Just Friend 2
GEO'S POV
"Thank you for your trust sir." Nginitian ko lang ang stewardess tsaka ako maingat na bumaba ng eroplano.
Two years and here I am again, back to a place where all my pain started. Sa bansa kung saan una kung naranasan magmahal at masaktan dahil sa pagmamahal. Now I'm back as new me, buo at nakakangiti na muli.
"You have a beautiful country Geo." Ani ni Jade, the person I love. Yeah I'm able to love again.
I meet Jade sa bansang pinagtakbuhan at pinagtaguan ko. He became my co-worker at kapitbahay. He's also the person who stayed with me nung panahong hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko sa buhay ko dahil hindi ko kinaya na wala sa paligid ko si Lash. Sya yung naging sandalan ko. Sya yung nagpatunay sa akin na kahit magkaibigan ay pwedeng maging mag-ibigan.
"Nasa airport palang tayo Jade." Naiiling na sambit ko. Actually pumunta kami dito para mameet nya ang parents ko.
"What is the use of google, babe?" Tsaka nya hinarap sa akin yung Ipad nya na kanina nya pa hawak. Flashed in the screen is the view of my place. Yung mga lugar na magandang puntahan. "Do you like a beach wedding?"
"Kahit ano basta ikaw papakasalan ko." Dumeritso ako sa kuhaan ng bagahe para kunin ang mga dala namin.
"I love all the beaches here. Let's do a beach wedding."
"As you wish babe." Ngintian ko sya. He is damn excited to our wedding eh hindi pa nga namin alam kung papayag ang parents ko.
Yeah, Jade is my fiancee. Isa din sa rason kung bakit kami umuwi dito is to inform my parents about our plan wedding. Alam naman nila na may boyfriend ako pero hindi nila alam na may balak na kami magpakasal. Tanggap nila na ang karelasyon ko ay lalaki pero hindi ko alam kung matatanggap nila na ang magiging asawa ko ay lalaki din. But I still believe na matatanggap nila yun. Mabait naman si Jade eh. Kung ikokompara ko sya kay Lash, mas higit sya sa kanya.
We grab a taxi at nagpahatid sa bahay namin. Hindi alam ng parents ko na uuwi kami. It's my surprise to them. Dumaan muna kami sa isang flower shop to buy a flower pati na dins a cake shop. Today is my parents anniversary at regalo ko sa kanila ang pag uwi ko. Matagal na kasi nila ako kinukulit na umuwi eh kaso hindi ko sila pinagbigyan. This will be my gift to them, yung pag uwi ko. Alam ko matutuwa sila na makita ako. Excited na din ako makita sila.
Pagkarating namin sa bahay ay hindi na ako nagtaka kung bakit may handaan. Nagpadala kasi ako ng panghanda nila dahil ang sabi ko ay hindi ako makakauwi kaya ako nalang sasagot ng handa nila mommy. Syempre para hindi sila mag hinala na uuwi ako, tsaka para hindi na rin nila ako kulitin na umuwi.
"Nakakainis ka naman eh!" Umiiyak na sabi ni mommy habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Surprise nga kasi mom." Natatawang sagot ko.
"Eh paano kung pagdating mo wala kami dito?"
"Kaya nga I make sure na may handaan na magaganap para hindi kayo aalis."
"Nakakainis ka pa din."
"I love you both. Happy anniversary po." Inabot ko sa kanya yung bulaklak na binili ko at inabot ko naman kay dad yung binili ko na regalo.
"Is he Jade?" Tanong sa akin ni dad na ang mata ay nas fiancee ko.
"Good day po. Happy anniversary." Bati ni Jade sa kanila. May inaabot regalo si Jade sa magulang ko.
"Sweet naman pala daddy eh. No wonder our son fall to him." Ani mommy.
"Mas sweet kung pakakasalan nya." Sagot ni dad. Nagkatinginan kami ni Jade. Medyo na shock ako kasi galing mismo kay dad yung salitang kasal. I know gulat din si Jade. Sabi nya nga sa akin kanina kabado daw sya baka mamaya hindi pumayag ang parents ko. Pag nagkataon daw itatanan nya ako
"Actually po, may balak na kami." Wika Ni Jade. He hold my hand tsaka pinakita sa parents ko yung engagement ring.
"Hindi mo agad sinabi." Natawa nalang ako sa sagot ni dad. I worried for nothing pala. Sila din pala mismo mag oopen ng tungkol sa kasal namin.
"Let's talk about the details today or tomorrow. Kumain na kayo." Sabi ni mommy sabay hila kay Jade papunta sa buffet table.
"Tignan mo yang mommy mo, miss na miss ka daw pero yung mapapangasawa mo ang hinila at hindi ikaw." Iiling-iling na sabi ni dad.
"Pagbigyan na natin dad. Bukas ko na sya dadramahan."
"Sige mag dramahan kayo, viewer kami ni Jade." Tumawa nalang ako sa sinabi ni dad. Inakay nya ako papasok habang yung mga gamit namin ay binilin na nya sa katulong namin.
Madaming bisita pero agad kong nakita si Lash kasama ang mga tropa namin. Nakatingin silang lahat sa akin. I wave at them at signal them na saglit lang. Kumuha lang kami ni Jade ng pagkain tsakako sya inakay sa table ng mga kaibigan ko para ipakilala.
"Ang daya, walang pasabi kahit sa amin." Nagtatampong wika ni Renz pakalapit namin.
"Sa daldal nyo na yan, hindi talaga ako magsasabi." Sagot ko. Nilapag ko sa lamesa yung pagkain na dala ko. "Guy's meet my fiancee, Jade."
"Ayon! Kaya hindi makauwi kahit anong pilit namin. Ang sakit ha. Pinagpalit mo kami." Pag dadrama ni Pierce.
"Baliw. Pinagsasabi mo. Kailan nyo ako pinauwi?" Sinensyasan ko si Jade na maupo na. Medyo alanganin ang ngiti nito. For sure naiilang sya sa mga kaibigan ko. Mga baliw kasi kung ano sinasabi.
"I asked you to come home before my birthday pero hindi ka umuwi." Sabat ni Lash.
Nilingon ko sya na sana pala hindi ko ginawa. My heart beat fast. It's the same feeling I have two years ago. Walang nagbago. Hindi nabawasan, parang ka gwapuhan nya.
Sabi nga nila first love never die. It eventually die. Hindi ko na kasi maramdaman na mahal ko sya. It's just that he has a special place in my heart. Why not naman kasi. He is the first person I love.
"Kasi plano ko umuwi ngayon. Sorry na." Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko sa titig ng Lash sa akin.
"I see. Hindi na nga pala ako ang priority mo." Pabulong yung pagkakasabi nya nung mga huling salita pero dinig na dinig ko iyon.
Noon priority kita Lash. Ngayon hindi na. We're just friend and not a lover para maging priority kita.
LASH POV
Matama ko pinagmasdan si Geo habang nakikipag usap sa mga kaibigan namin. I can see the new him, the happy him. I can see kung paano nya asikasuhin si Jade.
Masakit. Sana ako yun. Sana ako yung inaasikaso nya. Ako sana yung fiancee nya. Kaso, tanga ako eh. I let him go kahit na alam kong gusto ko sya. Kahit na alam ko na hindi ko kakayanin na wala sya sa tabi ko. I let him go. Kumapit kasi ako sa nararamdaman nya sa akin. Umasa ako na kahit lumayo sya sa akin, it will still me. Hindi pala.
Lahat may hangganan kahit ang pagmamahal. Lahat may katapusan kahit ang kanyang nararamdaman. Nothing is constant in this world aside from changes. Bagay na nakalimutan ko.
"I have to go guys. May meeting pa ako. Balik nalang ako mamaya." Paalam ko sa kanila. I can't stay longer. Masyadong masakit eh.
"Akala ko pina cancel mo?" Takang tanong ni Alex.
"Yeah, pero hindi pumayag yung kausap ko eh." Pag sisinungaling ko. "Babalik nalang ako." Tsaka ko binalingan si Geo. "Welcome back Geo at congrats sa inyong dalawa."
"Salamat. Balik ka ha. May pasalubong ako sa inyo. Let's catch up din." Ani Geo.
"I will." Sinabayan ko iyon ng ngiti.
"Antayin ka namin. Wag kang talkshit Lash. Sasakalin kita."Ginulo ko ang buhok niya. "Oo, babalik ako."
"Sige. Ayusin ang meeting." Natawa nalang ako.
When he is like this, it feels like he is my wife na nagbibilin na ayusin ko ang meeting ko. I always imagine it, na aalis ako ng bahay at iiwan ko sya for meeting tapos pag uwi ko sya ang sasalubong sa akin. Sabi ko noon mangyayari yun, pero ngayon hanggang imahinasyon ko nalang sya.
Minsan, may nagagawa tayong maling desisyon na pag sisihan natin habang buhay. Sana pala pinigilan ko sya. Sana pala, hinabol ko sya sa airport para pigilan. Iba sana ang takbo ng kwento namin ngayon. Sana ako yung fiancee nya at hindi isang kaibigan lang.
Madaming sana sa utak ko, pero hindi mababago ng sana na yun ang estado ng relasyon namin. Pero sana, mabigyan pa ako ng isang pagkakataon. Pagkakataong bumawi at baguhin ang lahat. Kaso malabo na ata. Kasing labo ng kaligayahan ko.
I wish you happiness Geo. Sana maging masaya ka sa piling nya. Sana wag ka nya sasaktan. At sana mabigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon na maging akin ka.
Masama man hilingin, pero sana may maging dahilan para yung estado na natin na magkaibigan ay mabago.
Happy 7 years of being writer to me. ONE MORE CHANCE will be novel version.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top