2

-bookworm-

A new day begins! At, ginanahan akong gumising kaya bumangon ako ng maaga dahil pupunta kami nina Del at Lyle sa mall ngayong araw para i-celebrate ang nakuha naming score kahapon sa exam namin.

Kaya naman nang matapos akong maghanda para sa sarili ko ay kinuha ko ang phone ko para mag-video call kami sa group chat. Not long after, Lyle joined in the video call. While we were still waiting for Del to join, I thought of teasing Lyle, and so I did.

"Oh, handa ka na ba d'yan, Mr. Chauffer? Ang sosyal-sosyal ng apilyedo mo pero ang may-ari naman ng apilyedo ay medyo sakto-sakto lang for my taste," pang-iinis ko.

He made a face and then backfired me. "Thank you for making me your suitor. It's an honor that I courted a girl whose name is Philosophia. Bagay nga sa 'yo ang pangalan mo, pilosopo ka nga."

Umakto naman akong yumuko para makita niya na gan'yan naman talaga ako. Since birth pa.

Ilang minuto ang nakalipas nang sa wakas ay nag-join na si Delancy sa video call at nagsimula na kaming mag-usap sa pagpunta namin sa mall mamaya.

"Oh? Sino ulit manglilibre mamaya?" tanong ni Del at halatang may halong pangungutya ang kan'yang boses.

"'Oy! Alam ko na 'yang mga gan'yanan niyo! Tapos na ako kahapon kaya 'wag niyo akong idamay d'yan sa kalokohan niyo! Kahit mag-bato-bato pick pa kayo d'yan," mariing tanggi naman ni Lyle kaya napahalakhak naman kaming dalawa ni Del sa kan'ya.

"Ano? Mag-bato-bato pick pa ba tayo, Del?" natatawa ko pa ring tanong.

"'Wag na, 'wag na! May sarili naman tayong mga pera kaya gamitin na lang natin 'yon ngayong araw," aniya, basta na lang siyang sumuko sa usapang panglilibre.

"Ayon! May punto ka rin sa wakas, Del!" masiglang puna ni Lyle kay Del.

Umismid ako at nagsalita. "Ang sabihin mo, ang kuripot mo lang talaga kaya sang-ayon na sang-ayon ka sa sinabi ni Del."

"Oops! Tama na nga 'yang bangayan niyong dalawa. Manliligaw ka pa sa gan'yang lagay, Lyle? At, ikaw naman, Philo, nagpapaligaw ka pa rin sa gan'yang lagay? Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa 'pag nagkatuluyan kayo. Nonstop bangayan ang paniguradong mangyayari," napapailing-iling na anas ni Del sa 'ming dalawa.

"Ikaw kasi," biglang paninisi ni Lyle sa 'kin kaya aakma na sana akong gumanti nang napatigil ako sa pagsasalita dahil inunahan na ako ni Del.

"Ayan na naman kayo. Tigilan niyo 'yan, sinasabi ko sa inyo, mas naii-stress pa ako sa inyong dalawa kaysa sa nakuha kong score sa exam," frustrated na banta ni Del sa 'min.

Napakamot naman kaming dalawa sa ulo dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya masisisi dahil nakaka-stress nga kami pero hindi rin naman niya kami masisisi na ganito kami unang nagkakilala ni Lyle, sa pagbabangayan, siguro soulmates lang talaga kami.

"Balik na tayo sa main topic, anong oras ba tayo pupunta sa mall?" mabilis naman niyang iniba ang takbo ng usapan at nagtanong kaagad siya.

"Alas nuebe na lang kaya? Para roon na lang tayo kakain ng lunch," suhestiyon ko. Napatango-tango naman silang dalawa.

"Then, so be it. At, for once, mamaya, 'wag kayo masyadong sumobra sa pagbabangayan, ha? Nakakahiya sa mga taong naroon," paalala ni Del sa 'min.

"Yes, Ma'am Finch!" Sabay naman naming sabi ni Lyle at sumaludo pa kami sa kan'ya.

"Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa. Bagay nga kayo."

Natawa naman kaming tatlo pagkatapos.

If trios didn't exist, what about us? Trios do actually exist and I hope this would last a lifetime but with having Lyle as my boyfriend.

I'm actually planning where and when should I tell him that I will be finally his girlfriend. Sa ngayon, nag-iisip pa lang ako. Baka sa mga susunod na araw ay malalaman ko na ang sagot.

***

Nasa mall na kami ngayon at nag-iisip na ako kung ano ang pwede kong bilhing libro na may genre na fantasy sa National Bookstore. Paniguradong may matitipuhan akong fantasy books ngayon kaya thankful ako na mayroon akong sapat na pera para makapambili at hindi na ako hihingi pa ng allowance kina mama at papa.

"Saan tayo uuna? Magsha-shopping o manonood ng movies?" Tanong ko sa kanila at pinapapili na sila.

"Mamaya na 'yang panonood sa movies, sa ngayon magsha-shopping muna tayo," sagot naman ni Del. Sumang-ayon naman si Lyle.

"Okay, so since uunahin natin ang pagsha-shopping, pwede ba akong umuna sa inyo? Pupunta lang ako sa National Bookstore, alam niyo na kung bakit," paalam ko naman sa kanila.

"Sigurado ka bang hindi ka magpapasama?" tanong naman ni Lyle sa 'kin.

"'Wag na, kaya ko na 'to," tanggi ko naman.

"Kami rin, bes. Uuna na muna kami ni Lyle, may bibilhin lang din kami. Hintayin mo lang kami doon sa location mo, ha? Saglit lang naman 'to," paalam din ni Del sa 'kin.

"Ha? Mayroon ba—oo nga, may bibilhin nga pala kami. Sige, Phil, basta mag-ingat ka, ah? Sinasabi ko sa 'yo, 'pag hindi ka nag-ingat, babantayan kita bente-kwatro oras," pabirong banta naman sa 'kin ni Lyle. Hindi ko na rin gaanong pinansin ng husto ang una niyang sinabi dahil atat na talaga akong pupunta sa bookstore. May nakahandang mga fantasy books doon!

"Oo, mag-iingat ako. Kayo rin, sige na, pupunta na ako. Bye!" Kinawayan ko naman sila at gano'n din naman ang iginanti nila sa 'kin.

"Bye, Phil!" Sabay na sabi nila bago ko sila tinalikuran at patakbong pumunta patungo sa bookstore.

Pagkarating ko naman sa location ay nabighani ako at naiiyak ako dahil nakikita ko na kaagad ang mga baguhang libro na naka-display na roon. Pumasok naman kaagad ako at hinanap ang shelves na may fantasy na genre.

May napili kaagad akong dalawang fantasy na libro at tinignan ko pa ang price, saktong-sakto lang sa budget ko. Kaya naman ay pumunta na kaagad ako sa cashier at akma na sanang babayaran nang biglang may nahagip ang aking mga mata kaya napatigil ako at tinignan nang maigi ang librong aking nahagip. Nabighani ako sa book cover, mukhang baguhan lang ito kasi ngayon ko lang 'to nakita eh.

"Ah, miss, may I ask if kung ano ang details ng book na 'yan?" tanong ko naman.

"Ah, eto po, ma'am?" sabi nito at kinuha ang libro na nakapagpabighani sa 'kin. Tumango naman ako kaya nagsimula na siya sa pagsasalita tungkol sa librong iyon.

"Ang pamagat po nito, ma'am, ay "Her Lost Identity", isinulat po ito ni R.C. Astralia, she's one of the best and known fantasy authors here in the Philippines. She has a series and one of it is this book. Fantasy rin ang genre nito at bago pa lang po itong na-publish kaya medyo mahal ang price. Wala pa pong nakabili nito. Do you want to buy it, ma'am?" After giving me the details, I was so astonished by the book but as I thought about the price, it shattered me.

Ang pera ko ay hindi sapat sa librong 'yan kaya nalungkot naman ako. Paano na 'to?

"Ah, mukhang hindi ko pa afford ang price ng libro na 'yan kaya hindi muna ako makakabili n'yan. Next time na lang siguro. Itong dalawang libro na lang muna ang bibilhin ko pero pag-iipunan ko 'yan," nakangiting tanggi ko.

"Ay, sayang naman kung ganoon, ma'am. Sige po, isa-scan ko na po ang price ng dalawang librong ito," tugon naman niya at kinuha na mula sa 'kin ang napili kong mga libro.

Nang mabili ko na ay papalabas na sana ako nang may panghihinayang sa mukha nang bigla na lang may umakbay sa 'kin mula sa likod.

"Nandito na kami—oh, bakit gan'yan naman ang mukha ng Philo namin na 'yan?" pagbi-baby naman sa 'kin ni Lyle kaya kumawala ako sa pagkakaakbay niya at napalitan ang panghihinayang kong mukha nang pagkakadiri.

"Tigil-tigilan mo 'ko sa pagbi-baby mo d'yan, Mr. Chauffer. Hindi bagay sa 'yo," sabi ko pa at pinakita ko talaga sa kan'ya na mukha akong nasusuka. Tumawa lang naman ang topakin kong manliligaw.

"Pero, bakit may panghihinayang pa rin sa mukha mo, bes? May gusto ka bang bilhin na libro pero hindi mo afford?" Tanong naman ni Del.

Nagulat naman ako dahil sa kan'ya. "Masyado na ba akong halata na wala akong sapat na pera?"

"Oo, bes. Kanina ka pa tingin ng tingin sa librong nasa harapan ng cashier. Parang baguhan lang 'yon, ah? Mahal pa naman ang presyo kapag baguhan pa lang ang libro," saad niya at sumang-ayon naman ako. Napabuntonghininga na lang ako.

"Kailan ko kaya 'yon mabibili? Sabi pa ng cashier kanina na wala pang bumibili ng librong 'yon, nakakapanghinayang dahil paniguradong sa mga nakalipas na araw ay marami na ang bibili n'yan at hindi na ako ang unang taong makakabili ng librong 'yan." Napanguso na lang ako pagkasabi ko no'n.

"Okay lang 'yan, Phil. Malay mo, ikaw pa rin ang unang taong makakabili ng librong 'yan," makahulugan naman iyong sinabi sa 'kin ni Lyle.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko naman.

"Himala, hindi mo kaagad na-gets. Akala ko ba bookworm ka?" Mas lalo naman akong naguluhan dahil sa idinagdag ni Lyle.

"Ha?" Hindi ko talaga ma-gets.

"Hakdog," bawi naman niya kaya binatukan ko naman siya. Napaaray naman siya dahil sa 'kin ginawa.

Napatigil naman kami sa aming ginagawa dahil tumikhim naman ng biglaan si Del sa 'min.

"What did I tell to the both of you earlier?" Tumaas naman ang kan'yang kilay pagkatapos.

Bigla naman kaming tumawa ni Lyle sa isa't isa at nagyakapan.

"Alam niyo, mukha kayong tanga, ang pa-plastik niyo pa sa isa't isa," ani Del.

Binitiwan naman namin ang isa't isa pagkabanggit ni Del. Napatingin naman ako sa bitbit na paper bag sa magkabilang kamay ni Del.

"Ano 'yan?" Tinuro ko naman iyon at bigla na lang silang naging weird sa paningin ko pagkatapos kong magtanong sa kanila kung ano 'yong binitbit niya. Hindi lang din pala si Del ang may bitbit ng paper bags, maging si Lyle din.

"Ah, marami lang kasi kaming nabili na mga damit namin at mga materials na rin namin para sa school stuffs, don't worry, kasali ka rin," aniya at nginitian naman ako ni Del.

"Oo, tama, 'yon nga," pagsang-ayon naman ni Lyle.

"Okay." Pinahaba ko naman ang pagkakabanggit ng salitang iyon dahil nawi-wirduhan talaga ako sa kanila.

"Halika na nga, kakain na tayo ng lunch," pag-iiba naman ni Lyle sa usapan at inakbayan naman niya ako ulit at hinila papalabas ng bookstore.

Gagamitin ko talaga ang natutunan ko sa taekwondo para makabawi ako sa ginawa sa 'kin ni Lyle nang ginamit niya ang pag-aakbay sa 'kin para pasimple niya akong hilahin papalabas sa bookstore kanina at mamaya ko na 'to gagawin dahil nagugutom na rin ako.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top