Odd Love

Character:

Gulf as Jervs
Mew as Josel


May nagsabi sa akin dati. Ang pag-ibig daw ay hindi palaging masaya. May lungkot at sakit itong kasama. Hindi ako naniwala, hanggang sa makilala ko si Jervs.


My name is Jose Leonardo, Josel for short. I'm a supervisor sa isang kilalang convenience store. Jervin or Jervs is my boyfriend. He is one of the BPO employee sa second floor ng building kung saan din ako nagtatrabaho. Parehas kaming night shift, dahil 24 hours bukas ang convenience store na pinapasukan ko. Ang mga customer kasi namin ay mga mga BPO employee like Jervs.


Gwapo si Jervs, mabait at jolly. Sabi ng mga friends nya numero unong bully sya sa work, pero sabi nya sa akin it's his way of relieving the stress on the spot not only for him but also to his team mates. Ang hirap daw kasi na the whole shift ay stress sya tapos ang kausap nya na mga customer ay entitled na maalam.



We started as friends katulad ng ibang couple. Hanggang sa dumating kami sa point na niligawan nya ako. At first akala ko niloloko nya lang ako. Ang hirap kasi seryosohin ng mga sinasabi nya dahil nga joker sya. Saksi ako kung gaano sya kamapagbiro sa mga katrabaho nya. Tsaka, I neve4 expect na hahantonng kami sa ganito. Wala sa hitsura ni Jervs na magkakagusto sa katulad ko.


After a month ay tsaka lang ako naniwala na seryoso sya. Hinayaan ko sya na ligawan ako. Sabi ko sa sarili ko, wala naman mawawala sa akin kung hahayaan ko sya. Besides, gusto ko maranasan kung paano nililigawan.



Yes, I'm a gay, at pangarap ko maranasan na maligawan. Gusto ko kasi maranasan yung sinasabi nila na kilig pag alam mo na sa sarili mo na gusto mo na yung nanliligaw sayo or kung yung crush mo ang nanliligaw sayo mismo. Gusto ko malaman sa sarili ko kung totoo yun. Yung kikiligin ka tapos hahanapin mo yung panunuyo nya sayo every now and then hanggang sa sasagutin mo na sya.



Inabot ng apat buwan sa panliligaw si Jervs. Sabi ko sa sarili ko, pag umabot sya ng apat na buwan sa panliligaw, sasagutin ko sya. And yes, umabot sya ng apat na buwan. Birthday nya ng sinagot ko sya. It serve as my birthday gift to him.





Sweet, maalaga, malalahanin at super clingy si Jervs. Kahit nasa prod hour sya nagchachat sya sa akin to update me what he is doing. Basta lagi yan naka update. Kulang nalang pati bilang ng hininga nya ay sabihin nya sa akin. Wala rin syang paki kahit nasa public place kami. Sabi nga nya, I don't care about the PDA. Maiinggit sila kung gusto nila. Maghanap din sila ng boyfriend nila.


After a year, I surrendered myself to him. Nag live in na din kami since parehas din naman kami nag boboard. Ako kasi talaga ay solo sa buhay. I'm an orphan na, habang si Jervs naman ay nasa province ang magulang at mga kapatid.



Okay naman kami. I mean, masaya kami. We live like husband and wife. Asikasong-asikaso ako ni Jervs sa lahat. Sya taga luto, taga laba, taga hugas. Niloloko na nga sya ng mga friends nya na tigasin daw sya, but Jervs said deserve ko ang ganoong treatment. Hindi naman daw kasi kumo lalaki ako ay hindi ako pwede alagaan tulad ng pag-aalaga ng mga lalaki sa babae. Deserve ko daw na itrato bilang hari. At sobrang saya ko ng marinig ko yun. Pakiramdam ko ako na ang pinakamagansang bakla sa balat ng lupa.

Sabi ng mga ka team nya we have an odd love. Kakaiba kasi hindi kami yung babae at lalaki na magkarelasyon. But still, they are happy for us. Suportado nila ang relasyon namin at lagi silang kakuntsaba ni Jervs sa mga pa surprise nito sa akin.



Tatlong taon na kaming magkarelasyon ng unti-unting magbago ang lahat dahil sa isang babae. Dahil kay Charmaii na katrabao ni Jervs.

Ewan ko, pero hindi ko talaga gusto ang babaeng yun. Mabait, oo, pero halatang nasa loob ang kulo. Tipong bait-baitan lang. Pakitang tao kung baga. Unang kita ko palang sa kanya, mainit na ang dugo ko, pero I don't deal with it. Hindi naman talaga lahat ng tao ay gugustuhin ka at gugustuhin mo din. May tao talaga na ayaw mo kahit walang dahilan. Hindi ko na din sinabi kay Jervs na ayaw ko kay Charmaii kasi ka team nya yun eh, baka layuan nya. Si Jervs pa naman ang uri ng tao na pag sinabi kong ayaw ko, lalayuan nya. Automatic yun, pag sinabi kong ayaw ko, didistansya na agad sya.


But I think I made a wrong decision. Lagi kasing nakadikit si Charmaii kay Jervs ko, though nakikita ko naman na lumalayo si Jervs sa kanya. Sadyang may lahing linta lang siguro si Charmaii kaya ganun. Minsan nga kateam na ni Jervs ang naglalayo sa kanya sa boyfriend ko pero bumabalik pa din ito kay Jervs pag nabibitawan. Para syang lintang goma.


Until, yun nga, one day, nagising ako na iba na ang pakikitungo sa akin ni Jervs. Hindi na nya ako masyadong kinakausap. Lagi din syang nasa galaan. Nung una, inintindi ko. He got promoted at ang nasa isip ko nun kailangan nya makisama sa new team mates nya. Hindi naman ako ganun kakitid mag-isip kaya hinahayaan ko lang sya. Hindi ko din naman sya pinaghihigpitan kasi naniniwala ako na ang isang tao pag hinawakan mo ng mahigpit lalong magpupumiglas. Tsaka may tiwala ako sa kanya eh. But then, sabi nga nila, pag niluwagan mo ng husto ang pagkakahawak mo, may chance na makawala at makuha ng iba.

Ako yung tipo ng tao na hindi basta naniniwala sa sabi-sabi. Pag nagtiwala kasi ako sa isang tao, buo yun at hindi matitibag ng kahit na sino o nang kahit na anong sabi-sabi. Pero mahirap pala magpakatiwala ng totoo, dahil aabusuhin ka nila. Buti nalang may mga taong mababait at handa akong sampalin sa katotohanan nasa harapan ko na pero pilit kong iniignora.


Thanks to his former team mates, nalaman ko na matagal na pala kong niloloko ng taong mahal ko. Salamat sa kanila, I caught Jervs cheating on me, real time.




"Babe."



Iwinaksi ko ang kamay ni Jervs na nakahawak sa akin at kusang lumipad ang sarili kong kamay para sampalin sya. "Ano? Sorry? Yun ba sasabihin mo? Hihingin mo ba na hayaan kita magpaliwanag?"


"I have the right to explain naman diba?"

Pagak akong tumawa tsaka ako tumango. "Yeah. Then go ahead and explain."

"Sorry. Hindi ko sinasadya."


Para akong sinampal ng tubo at tinasak ng libong espada sa dibdib sa sinabi nyang iyon. Yung luha na pinipigil ko ay kusang umalpas sa aking mata.


Malakas akong tumawa. Buti nalang talaga at nasa bahay na kami. Hindi nakakahiya na umiyak at tumawa at the same time


"Hindi sinasadya? Hindi mo sinasadya na lokohin ako ganun? Tang-ina Jervs, anong akala mo sa panloloko, sasakyan sa edsa? Sasakyang rumaragasa tapos nabangga ka?"


"Hindi ganun babe."


"Eh ano?"


"Hindi ko sinasadya na mahulog sa kanya."


"Then, why did you stay with me kung sya na pala?"


"Kasi natatakot ako. Natatakot ako na mawala ka?"

"Eh gago ka pala eh! Isa kang malaking gago Jervs. Kung takot ka na mawala ako, hindi ka magmamahal ng iba. Hindi ka mahuhulog sa babaeng yun at hindi mo ako lolokohin! Ganun pag takot na mawalan ng isang tao sa buhay nya. Pero sa kaso mo, takot ka lang na sabihan na manloloko."


I wipe my tears. "Kelan pa? Kelan nyo pa ako ginagago?"


"Isang taon na."


Napapikit ako. I heaved a deep sigh para pigilan ang nararamdaman ko na galit. I need to calm down para hindi ko masaktan pa ng pisikal si Jervs. Nanginginig ang kalamnan ko. Gusto ko manuntok, pero pinipigilan ko ang sarili ko.


"Pero babe, kung papipiliin mo ako, ikaw pipiliin ko. I already realize na ikaw ang mahal ko at hindi sya."


Muli akong natawa. Yung tawa na hindi ko alam kung natatawa ba ako sa sinabi nya o nababaliw na ako dahil sa sakit.



"Don't choose. Wag ka mamili. At kahit na sino ang magpapili sayo, piliin mo ang huli Jervs. Piliin mo kung sino ang huli mong minahal. Piliin mo si Charmai at hindi ako. Dahil hindi mo sya mamahalin kung mahal mo pa ako."




"No, babe. Ikaw talaga yung mahal ko. Nadala lang ako sa kanya."


Umiling ako. Tumingin ako diretso sa mga mata nya habang ang luha ko ay patuloy na umaagos sa aking pisngi. "Jervs, mahal kita, pero hindi ako tanga. Once is enough. Let's end this habang hindi pa ako ganun kadurog."



"Babe, I deserve a second chance naman diba? Babawi ako. Hihiwalayan ko si Charmai."


"Yes, you deserve a second chance Jervs, pero hindi sa akin. You cheated once, and I know gagawin mo ulit yun. Once a cheater is always a cheater."


"Babe, hindi ko naman yun sinasadya eh, promise."



"Tang ina mo naman Jervin!" I snap. "Cheating is a choice, not an accident. Hindi yan rumargasang sasakyan sa edsa. Para lang yang pagbubuntis ng isang babae Jervs na wala sa plano. Walang babaeng aksidenteng nabubuntis dahil walang rumaragasang tite sa kalsada na nambabangga ng mga babae tapos, boom, buntis na. At walang aksidenteng panloloko Jervs. Choice mo yan. Choice mo na lokohin ako.Choice mo na saktan ako. That time you have two choices. Nung araw na nagdesisyon kang lokohin ako, mag pagpipilian ka na nun.  You can choose already between me and that girl, pero sya ang pinili mo. Kaya wag mo ako rarasonan na aksidente ang nangyari dahil tangina mo, walang ganun."


"Pag sinabi mo kasi na aksidente, biglaan yun. Yung hindi ka na nakakapag isip at makakapamili. Pero yung panloloko mo, hindi yan aksidente dahil pinili mo yan. Pinili mo na mahalin si Charmai. Pinili mo na makipagrelasyon sa kanya. It's a choice Jervs. Cheating is a choice. You cheating on me is your choice. So damn that HINDI KO SINASADYA OF YOURS dahil walang ganun!"



"Sige na mali ko na. Na tempt ako, pero babe, kung papiliin mo ako, ikaw ang pipiliin ko."


"Too late for you to choose Jervs. Too late, dahil tapos na tayo. Umalis ka na."


"Babe wag naman ganun."


"Aalis ka o ako ang aalis? You choose."


"I stay."

Tumango ako. "Then, ako ang aalis."

Hindi ko na inantay pa ang sagot nya. Tinalikuran ko sya at lumabas sa apartment na tinitirahan namin. Agad akong sumakay ng taxi, para hindi na nya ako mahabol pa.


Nakiusap ako sa best friend ko na si Emerson na makikituloy muna ako sa kanila that night. Buti nalang at pumayag sya. Buti nalang din hindi nya ako tinanong kung ano ang nangyari.


The next day, I asked for my tranfer sa ibang branch na agad naman naaprobahan. Kinuha ko ang gamit sa apartment. Tinaon ko iyon na may pasok si Jervs.



Isang taon na ngayon mula ng naghiwalay kami ni Jervs. Ang huling balita ko ay nakipag hiwalay na din ito kay Charmai. Hinanap din daw ako ni Jervs to fixed our relationship pero Emerson say nothing about my whereabout. Thankful ako dahil doon. Wala din naman ako balak na makipag ayos pa sa kanya. I love him pero hindi ako ganun katanga.

Everyone deserve to love and to be love, pero dapat wag todo. Magtira ka para sa sarili mo. You should love yourself more than you love your partner para hindi ka maubos kung sakali. Nakakabaliw kasi yung sakit. Aabot ka talaga sa point na kukwestyunin mo yung halaga mo. Pati existence mo kukwestyunin mo.



And if time comes na magmamahal ka ng higit sa isa, piliin mo palagi ang huli. Hindi ka magmamahal ng isa pa kung mahal mo pa yung una. Parang sa baso lang yan. Hindi ka nakakapag refill kung may laman pa.



Walang taong nagmamahal ng pantay. You cannot give two person an equal love. Laging may higit kang mahal. It is the same as of the saying na walang alipin na makakapaglingkod ng tapat sa dalawang hari.


Dapat din, pag alam mo nang hindi mo na mahal ang isang tao, umalis ka na sa relasyon nyo. End it immediately.  Dahil kung papasok ka sa isang relasyon habang nasa isa ka pang relasyon, kahit ano pang idahilan ko, it will never justify cheating.

Cheating is a choice. Hindi yan truck ba walang preno at aksidente kang nabangga. You choose to cheat kahit na may choice ka na wag gawin yun. It's not an accident, dahil walang aksidenteng nangyayari na aware ka. I mean, yung alam ko na maaksidente. Walang ganun. Kasi kung alam mo na madidisgrasya ka, syempre iiwas ka na para hindi ka masaktan diba? Hindi ka tanga na alam mo nang maaksidente ka eh doon ka lang at tutunganga.


Sa ngayon, single pa din ako. Single and happy. May nanliligaw pero wala pa sa plano ko na sagutin sya. Tsaka na siguro kung nakakaya nya mag antay ng isang taon. Hindi pa kasi ako handa. Naka move on naman na ako, sadyang hindi pa ako handang pumasok ulit sa relasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top