, pagguho ng lupa, at pagragasa ng putik. Maging alerto sa pinakahuling ulat, kagaya ng bilis at lakas ng hangin ng papalapit na bagyo. Pinapayuhan ang lahat na simulang ihanda ang mga gamit na kakailanganin kagaya ng payong, kandila, flashlight, tubig at pagkain. Manatiling nakatutok sa---"

Ibinalik ng matandang babae na medyo kulubot na ang mukha ang remote sa itaas ng telebisyon pagkatapos nitong pindutin ang off button.

'Tutal, wala namang interes ang apo ko sa mga balita, mas mabuting naka-off na lamang ito,' sa isip-isip ng matanda habang tinititigan ang apo nitong babae, na ngayon ay nakatuon ang atensiyon sa sarili nitong notebook.

Nakasayad na ang dulo ng buhok ng labing-anim na taon na babae sa mesa nito, dahil sa kahabaan.

"Alyanna, apo ko, pinatay ko muna itong TV. Hindi ka ba manonood?" nag-angat ng ulo si Alyanna habang nag-iisip ng susunod na hakbang sa sinasagutang problem set ng mathematics.

"Hindi po, Lola. Kailangan ko pa po kasing tapusin 'tong mga lectures ko para sa exam bukas. Tsaka, maaga pa naman po eh," sagot ni Alyanna na naka-focus parin sa kaharap nitong papel.

Nag-angat ng ulo ang matandang babae, si Lola Marta, at tumingin sa makalumang orasan na nakasabit sa ding-ding. 8:46 PM, ang sabi ng orasan na ngayon ay maingay dahil sa umiikot na kamay nito.

"O sige,..." saad na lang ni Lola Marta at tinungo ang kusina. Bumalik ito na may dala ng tupperware na pinaglagyan ng adobo.

Naglakad si Lola Marta at tumigil sa harap ng mesa ni Alyanna.

"Apo ko, ibibigay ko lang itong ulam kay Manong Julio mo, ha?"

Nag-angat na naman ng ulo si Alyanna at tumango. "Sige po, Lola," at bahagyang ngumiti ito.

Napatingin si Alyanna sa kanang bahagi niya para ihatid ng tingin ang kanyang Lola habang papalabas ito ng bahay. Nasa kanan kasi ni Alyanna ang pintuan ng bahay, na apat na hakbang lang ang layo.

"Sandali lang ako, ha?" bilin ng matanda sa apo bago tuluyang sinara ang pinto. Tumango lang ulit si Alyanna at ngumiti.

Sa labas, madilim higit pa sa inaasahan. Ang bilog na buwan na nagsisilbing ilaw sa dilim ay hindi nagpakita.

Walang ni isang presensya ng bituin sapagkat natatabunan ang mga ito ng maiitim at makakapal na ulap ng gabi.

Sensyales ng banta ng malakas na ulan.

'Tama nga ang balita sa TV,' sa isip-isip ni Alyanna. "May bagyo nga siguro ngayon."

Nagpatuloy na lang siya sa kanyang ginagawa.

Mag-isa lang si Alyanna sa bahay, ang Lola Marta na lang niya ang nakakasama niya na ngayon ay nasa kapitbahay.

OFW kasi ang ina ni Alyanna. At simple lang ang pamumuhay na mayroon siya. Wala siyang reklamo kung anong meron siya ngayon.

Masaya na siya na nakakasama ang Lola niya sa ilalim ng bobong.

Isa rin si Alyanna sa mga Top Students ng class nila. Kaya todo aral siya. Hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral sa kabila ng pangungulila niya sa kanyang ama na ngayon ay patay na, apat na buwan lang ang nakalipas.

Namatay kasi ito sa car accident na siyang ikinalungkot ng lahat, lalo na ang kanyang Lola at ina.

Tumingin si Alyanna sa lumang orasan sa ding-ding. "Mahigit kalahating oras na simula nung umalis si Lola pero hanggang ngayon 'di pa siya nakakabalik." Mahinang saad niya sa sarili.

Nagpatuloy na lamang siya sa pag-aaral.

Tahimik ang lugar na kinatatayuan ng bahay ni Alyanna. Tahol ng aso, pag-uusap ng kapitbahay, at tunog ng lumang orasan. Ito ang mga tunog na umaalingawngaw sa pandinig niya.

Sa sala na nakasanayang mag-aral ni Alyanna dahil ayaw niya sa sariling kwarto.

Pakiramdam niya kasi ay tinutukso siya ng higaan niya na huwag ng mag-aral at matulog na lang.

Halos humiwalay ang kaluluwa ni Alyanna nang marinig ang pagbasag ng kulog sa kalangitan.

Hindi naman matatakutin si Alyanna pero magugulatin ito.

Nabitawan niya pa ang gamit na ballpen at napahawak sa bandang dibdib.

'Uulan na nga yata,' naisip niya.

Umihip ang malamig na hangin na pumasok sa bintana.

Bahagya siyang nanginig nang dumampi ang malamig na haplos ng hangin sa kanyang braso.

Napayakap pa siya sa sarili dahil sa nararamdamang lamig.

Napalingon si Alyanna sa likod niya kung saan makikita ang Jalousie na bintana. Nakabukas ito at hinahayan ang hangin na liparin ang kurtina.

Nagsimulang bumagsak ang ulan. Naalala niya ang ulat sa balita.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Alyanna na siyang nagpagulat sa kanya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso pero bumalik naman agad ito sa normal sa oras na sinagot niya ang tawag.

"Hello? O napatawag ka?"

"Bess! Tapos ka na?" mas nilapit ni Alyanna sa tenga niya ang speaker ng kanyang cellphone para mas marinig ang kausap.

"Ano?"

"Ang sabi ko kung nakapag-study ka na ba," pag-uulit nito.

"Nasimulan ko na pero 'di pa ako tapos," napalingon na naman si Alyanna sa bintana nang maramdaman na naman niya ang hampas ng malamig na hangin.

"Ako rin Bess eh, tsaka tinatamad din ako dahil sa ulan."

Tumayo si Alyanna, ang cellphone na nakadikit sa tenga, at nilapitan ang bintana para isara ito.

Isang hakbang lang ay napatigil siya nang may maaninagang anino. Nakatayo ito sa labas ng bahay.

Patuloy parin sa pagsasalita ang nasa kabilang linya. Ngunit hindi na ito maintindihan ni Alyanna dahil sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Napalunok si Alyanna sa nanunuyong lalamunan. Imbes na matakot at umatras, nagpatuloy lang siya.

Nakatitig siya sa aninong nasa labas habang nilalapitan ang bintana.

"Hello? Alyanna? Nakikinig ka ba?"

Pasikip nang pasikip ang kanyang dibdib.

Noong nakalapit na siya sa bintana, ay halos malagutan siya ng hininga sa nakita.

DALAWANG MATA NG MATANDANG BABAE ANG NAKASILIP SA BINTANA!

Malungkot ang mga matang ito.

Nakatitig sa kanya!

"Hello? Alyanna?"

Pumikit si Alyanna at mabilis na tinulak ang bintana paitaas para isarado ito.

Sumandal siya sa bintana. Ramdam niya ang lamig nito na tumutusok sa kanyang likod.

"Hindi,... h-hindi totoo 'to. Wala akong nakita. Namalikmata lang ako. Dala lang 'to ng pagod ko."

"Ha? Anong hindi totoo? Anong nakita?"

Doon niya lang naalala na kausap niya pala ang matalik na kaibigan.

"W-wala bess,.." inalala niya ang pinag-usapan, "kumusta pala? Tapos ka na ba?"

Nanghihinang lumakad at bumalik sa upuan si Alyanna.

"Hay bess, hindi ka naman nakikinig eh. Hindi pa nga ako tapos, at kaya ako tumawag dahil kelangan ko ng tulong mo."

Mas tumindi pa ang lakas ng ulan. Umihip ang malakas na hangin. Nakakabingi ang kulog. Kasabay ang pagbiyak ng kidlat.

Napatingin siya sa paligid.

Napaangat ang kanyang ulo nang magpatay sindi ang ilaw.

Hanggang sa nawala ng tuluyan ang kuryente.

Nagmistulang tambol ang puso ni Alyanna dahil sa dilim. Naistatwa siya sa kanyang kinauupuan.

Sinabayan pa ng ingay ng pagbagsak ng ulan. At ang humahampas na hangin.

Tumayo ng dahan-dahan si Alyanna, plano niyang kumuha ng kandila sa kusina. Kinuha niya ang cellphone upang magsilbing ilaw.

Hirap siya sa paglalakad dahil sa kaba.

Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang naghahanap ng kandila sa kusina nang mapatigil siya.

May kumatok sa pinto. Narinig niya parin ito sa kabila ng ingay ng ulan.

"L-Lola? Ikaw na ba 'yan?" pasigaw na tawag niya.

Walang sumagot.

Narinig niyang may kumatok ulit.

"T-teka lang Lola. K-kukunin ko lang 'tong kandila."

May kumatok ulit, ngunit palakas nang palakas ito.

Tila nagagalit.

"Teka lang po!" naisip ni Alyanna na baka nagagalit na ang kanyang Lola Marta dahil basang-basa na ito sa ulan.

Hindi na lang niya kinuha ang kandila at tinungo ang pinto.

Patuloy lang ang pag-katok ng malakas na animoy sisirain na ang pinto.

Noong hahawakan na niya ang doorknob, bigla niyang naalala na hindi naman ito nakalock.

Patuloy parin ang malakas na pagkatok.

Napailing siya at binuksan ang pinto.

"Sorry po Lola kung---" natigil siya pagsasalita.

WALA ANG LOLA MARTA NIYA!

Nanginginig niyang ini-on ang flashlight ng kanyang cellphone at inilawan ang labas.

Wala siyang makitang tao.

Humampas ang malamig na hangin.

Niyakap siya ng lamig at kilabot!

Nanghihina niyang sinara ang pinto.

Mabibigat ang mga hakbang ni Alyanna noong bumalik siya sa kanyang upuan.

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya.

Ngunit kahit anong pagpapakalma ang ginawa niya.

Hindi parin mawala ang sindak!

"A-ano ba 'tong utak ko. Gawa-gawa ng kung ano." pagsisinungaling niya sa sarili para lisanin siya ng takot.

Ngunit walang nagawa iyon.

Nanginginig niyang pinulot ang ballpen nang may malakas na katok na naman ang gumimbala sa kanya.

Mabilis niyang tinungo ang pinto at binuksan ito.

Nabuhayan siya nang may tao na sa harap niya.

Ngunit hindi ito ang Lola niya.

Isang matandang babae. Nakasuot ito ng itim na bestida. Basang-basa ang buhok. Hindi niya ito makilala dahil nakayuko ito.

Kukuba-kuba ito kung tumayo.

"L-Lola... Uhm, a-ano pong maitutulong ko?"

Hindi ito sumagot.

"L-Lola,... s-sige po. Isasara ko na po itong pinto."

Isasara na sana niya ang pinto nang magsalita ang matandang babae.

Malamig ang boses nito.

"Hindi mo ba ako patutuluyin, anak?"

Tumindig ang balahibo niya sa batok narinig lang ang boses na ito. Malalim. Para itong nanggaling sa ilalim ng balon.

"Hihingi sana ako ng makakain."

Nakayuko ang matanda habang nagsasalita. Hindi niya parin ito nakikilala.

"Pasensya na po pero wala po kaming pagk---"

"Kahit tubig?"

"Wala po talaga, sorry po."

Pabagsak niyang sinara ang pinto. Halos maiyak na siya sa sobrang takot.

Umikot siya para bumalik sa upuan.

Ngunit sa oras na umikot siya, nakita niyang may nakaitim na nakaupo sa upuan niya.

ANG MATANDANG BABAE NA NASA LABAS NG BAHAY!

Nandilat ang kanyang mata nang unti-unti itong tumingin sa kanya.

Wasak ang mukha nito!

Nanlilisik ang matang nakatitig sa kanya.

"IKAW! MAMATAY KA!"

Isang iglap lang ay nasa harap na niya ang matandang babae.

Naramdaman niya ang malamig na kamay nito sa leeg niya. Humihigpit ito. Sinasakal siya.

Nanlilisik ang mata nito.

Humahalakhak.

Napaluhod siya habang naririnig ang humahalakhak na babae.

Hanggang sa nandilim ang kanyang paningin.

***

A/N:

Huminga tayo nang malalim. And BOOM!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top