Healing Scars

"Find his body. I want to see his corpse!"



Gulf smirked as he heard those word.



"You're a big idiot if you think you can kill just like that." Gulf whispered. Dahan-dahan syang tumayo, maingat na hindi makagawa ng ingay.Sa tulong ng liwanag ng buwan ay pinilit nyang makalayo sa kanyang kalaban.



He was shot four times. Nanlalabo na ang kanyang paningin, nanghihna na ang kanyang katawan at kinakapos na din sya ng hininga. His body wants to give up already, but not his will. He can't die. Masyadong maswerte ang mga taong iyon kung mamatay sya ng ganun-ganun nalamang. Ilalaban nya ang kanyang buhay kahit pa kay kamatayan.



Slowly he keeps on moving hanggang makarating sya sa may kalsada. Alam ni Gulf na malayo na sya sa kanyang mga kalaban ngunit nagpatuloy pa din sya sa paglalakad, umaasa na makakakita ng taong pwedeng sumalba sa kayang nahihingalong buhay, kahit alam nyang napaka imposible niyon sa lugar na kinaroroonan nya.



Tinungga ni Mew ang laman ng boteng hawak nya. His heart is shattered in to pieces. Patuloy ang pagtatanong nya sa kanyang sarili kung saan ba sya nagkulang. He just caught his two-year boyfriend cheating on him with his cousin yesterday. Sa sarili pa nilang condo.



Lagi naman nyang sinisigurado na may nakalaan syang oras para sa boyfriend nya. Kahit pa nga katatapos nya lang ng isang operasyon, kahit pa hindi pa sya nakakapgpahinga, kahit na kalahating oras lang ang kanyang bakanteng oras, gumagawa at gumagawa sya ng paraan para lang maparamdam sa boyfriend nya na hindi nya ito nakakalimutan. Yung tipong kahit wala na syang oras sa sarili nya, ayos lang. Ang importante ay may nakalaan syang oras para sa taong mahal nya.



But what he got? Niloko sya nito. Sa sarili pa nilang condo at sa sarili pa nyang kadugo.



BLAG!


Gulat na napalingon si Mew sa pintuan ng kusina. Marahan nyang nilapag ang bote na kanyang hawak sa island counter at pilit na inaaninag ang madilim na living room.



Abot-abot ang kanyang kaba dahil sa narinig na malakas na kalabog. Ang rest house na kinaroroonan nasa bungad ng kagubatan. It's their family ancestral house na ginawa na nyang rest house. This is his safe haven kaya nama kahit na gaano kadelikado ang lugar ay hindi nya pinapagiba ang bahay.



Kinuha nya ang baseball bat na nakita nya sa tabi ng pintuan ng kusina. He slowly walked in the dark living room, holding tight to a bat na hindi nya alam kung kaya ba syang iligtas nito sa kung anuman.




Nahigit nya ang kanyang hininga ng makita ang bulto ng isang nilalang na nakatayo sa may pintuan. Sa liwanag ng buwan ay pilit nyang inaaninag ang mukha nito. Marahan din syang napasinghot sa hangin dahil sa pamilyar na amoy ng dugo.



"Who are you?" Takot na tanong ni Mew. Hindi nya mawari kung paano nya hahawakan ng maayos ang baseball bat na nasa kanyang mga kamay. Ang amoy ng dugo na kanyang naamoy ay lalong nakakapadagdag ng kanyang takot.



"Anong kaila...."



Hindi naituloy ni Mew ang kanyang sasabihin ng biglang bumagsak sa sahig pangahas na nilalang na nasa kanyang harapan. Mabilis nyang kinapa ang switch ng ilaw. At ng lumiwanag ang paligid ay ganun nalang ang gulat ni Mew ng makita nya naliligo sa sariling dugo ang estrangherong bumulabog sa kanyang katahimikan.



Mew, immediately check the man. Ganun nalang ang takot nya ng makita ang tama nito sa katawan. He immediately went outside and check the surrounding and when he saw nothing, hinila nya papasok ang katawan ng estrangherong lalaki papasok sa sala at sinara ng pinto.



He checked first the man pulse. Mahina na ang pintig nito. He instinct of saving someone immediately kicks in. With all his strength, dinala nya sa silid ang estranghero. Wala syang sapat na kagamitan para operahan ito, pero dahil nag-aagaw buhay na ang lalaki ay nagdesisyon sya na gawin na ang operasyon gamit ang mga bagay na makikita lamang sa loob ng kanyang bahay.




"Gulf, bakit andyan ka?" Tanong ni Mew. Gulf is the man he saved a week ago. Ayos na ito at unti-unti ng bumabalik ang lakas. Pero dahil sa katigasan ng ulo nito, ilang beses bumuka ang kanyang sugat at ngayon ay nilalagnat na naman ito.



"Can't I stand here and inhale a fresh air?" Inis na tanong sa kanya ni Gulf.



"Fresh air my ass. Pag bumuka na naman yang sugat mo wawakwakin ko pa yan." Marahang hinatak ni Mew si Gulf papasok ng kwarto. Wala naman nagawa ang huli dahil hindi pa sya ganun kalakas para pumalag sa doctor. Isa pa, masyado itong mabait para pakitaan nya ng masama o para takutin. Kung hindi dahil kay Mew, maaring magkaharap na sila san pedro sa mga oras na ito.



"Nakatayo lang naman ako doon eh." Parang bata na sagot ni Gulf.



"Hindi pa din pwede. Kung gusto mo makalanghap ng sariwang hangin, tawagin mo ako, ipagbubukas kita ng bintana kahit pa hating-gabi yan." Wika ni Mew.



"Then, can I call you if I need something else?"



"Malamang." Iritadong sagot ni Mew. Inayos nya ang pagkakahiga ni Gulf sa kama. He also checked his wound and his temperature. Gulf is just looking at him intently.



"Then, can you stay here tonight?"



Kunot-noo na napatingin si Mew kay Gulf. He is using his bedroom voice and when Mew look at him, Gulf smirked at him seductively.



"Bakit?" Takang tanong ni Mew.



"Diba, sabi mo, kung may kailangan ako tawagin lang kita."



"Oo."



"Then, I need you now."



"Anong kailangan mo?"



"This." Gulf claimed Mew's lips. Mew was too shocked but, in the end, he answers Gulf hungry and hot kissed.



"Doc, emergency room." Nagpakawala ng buntong-hininga si Mew then he nodded at the nurse. Kinuha nya ang kanyang doctor's gown tsaka sya lumabas ng kanyang opisina.



3 years has past, hindi pa din mawaglit sa kanya ang nangyaring gabing iyon. He shared a hot, steamy and wet night with a stranger. A stranger na ginamot nya at inalagaan sa loob ng isang buwan. Isang stranghero na nag-iwan ng kakaibang bakas sa kanyang pagkatao. It's a one-night stand dahil kinabukasan nagising nalang sya na wala na sa kanyang tabi si Gulf.



He planned to quit his job, but because of him, hindi nya iyon tinuloy. He went back to the hospital and try to find information by just using his name. Sa loob ng tatlong taon ay umasa sya na muli nyang makikita si Gulf, but he didn't. But he still hoping, that one day, their path cross again. And this time, hindi na sya papayag na mawala pa ito sa kanya.



"What happened to the patient?" Agad na tanong ni Mew pakapasok nya sa emergency room.



"Tatlong tama ng bala, puro daplis lang naman."



Natigil si Mew sa kanyang ginagawa. Agad syang napatingin sa pasyente.



"Finally." Bulong ni Mew sa sarili when his eyes met Gulf's eyes.



"We meet again." Gulf said, with a smirked on his lips.



"Leave. Ako na na ang bahala dito." Utos ni Mew sa mga nurse. Nagtataka man, ay sinunod nanag ng mga ito ang utos ni Mew.



"Masyado ka atang kampante doc. Hindi ka ba natatakot sa akin?" Gulf asked Mew as soon as all the nurses left them.



Nilapitan ni Mew si Gulf at inumpisahan gamutin ang kanyang sugat.



"Bakit naman ako matatakot sayo?" Sagot ni Mew makalipas ang ilang sandali.



"Hindi mo ako kilala."



"O tapos?"



Pagak na natawa si Gulf. "Paano kung sabihin ko kaya kitang pasayawin sa bala, hindi ka pa din ba matatakot?"



Sa pagkakataong ito si Mew naman ang natawa. Tinigil nya ang paglagay ng gasa sa bewang ni Gulf at tinignan ito ng direkta sa mata.



"You already grind on my top; we already dance in the fire. We shared a hot night, sa tingin mo matatakot mo ako sa bala mo?"



Hindi nakapagsalit si Gulf kaya naman sinamantala iyon ni Mew. "You left me once, and I won't allow it to happened again. Bala? Maliit na bagay Gulf. Dahil kahit kay kamatayan ay kaya ko makipagsayaw basta ikaw ang dahilan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top