Chapter 7

Chapter 07

WALA pa ring malay noon si Sander. Nakahandusay pa rin sya sa lupa hanggang sa may biglang bumuhat sa kanya palayo sa lugar na iyon.

Nang mapuntahan nina Nexus ang lugar kung saan nila naramdaman ang metaphor ng apoy ay wala na roon si Sander. Tanging ilang sunog na parte lang ng gubat ang nakita nila.

"WALA NA RITO ANG PAKAY NATIN!" nayayamot na sabi ni Silva.

"WAHH! Hindi sila pwedeng makalayo rito!" si Astaroth na hindi mapigil ang galit. Sa sobrang galit ay hinampas nito ng hawak na palakol ang isang puno doon hanggang matumba ito.

Si Nexus ay pinagmasdan naman ang lugar paligid. Luminga-linga sya at naghanap ng palatandaan kung saan maaaring mapunta ang hinahanap nila. Hanggang sa makita nya ang mga itim na abo sa lupa. May isang parte roon na hindi nasunog.

"Mukhang may nakahandusay dito kanina," aniya. "Pero sa tingin ko ay hindi galing sa prinsesa o sa mandirigma nya ang palatandaan na narito. Mula ito sa ibang nilalang. Siguradong hawak ng kung sinong narito kanina ang metaphor ng apoy. Maaaring hindi pa sya nakakalayo."

"Kung gan'on ay wala sa prinsesa ang metaphor ng apoy." konklusyon ni Silva.

"Wala akong pakialam kahit sino pa siya! Ang mahalaga sa'kin ngayon ay ang makaganti sa prinsesa! Pagbabayaran nya ang ginawa nya!" asik naman ni Astaroth.

---

Sila Marine naman ay papunta na rin sa lugar kung saan nila naramdaman ang metaphor ng apoy. Bigla silang nakarinig ng ingay na para bang may punong natumba.

"Ano 'yon?" pagtataka ni mang Nestor.

"Maaaring may panganib sa paligid." saad ni Leo. Dahan-dahan silang naglakad at nagkubli sa isang bahagi doon ng damuhan na hindi masyadong naapektuhan ng apoy.

Sumilip sila roon at nagulat sila nang makita sila Nexus na naroon din.

"Naririto na rin pala ang mga kalaban!"

"Maaaring naramdaman rin nila ang kapangyarihang inilabas ng pulang metaphor. At nasisiguro ko rin na tayo ang hinahanap nila kaya sila naririto!" pabulong na sabi ni Marine.

"Sila pala ang mga kalaban na tinutukoy nyo. Mukhang makapangyarihan nga sila. Maaaring sila nga ang dahilan ng patayan sa barrio Jacinto." ani mang Nestor.

Pilit namang pinakalma ni Marine ang sarili. Alam nyang isa sya sa mga dahilan kung bakit nagawa nila Nexus ang ganung masaker. Hinahanap sya ng mga ito. Gusto nyang pagbayarin ang mga ito pero alam nyang wala syang laban kahit pa nasa kanya na ang metaphor ng tubig.

"Wag mo nang tangkain, prinsesa. Hindi pa lubos ang iyong kapangyarihan upang labanan sila." tila ba nabasa ni Leo ang nasa isip nya.

Walang tugon mula kay Marine. Alam nyang wala pa syang magagawa sa ngayon. Pero napansin nya ang dala nina Astaroth at silva.

"Ang metaphor ng lupa at hangin."

Pinigil sya ni Leo. "May tamang panahon para bawiin ang mga iyon."

"Pero Leo..."

"Magtiwala ka. Maaari natin itong ikapahamak kung hindi natin ito pagpaplanuhan."

Narinig ni Nexus ang mga kaluskos sa gawi kung saan naroon sila Marine.

"SINONG NARIYAN?!"

Napabalikwas sila. Hindi sila dapat gumawang muli ng ingay upang hindi matanto ng mga kalaban na naroon sila. Subalit lumapit si Nexus sa kinaroroonan nila. Narinig naman nila ang paglapit nito. Inihanda na nila ang kanilang sarili. Hinugot ni Leo ang kanyang espada.

"Alam kong may nagtatago riyan kaya mabuti pang lumabas na kayo!" wika pa ni Nexus. Halos isa't kalahating metro na lang ang layo nito sa kanila.

Sinabihan na ni Leo sina Marine na tumakbo na at sya na ang bahalang humarap sa mga kalaban pero hindi ito pumayag. Lumapit pa si Nexus. Magpapakita na sana si Leo sa mga kalaban subalit isang ligaw na baboy ramo ang lumabas mula sa pinagtataguan nila. Nakita ni Nexus ang hayop na ito.

"Isang walang kwentang nilalang lang pala!" tumalikod na si Nexus at lumapit muli sa mga kasama.

Nakahinga naman ng maluwag sina Marine. Minatyagan muli nila ang mga kalaban.

"Astaroth! Silva! Ang mabuti pa'y maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap sa kanila! Hindi lang ang prinsesa ang pakay natin kundi pati na rin ang mga Metaphor! Kailangan natin silang mahanap agad!" utos ni Nexus sa mga kasama.

"Mas mainam na rin itong plano mo! Mapapalayo na rin ako kahit papaano sa mabahong bakulaw na ito." giit pa ni Silva.

"Tigilan mo ako babae kung ayaw mong ikaw ang pagbuntunan ko ng galit ko!" gigil na sabi ni Astaroth at idinuro pa si Silva.

"Huwag mo akong hahamunin, Bakulaw! Kaya kitang tapusin sa isang iglap lang!"

"TIGNAN NATIN!"

Maglalaban na sana ang dalawa pero pumagitna na si Nexus sa kanila.

"TIGILAN NYO NA ANG PAGTATALO NYO!! Dahil kung hindi... Ako ang tatapos sa inyong dalawa!" angil ni Nexus kasabay ng paglitawan ng mga kidlat at kuryente sa paligid.

Kaagad namang tumigil ang dalawa pero hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha ng mga ito.

"Suyurin nyo na ang buong lugar! Pumatay kayo kung kinakailangan hangga't hindi natatagpuan ang prinsesa, maliwanag ba?!" utos pa nya.

Tumalima naman ang dalawa. Nagtungo sila sa magkakaibang direksyon.

Nang makaalis na ang mga kalaban ay saka lamang lumabas sina Marine sa pinagkukublihan.

"Masama ito, kailangan natin silang mapigilan!" ani Marine.

"Hindi talaga sila titigil hangga't hindi nala tayo nahahanap! Napakasama talaga nila!" saad pa ni Leo.

"Pero anong gagawin nyo? Sa tingin ko ay malalakas talaga sila lalo na ang lalaking nagtataglay ng kidlat. Nakita nyo naman kung paano nyang napasunod ang dalawang kasama nya nang ganoon na lang." tugon pa ni Mang Nestor.

"Tiyak na masasawi lng tayo kung lalabanan natin sila agad!" si Leo.

"Pero hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo nakikita. Maaari silang pumatay muli ng mga tao,"

"Wala tayong ibang magagawa sa ngayon. Ang mas mainam na gawin natin ay balaan ang lahat ng mga tao na malapit sa lugar na ito." suhestyon ni Mang Nestor.

"Mabuti pa nga. Tara na prinsesa, lisanin na natin ang lugar na ito." Hindi naman tumalima si Marine. Malungkot lang nyang pinagmamasdan ang buong lugar.

"Nang dahil sa akin kaya nasisira ang balanse ng mundong ito. Dahil sa pagpunta natin rito kaya maraming tao ang nadadamay," malungkot nyang tugon.

"Hindi mo kagustuhan ang mga nangyari, prinsesa. Kung hindi natin mapipigilan si Zepiro, maaari nya ring idamay ang mundong ito sa kanyang kasamaan lalo pa't may kakayahan rin syang gumawa ng lagusan na nag-uugnay sa mundong ito at sa Melva."

"Tama sya iha. Walang may kasalanan sa mga nangyayari kundi ang mga kalaban. Kung gusto mo talagang mailigtas ang Melva, kailangan nyong buuin ang tinatawag na Metamorphosist upang matalo sila."

Malungkot pa rin ang saloobin ni Marine habang pinagmamasdan ang malawak na pinsala sa buong lugar. Hindi napigilang tumulo ng kanyang luha. 

Sa ngayon ay wala pa syang magagawa kundi ang sumunod na lamang sa payo ni Mang Nestor. Ito ang makabubuting gawin nila sa ngayon.

Malungkot nyang nilisan ang lugar na iyon.

Ang hindi alam ni Marine, ang kanyang mga luhang pumatak sa lupa ay nagsimulang muli ng pag-usbong ng mga halaman at pamumukadkad ng mga bulaklak. Muling nabuhay ang mga puno at nanumbalik ang dating sigla ng kagubatan. Nawala na ang malawak na pinsalang idinulot ng metaphor ng apoy.

***

Kinabukasan ay nagmulat na ng mga mata si Sander. Napansin nyang nasa ospital sya dahil sa ilang mga pasyenteng katabi rin nya roon.

Nagsimula syang gumalaw pero naramdaman nya ang pananakit ng kanyang katawan. Napansin nyang may benda ang kaliwa nyang braso at kamay.May pilay rin sya sa kaliwang binti.

Tinatanong nya ang sarili kung bakit o saan nya natamo ang mga pinsala sa katawan. Hindi nya maalala ang mga nangyari kagabi. Wala syang matandaan.

Hindi nya alam na simula ng gabing iyon ay magsisimula na ang bagong yugto ng kanyang buhay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top