Chapter 6

Chapter 6

Halos mapako si Sander sa kinatatayuan nang makita ang manananggal sa itaas ng puno.

Pero hindi lamang ito nag-iisa, dalawa ang manananggal.

"Ibigay mo sa amin ang kapangyarihan na hawak mo!!" asik ng isa sa mga ito.

Ambang susugurin sya ng mga ito subalit kaagad rin syang nakatakbo. Hindi nya maunawaan kung ano ang pakay ng mga ito sa kanya.

Kaagad syang nakapagtago. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Tinatanong nya ang kanyang sarili kung bakit sya hinahabol ng mga maligno.

Mayamaya ay nakarinig sya ng malalaking kampay ng mga pakpak.

"WAK-WAK-WAK!!"

Mas pinag-igi pa nya ang pagkukubli. Ayaw nyang makalikha ng anumang ingay.

Nang sa wakas ay humina na ang pagaspas ng pakpak. Inakala nya na wala na ang mga manananggal kaya lumabas na sya. Subalit iyon ang pinakamalaki nyang nagawa. Napansin sya ng Kapre na naghahanap rin sa kanya.

"Nariyan ka pala! Ibigay mo na sa akin ang kapangyarihan!!" anito kay Sander.

Malaki ang mga hakbang nito palapit sa kanya.

Mabilis namang nakatakbo si Sander pero naabutan sya nito. Nahawakan sya nito sa leeg.

Halos hindi na makahinga si Sander sa higpit ng pagsakal nito.

"Nasaan na ang kapangyarihan?!" asik ng Kapre.

"H-hindi ko a-alam ang sinasabi mo..." pautal-utal nyang sabi.

"Nasa iyo ang kailangan ko!!"

Halos mawalan na ng malay si Sander pero kaagad na nagsidatingan ang mga manananggal. Nagsiliparan ito sa ibabaw ng kapre.

"Sa amin sya!!" sigaw ng isang manananggal.

"Hindi sya mapupunta sa inyo!" ani ng Kapre at saka hinawi ng malaki nyang kamay ang mga ito. Maliliksi ang mga manananggal kaya hindi sila matamaan ng Kapre.

Mabilis nilang nakalmot ito sa kamay na naging dahilan upang mabitiwan ng kapre si Sander.

Kahit nanghihina ay pinilit pa rin nyang makabangon. Kailangan nyang samantalahin ang pagkakataon habang nagkakagulo pa ang mga ito.

Kaagad syang nakatayo at nakatakbo. Napansin naman sya ng mga nilalang na humahabol sa kanya.

"Hindi ka makakatakas!!" bulyaw ng isa sa mga manananggal at akmang hahabulin si Sander pero nahawakan ito ng kapre. Malakas nitong ibinalibag sa lupa ang manananggal. Binagsakan pa ito ng kapre ng malaking bato na naging dahilan upang maipit ito.

Samantala ay nakawala naman ang isa pang manananggal at lumipad palayo.

Si Sander naman ay mabilis na nakalayo. Paikot-ikot sya sa kagubatan. Napansin nya na pare-pareho lamang ang lugar na nadadaanan nya. Hanggang sa makarinig sya ng ingay na parang galing sa isang kabayo.

Biglang nagpakita sa likuran nya ang tikbalang.

"Nasa iyo ang kailangan ko! Ibigay mo na ito sa akin kung gusto mo pang mabuhay!" wika ng tikbalang sa kanya.

"Hindi k-ko alam kung ano ang kasalanan ko sa inyo? A-ano bang ginawa ko?"

"Nasa iyo ang Metaphor kaya ibigay mo na ito sa akin!!"

"A-ano?? H-hindi ko alam ang sinasabi mo?"

"Sinungaling!!"

Dinaluhong ng tikbalang na ito si Sander. Umibabaw ito sa kanya.

"Ilabas mo na ang Metaphor!!" angil nito.

Kaagad na nakakapa ng malaking bato si Sander at inihampas nya sa mukha ng tikbalang na naging dahilan upang makawala sya dito. Sinipa pa nya ito sa katawan hanggang matumba ito.

Bumangon si Sander at muling tumakbo.

Halos kapusin na sya ng hininga dahil sa sobrang pagod. Hindi nya maunawaan kung bakit nangyayari ito. Gusto nyang paniwalain ang sarili na panaginip lang ang lahat.

Muli syang nakarinig ng malalaking pagaspas ng pakpak.

Paglingon nya sa likod ay nakita nyang muli ang manananggal. Hinahabol sya nito. Kaagad syang kumaripas ng takbo pero naabutan sya nito. Nahawakan sya sa mga braso at inilipad sa ere ng manananggal.

"Mamamatay ka kapag hindi mo ibinigay ang pakay namin!!" asik nito.

Hindi alam ni Sander kung ano ang hinahanap ng mga ito sa kanya. Pero isa lang ang alam nya, kailangan nyang makaligtas. Kaagad syang makapag-isip. Mabuti na lamang at hawak pa nya ang bato na ginamit nya sa tikbalang kanina.

Ubod lakas nyang ipinukol sa mukha ng manananggal ang bato na ito na naging dahilan upang mabitawan sya pero bago mangyari yon ay nakapag-iwan pa ito ng malaking kalmot sa kanyang braso.

Sabay silang bumagsak ng manananggal sa lupa.

Umagos ang napakaraming dugo sa braso nya. Halos napila yan rin sya sa kaliwang paa dahil sa pagkakabagsak sa lupa.

"Pagbabayaran mo itong ginawa mo sa'kin!" pasigaw na sabi ng manananggal at saka ito pagapang na lumapit sa kanya.

Hindi naman makakilos si Sander. Sobrang sakit ng kanyang binti. Isabay mo pa rito ang malalim nyang kalmot sa may braso.

Naamoy naman ng tikbalang at kapre ang dugo nya kaya mabilis syang nahanap ng mga ito.

"Naririto ka lang pala!! Wala ka nang kawala ngayon!!" wika ng kapre.

"Humanda kang pangahas ka!!" saad naman ng tikbalang.

Napalibutan sya ng mga ito. Nilukuban ng labis na takot si Sander. Tila wala na syang kawala. Anumang oras ay sasalakayin na sya ng mga ito.

Sabay-sabay na sumugod ang mga ito sa kanya.

Nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Sander. Parang biglang uminit ang buo nyang katawan. Hanggang sa nakarinig sya ng isang tinig.

"Ikaw ang pinili ko! Ang iyong takot ay palitan mo ng labis na galit! Ang katapangan na nagmumula sa pagnanasa na makapaghiganti ang nagpapasidhi ng aking kapangyarihan! Alisin mo ang lahat ng iyong emosyon maliban sa galit at poot hanggang sa lumabas ang lagablab at init ng isang makapangyarihang apoy!" saad ng boses kasabay ng paglabas ng isang kakaibang liwanag. Pumalibot ang kulay pulang liwanag kay Sander kasunod ay ang paglabas ng isang malaking apoy sa katawan nya. Nagkaroon ng sariling hugis ang apoy na ito hanggang maging isa itong FIRE DRAGON.

Lumipad ang apoy na dragon sa himpapawid. Nabigla naman ang mga maligno sa nasaksihan.

Parang isang bulalakaw na bumulusok muli pababa ang dragon na ito hanggang sa bumagsak ito at magliyab ang buong kapaligiran. Tinupok ng apoy ang lahat ng madaanan maliban kay Sander. Sinunog rin ng apoy na ito ang mga kalaban.

Naiwang tuliro si Sander sa mga nangyari. Napakalaki ng pinsala na idinulot nito sa buong kagubatan. Mayamaya ay hinimatay na rin si Sander kasabay ng pagkawala ng apoy.

Samantala ay naramdaman naman nila Marine at Leo ang isang kakaibang kapanyarihan.

"Naramdaman mo ba iyon, prinsesa?" ani Leo.

"Oo! Nararamdaman ko ang presensya ng apoy! Nasisiguro kong mula iyon sa pulang Metaphor!" pahayag ni Marine.

"Sandali lang, aalis kayo?" tanong ni Nestor nang makita na tumayo sila Marine at akmang lalabas.

"Kailangan, Mang Nestor! Naramdaman na namin ang kapangyarihan ng Metaphor ng apoy at alam naming may nakapulot na nito!" ani Marine.

"Maaaring ang nakapulot nito ay isa sa mga napili o isang masamang nilalang kaya kailangan natin itong matagpuan." dagdag pa ni Leo.

"Kung gano'n ay sasama ako. 'Di nyo pa alam ang mga pasikot-sikot dito sa gubat kaya matutulungan ko kayo sa mga daan." ani Mang Nestor. "Nakakasiguro rin ako na hindi lang kayo ang nakaramdam ng kapangyarihan ng Metaphor, tiyak ko na may ilan ring mga nilalang ang nakaramdam ng kapangyarihan nito."

"Maaari nga, Mang Nestor. Siguradong sila rin ay naghahangad na mapasakamay ang Metaphor kaya hindi na tayo dapat pang mag-aksaya ng oras."

Binitbit ni Leo ang kanyang espada. Nagdala na rin ng kanyang itak si Mang Nestor. Umalis na silang tatlo upang puntahan ang lugar kung saan nila naramdaman ang kapangyarihan ng apoy.

***

"Jarred, ayos ka lang ba? Bakit parang natigilan ka dyan?" pukaw ni SPO2 Romel Landes sa kanyang pamangkin na si PO1 Jarred Landes matapos nitong mapansin na wala ito sa sarili.

Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa opisina ng kanilang hepe para sa report ng kasong hinahawakan nila.

"Ha? A, pasensya na, tito, para kasing may kung ano akong naramdaman kanina lang,"

"Bakit, may sakit ka ba?"

"Hindi ho. Hayaan nyo na lang 'yon, tito. Baka imahinasyon ko lang siguro,"

"O, sige, dalhin na natin itong files ng kaso natin kay Chief para makauwi na tayo."

"Opo, tito."

Kinatok nila ang pinto ng opisina ng kanilang Hepe. Pinaunlakan naman sila nito. Sumaludo muna sila bago umupo sa harap ng mesa nito.

"Chief," ani Romel. "Narito na ho ang files ng kaso na hinahawakan namin."

Kinuha ng Hepe nila ang mga files. "Ano na ang balita sa kaso nyo, Landes?"

"Ayon sa nakalap naming impormasyon, posible hong buhawi ang sumalanta sa barrio Jacinto base na rin sa hitsura ng lugar. Nagpapatunay naman po sa teorya namin ay ang testimonya ng batang babae na natagpuan sa lugar ng insidente. Pero ayon pa sa bata, mga halimaw daw ang tunay na may kahagawan ng masaker. Ang babae raw na nakaitim ang may kagagawan ng buhawi. Ang isa naman daw ay isang parang toro na may bitbit na malaking palakol. 'Yun daw ang may kagagawan ng malalagim na krimen doon. Ang isa pa ay isang lalaki na kayang maglabas ng kidlat. 'Yun naman daw ang pumatay sa pinuno ng barrio nila." paliwanag ni Romel.

"Which is, hindi naman kapani-paniwala! Siguradong nasa state of shock pa ang bata. Marahil ay na-trauma sya dahil sa insidente kaya kung anu-ano na ang naglalaro sa isip ng bata," dagdag pa ng Chief nila.

"Tama po kayo, matindi nga ho ang tinamong trauma ng bata. Pero hayaan nyo, magsasagawa pa kami ng ilang follow-up investigation bago namin tuluyang isarado ang kaso."

"Speking na rin sa kaso nyo, kanina ay nakatanggap ako ng tawag mula kay General Rivas, sinabi nya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-contact ang grupo ni Col. Raymond Landes. Sila ang grupo na ipinadala sa barrio Jacinto upang i-monitor ang buong lugar."

"Ho," si Jarred. "Bago kami umalis kanina ay naroon pa sila Dad. Sinabi nya sa amin na sisiyasatin daw nila ang gubat dahil maaaring may mga rebelde raw na nagkukubli roon."

"Well, hanggang nga yon ay wala pa silang report sa superior nila."

"Maaari hong nawalan ng signal ang radyo nila. Alam nyo naman, nasa gitna sila ng kagubatan kaya 'di malayong mawalan sila ng communication." turan naman ni Romel.

"Sa tingin ko nga." sang-ayon na rin ng Hepe nila.

Napaisip naman si Jarred sa kung ano na ang nangyari sa kanyang ama. Sana nga ay tama ang sinabi ng kanyang tito. Sana ay walang masamang nangyari sa kanyang ama.

Sa kabilang bahagi naman ng kagubatan:

Naramdaman rin nila Nexus ang kapangyarihang inilabas ng fire Metaphor.

Nasa paanan naman nila ang mga bangkay ng hindi hihigit sa labinglimang sundalo.

"Mukhang tapos na tayong makipaglaro sa mga taong ito! Ngayon naman ay makikipagtuos na tayo sa mga tunay na pakay natin!" pahayag ni Nexus sa mga kasama.

"Mukhang malapit na tayo sa kanila!" saad naman ni Silva.

"SA WAKAS!! Makakaganti na rin ako sa kanila!!" pasigaw na sabi pa ni Astaroth.

Nang mga oras naman na iyon ay agaw buhay na si Col. Raymond Landes. Hindi kinaya ng mga armas nila ang lakas nila Nexus. Natalo silang lahat. Kahit sugatan na ay pinilit pa rin nyang kunin ang kanyang Radyo upang makapagbigay ng huling mensahe at babala.

"Th-this is Col. L-Landes, spea--king, mag-iingat k-kayong lahat! N-natalo nila kami. Mapanganib si-la... Hindi sila tao... sila ay mga hal...ahhhhhh!" 'di na ito natapos sa pagsasalita dahil tinagpas na ni Astaroth ang katawan nito.

"Walang kwentang nilalang!!" Asik ni Astaroth sabay hampas pa ng palakol sa ulo nito.

Brutal na napaslang ang ama ni Jarred.

"Wag mo na silang pag-ukulan ng pansin, Astaroth!! Ang mahalaga ay ang tunay na pakay natin sa mundong ito!!"

"Bakit hindi natin sila bigyan ng isang pagsalubong na hindi nila malilimutan kailanman?" suhestyon ni Silva.

"Hindi na ako makapaghintay na makita muli ang lapastangang mandirigma at ang prinsesa! Magbabayad silang pareho sa akin!!" angil ni Astaroth sabay sukbit ng malaking palakol sa kanyang likuran.

"Magmadali na tayo!!"

Mabilis nilang pinuntahan ang lugar kung saan nila naramdaman ang Metaphor ng apoy.

Nang mga sandaling iyon ay papunta na rin sina Marine sa lugar kung saan papunta rin ang mga kalaban.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top