Chapter 3

Chapter 3

Isang mainit na sikat ng araw ang gumising kay Marine. Tila naninibago sya sa kanyang mga nakikita sa paligid. Wala syang ibang makita kundi mga puno at halaman.

"Mabuti naman at gising ka na, prinsesa." pukaw ni Leo sa kanya nang makita nito na gising na sya.

"L-Leo? Nasaan tayo?"

"Naririto tayo ngayon sa mundo ng mga tao. Ligtas tayong nakarating dito."

"Si Ina? Nasaan sya?"

Matagal bago sumagot si Leo. May lungkot sa tinig nito bago nagsalita.

"Ipagpaumanhin mo pero nahuli sya ng mga kalaban kaya ikaw lang ang nailigtas ko."

"Ano? Iniwan mo sya?"

"Patawad pero kailangan kong gawin 'yon. Tungkulin ko ang protektahan ka at ilayo sa kapahamakan."

"Kahit na!! Dapat ay iniligtas mo pa rin sya!"

"Pero mas uunahin ko ang kapakanan mo, Prinsesa! Kailangan nating mailigtas ang Melva."

"Natin?! Paano natin magagawa 'yon?! Dalawa lang tayo samantalang ang mga kalaban ay isang batalyon! Narinig mo naman siguro ang sinabi ng mga nakaharap natin, di ba? Na 'kay Zepiro ang Metaphist. Ang isinumpang elemento! Napakalakas ng kapangyarihan nya! Nagapi nito si Ama at napasakanila na ang metaphor ng lupa at hangin! Hindi natin alam kung ano na ang nangyari kay Ina, nawawala ang metaphor ng apoy at ang tanging hawak lang natin ay ang sa tubig. Sa tingin mo, ano ang pag-asa nating mana lo laban sa kanila?!" hindi na nya napigilan pa ang lumuha.

"May pag-asa pa, prinsesa. Tignan mo ang Metaphor ng tubig."

Hinanap ni Marine ang Metaphor ng tubig hanggang sa makita nya itong nakadikit sa likod ng kaliwang palad nya.

"ANO..."

"Oo, prinsesa. Isa ka sa nahirang na kinatawan ng metaphor. Ikaw ang napili ng espiritung diyos ng tubig na si Helyon. Maaari pang matupad ang nakasaad sa puting propesiya. Isa ka sa apat na nilalang na maaaring magbalik sa nawasak na kalangitan. Ang Melva. Isa ka sa bubuo ng kapangyarihan ng METAMORPHOSIS!"

"Ako ang napili ni Helyon? Kung gano'n ay nasa panig natin ang espiritung diyos ng tubig. Tama ka, Leo. May pag-asa pa. Maaaring mailigtas pa ang Melva. Ngunit nawawala pa rin ang apoy samantalang nasa kalaban naman ang lupa at hangin. Mahihirapan pa rin tayong mabuo ang apat na natatanging nilalang na nahirang ng metaphor."

Humawak si Leo sa mga palad nya.

"Magagawa natin, prinsesa. Magtiwala ka. Mahahanap natin ang apoy at mababawi natin ang hangin at lupa."

"Sana nga, Leo. Pero ang inaalala ko ay ang metaphor ng apoy! Lubhang delikado kapag napunta iyon sa maling kamay."

"Hahanapin natin iyon bago pa makita ng mga kalaban!"

Tila nakumbinsi naman nito si Marine. Naniniwala syang maliligtas pa nila ang melva. Mahahanap nila ang elemento ng apoy at ang tatlo pang nahirang ng metaphor.

SAMANTALA:

"SANDER, gising na, umaga na." mahinahong pag- gising ni Aling Sandra sa kanyang anak.

Maagap naman na bumangon si Sander.

"Nakahanda na ang almusal. Saka mamaya matapos mong kumain ay maaari ka bang manguha uli ng mga gatong? Gagamitin ko kasing panluto ng pananghalian natin mamaya." dagdag pa nito.

"Opo Nay, sige po." medyo inaantok pa nyang tugon. Mabilis syang tumayo.

---

SYA si Alexander Aragon o mas kilala bilang Sander, Labingsyam na taong gulang. Isa syang masipag na lalaki. Katuwang sya ng kanyang ama sa gawain sa bukid. High school lamang kasi ang natapos nya dahil sa hirap ng buhay nila. Nakatira lamang sila sa isang maliit na barrio.

Sya ang laging nagbubuhat ng mga sako-sakong palay ng nagagapas ng kanyang ama na si Alex mula sa bukid. Dahil do'n ay nagkaroon sya ng matipunong pangangatawan. May pagkamoreno rin sya at may kagwapuhang taglay na talaga namang hinahangaan ng kahit sa sinong kadalagahang nasasalubong nya.

---

Mabilis na pumanhik si Sander sa Hapag at kumain.

"Good morning, kuya," pagbati sa kanya ng anim na taong gulang nyang kapatid na babae na si Flair.

"Good morning din, bunso!" pagbati rin nya saka nya ito hinaplos sa ulo. "Si Itay, maaga ba syang umalis, Nay?" tanong naman nya sa kanyang ina.

"Oo. Araw ng anihan ngayon kaya maaga syang umalis bago pa tumirik ang araw."

"Kuya, sabi nga pala ni Itay, tulungan mo raw syang dalhin ang mga naaning palay sa bayan." paalala naman ng kanyang kapatid.

"Sige, mamaya pagkatapos ng mga gawain ko."

Matapos nyang kumain ay nagpaalam na sya sa kanyang ina. Nagtungo na sya sa kakahuyan upang kumuha ng mga gatong. Habang tinatahak ang daan ay may isang bahagi do'n ng kagubatan ang biglang nagpaalala sa kanya ng isang pangyayari kagabi.

Kasalukuyan syang nangangahoy nang gabing iyon nang makita nya ang isang kulay pulang bagay na bumagsak mula sa kalangitan.

Bunga ng kuryosidad ay pinuntahan nya ang pinagmumulan ng pulang liwanag. Inusisa nya ang bagay na iyon. Bigla na lamang nawala ang liwanag nito kaya kaagad nya itong pinulot.

Nagbalik ang gunita nya sa kasalukuyan.

Kinuha nya ang pulang bilog na kristal sa kanyang bulsa. Bahagya nya lamang itong pinagmasdan bagosya nagpatuloy muli sa paglalakad.

Nang mga oras naman na iyon ay nakarating na rin ang tatlong alagad ni Zepiro sa mundo ng mga tao. Sisimulan na nilang hanapin sina Marine at Leo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top