Chapter 14

Chapter 14

DINALA ni Mark si Sander sa bahay nito.

"Nandito na tayo. Pagpasensyahan mo na nga lang at medyo magulo ang bahay. Ako lang kasi ang nakatira dito. Wala kasi akong ibang kasama."

"Ayos lang, kuya Mark. Ipanagpapasalamat ko nga ho na pinatuloy nyo ako dito."

"Wala 'yon. Hangad ko ang makatulong."

Pinaupo nito si Sander.

Nagpalinga-linga sya sa paligid. Nakita nya ang ilang mga tropeo at medalya na nasa ibabaw ng kabinet.

"Ah, yan ba? Nakamit ko ang mga medals at trophies na yan sa ginanap na martial arts competition noon." sabi nito nang mapuna ang tinitignan ni Sander.

"Ibig sabihin ay marunong kayo ng martial arts?"

"Ganun na nga. Tatlong taon akong naging martial arts instructor bago ako naging isang P.E. teacher sa bayan." sagot nito.

Napatingin naman si Sander sa isang picture frame.

Si Mark ang nasa larawan habang may kaakbay na babae.

"Kaano-ano nyo itong babaeng nasa larawan?" usisa nya.

Nahalata ni Sander na lumungkot ang mukha ni Mark sa tanong nya. Marahil ay ayaw nitong pag-usapan iyon.

"Pasensya na. Nagiging matano ng na ako..."

"Asawa ko sya." agad na sagot nito. "Isang taon na ang nakararaan nang mabiktima sya ng tiktik habang ipinagbubuntis pa lamang nya ang dapat sana'y panganay naming anak."

"Tiktik?"

"Matagal nang namerhuwisyo dito sa bayan ang tiktik na iyon. Paboritong kainin ng tiktik ang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang ng isang ina. Ang asawa ko ang pinakahuli nyang biktima noon. Isang taon na walang balita sa Tiktik. Pero kanina ay napagbalitaan ulit na muli siyang sumalakay. Siguro ay nalaman nya na may buntis nanaman dito sa bayan." kinuyom nito ang mga palad.

Tumikhim si Sander. "Ikinalulungkot ko ho ang nangyari."

"Naku, mukhang nagiging madaldal na ako." saad ni Mark. "Meron nga pala akong first aid kit sa taas. Kukunin ko lang para magamot na ang mga sugat mo." wika pa nito.

"Sige ho."

Umakyat sa itaas na palapag si Mark.

Naiwang mag-isa si Sander. Napaisip siya tungkol sa nilalang na Tiktik.

Kailangang matigil na ang paghahasik ng tiktik sa lugar na ito! Kailangang mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nya!" wika ni Sander.

***

NAGMAMANEHO ng kanyang kotse si Jarred. Nabalitaan nya kasi na may halimaw na toro raw ang umaatake ngayon sa kabihasnan. Tiyak nya na iyon ang torong nakaharap noon. Alam nyang buhay pa ito.

Nang marating ay naratnan nya roon ang mga pulis na nakapalibot. Sa di kalayuan ay natanaw nya ang pakay. Nagwawala ang halimaw na iyon habang walang habas sa paghataw ng palakol kung saan-saan.

Mabilis na tinungo ni Jarred ang likod ng kotse. Kinuha nya roon ang M16 armalite na may granade launcher. Itinira nya ang bala ng grenade launcher sa halimaw.

NAPABALIKWAS si Astaroth matapos tamaan ng kung anong pagsabog. Nakita niya sa di kalayuan ang isang lalaki na pamilyar sa kanya. Ito ang pakay niya. Ang umagaw sa kanya ng metaphor ng lupa. Nagngingitngit nyang hinabol ito. Hinawi nya ng palakol ang mga nakaharang sa kanya.

AGAD na sumakay ng kotse si Jarred matapos siyang mapansin ng halimaw. Iyon talaga ang plano niya. Tatalunin nya ito nang mag-isa. Ayaw nya na may ibang mangugulo.

Pinasibad na ni Jarred ang kotse. Sapat lang ang bilis upang makahabol si Astaroth.

Huminto siya nang makarating na sa gubat. Bumaba siya ng kotse at kinuha mula sa likod ang isang malaking duffle bag.

Malayo pa lamang si Astaroth ay rinig na nya ang dumadagundong nitong sigaw na puno ng galit.

Itinanim niya ang isang landmine sa lupa bago lumayo.

Gigil pa rin na humabol si Astaroth pero pag-apak ng isa nitong paa sa lupa ay bigla iyong sumabog. Natapakan nito ang landmine na itinanim ni Jarred.

"GRYAAAAAAHHHHH!!" malakas na sigaw ni Astaroth. Nilabas ni Jarred ang isang machinegun mula sa duffle bag. Sunod-sunod nyang pinaputukan ang halimaw.

Tila nasasaktan ito sa bawat bala na tumatama dito. Pero hindi pa rin niya napigilan si Astaroth.

Yumuko ito at akmang susuwagin si Jarred.

Agad naman syang nakailag sa pagsunggab nito. Tumakbo sya palayo saka pinindot ang buton ng timebomb na iniwan nya sa pwesto kanina.

Muling nasabugan si Astaroth.

"WAAAHHH!! PANGAHAS KAAAA!!" mas lalong nagngangalit na sigaw nito.

Agad naman na nakapagtago si Jarred mula sa isang puno.

"Ang ungas na iyon, sobrang tibay ng katawan nya!" sambit ni Jarred.

Tinignan nya ang dalang mga gamit mula sa duffle bag. Mayroon pa syang isang set ng bala ng machine gun, isang shotgun at sampung bala nito, dalawang granada para sa grenade launcher, 5 sets ng ammo ng M16, limang hand grenade at may cal. 45 na baril pa siya na nakasukbit sa bewang. Maaaring sapat na iyon upang sugpuin ang kalaban.

Ang mga malalakas na kalibre ng baril na iyon ay pagmamay-ari ng kanyang ama.

Agad na tumayo si Jarred upang hanapin ang halimaw pero nagulat na lamang sya nang bumulaga ito sa kanyang harapan.

"HUMANDA KA!!" asik nito sabay wasiwas ng palakol sa kanya.

Nagawa namang maiharang ni Jarred ang machine gun pero dahil sa lakas ng pagtama ay nawasak ito at tumilapon siya.

Muli syang sinugod ni Astaroth. Mabuti na lamang at naisukbit na niya ang shotgun sa likod. Mabilis nya itong ginamit. Pinaputukan nya si Astaroth sa mukha.

"HAAAAAAHHHHHHH!!" ungol nito. Binitiwan nito ang palakol at napahawak sa mukha.

Sinamantala iyon ni Jarred. Sunod-sunod pa nya itong pinaputukan ng shotgun hanggang sa matumba ito. Mabilis pa syang kumilos at kinuha ang dufflebag. Kinuha nya ang M16 na may grenade launcher at nilagyan ng bala ang kanyon. Itinira nya ito kay Astaroth. Muli itong nasabugan. Kinuha pa nya ang mga hand grenade at hinagis ang ilan dito. Tila wala nang makakaligtas mula sa lakas ng pagsabog na iyon. Nag-iwan ng malaking damage sa paligid ang pagsabog.

Lumapit si Jarred sa nakahandusay na katawan nito. Pinaputukan pa nya ito ng M16 upang masiguro na wala na ito.

"Iyan ang nararapat sa iyo!" saad nya. "Kulang pa iyang dinanas mo sa ginawa mo noon sa lahat ng iyong mga nabiktima, kasama na ang aking ama!" sigaw pa niya.

Nagulat na lamang bigla si Jarred nang magsimula itong kumilos. Dahan-dahan itong tumayo paharap sa kanya. Putol na ang isa nitong sungay at halos namumula na ang mata sa galit. Nanggigigil ito sa poot. Huli na ng makakilos si Jarred dahil malakas na ibinalya nito ang kamay sa kanya. Tumilapon siya.

Lalapit pa sana uli si Astaroth nang mapansin nito ang isa pang granada sa paanan. Sumabog ito.

Nagawa pa palang makapag-iwan ng granada ni Jarred. Bumangon siya.

Nang mahawi ang usok na dala ng pagsabog ay napansin nyang nakatayo pa rin si Astaroth. Hindi siya makapaniwala, buhay pa rin ito matapos ang lahat.

"IKAW! ANG LAKAS NG LOOB MO NA GAWIN SA AKIN ITO! HINDI KO ITO MAPAPALAMPAS! PAGBABAYARAN MO ITO!!" mabalasik na sigaw ni Astaroth. Sumugod ito.

Hirap namang makakilos si Jarred dahil sa natamong pinsala. Hinugot nya ang baril na nakasukbit sa bewang. Pinaputukan nya ito pero hindi man lang ito natinag. Nakalapit ang halimaw sa kanya. Isang malakas na bigwas sa katawan ang pinakawalan nito. Tumalsik si Jarred at nagpagulong-gulong sa lupa. Halos mabali ang mga buto nya. Lumapit uli si Astaroth at galit na sumuntok sa kanyang katawan. Sumuka sya ng dugo at halos panawan na ng ulirat.

Muli siyang sinuntok nito ng ubod lakas. Halos hindi maipaliwanag na sakit ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam nya ay mamamatay na sya.

Hanggang sa...

"Isa kang matibay na pundasyon. Isang matatag na pader. Kahit kailan ay hindi ka kayang buwagin. Magmistulan kang matibay na bato na hindi kayang sirain." anang boses sa kanya. "Ilabas mo ang kapangyarihan. Ang lakas na sa iyo'y nakalaan. Sabihin mo ang iyong hinahangad. Banggitin mo ang katagang..."

"METAMORPHOSIS!" sigaw ni Jarred.

Muling sumuntok si Astaroth pero hinarangan ito ng malaking bato na hugis kamay.

"Anong..."

Binalot ng mga lupa ang katawan ni Jarred.

Nang mabitak ang mga lupa sa katawan niya ay iba na ang kanyang kaanyuan.

Naging kulay kayumanggi ang kanyang buhok at may suot na siyang armor na kulay kayumanggi rin.

Pinagmasdan ni Jarred ang pagbabago sa katawan. Naguguluhan siya sa nangyayari.

"ANONG KLASENG KALOKOHAN 'TO?!" bulyaw ni Astaroth. Umamba ito ng suntok.

Pinagkrus naman ni Jarred ang braso upang salagin ang suntok nito. Kumaskas pa ang paa nya sa lupa matapos tamaan.

Si Jarred naman ang kumilos. Sumuntok siya paibaba. Yumanig pa ang paligid kasabay ng paglitaw ng tore mula sa ibaba ni Astaroth. Tinamaan ito at bumagsak.

"HAAAH!! KUNG GANO'N AY GINAGAMIT MO ANG KAPANGYARIHAN NG METAPHOR LABAN SA AKIN!" kumilos si Astaroth upang pulutin ang palakol. Sinalak ay nito si Jarred.

Itinaas naman niya ang kaliwang kamay. Nagbuo-buo ang mga lupa sa ere. Ibinagsak nya ito sa kalaban. Nagawa naman itong mahati ni Astaroth.

Ito naman ang umatake. Iwinasiwas nito ang sandata. Nakailag si Jarred.

Muli itong umatake. Paibaba naman ang paghampas nito, puntirya ang binti ni Jarred. Mahihirapan siya na mailagan iyon.

Pero naging matigas na bato ang binti niya. Doon tumama ang palakol ni Astaroth. Hindi gaanong nagtamo ng pinsala si Jarred. Sumanib naman sa mga braso niya ang ilan pang mga bato. Ginamit nya iyon upang suntukin si Astaroth.

Sinalag ng kalaban gamit ang palakol ang una niyang suntok pero nawasak ito. Tumalsik pa sa ere an talim ng sandata nito.

Muling sumuntok si Jarred. Nagawa nyang tamaan sa katawan ang halimaw. Tumilapon ito at bumagsak sa lupa.

"Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang mga ito pero isa lang ang sinisiguro ko, tatalunin kita!" ani Jarred.

"IMPOSIBLE!! Hindi mo ako magagawang talunin!!"

Bumangon si Astaroth pero binagsakan ang katawan nito ng isang matigas na lupa. Napaluhod ito, kasunod ay ang pagkapit ng mga lupa sa katawan nito. Hindi ito makagalaw.

Sa kaliwa at kanan naman nito ay may nabuong malalaking mga kamay. Inipit nito si Astaroth.

"GRYAAAAHHHHHH!" sigaw ni Astaroth matapos maipit ng mga kamay.

Tinangka pang pumalag ng halimaw. Nawasak nito ang mga lupa sa kaliwang bahagi at dinurog din nito ang isang malaking kamay na lupa.

"Napakalakas talaga nya!"

Kumilos si Jarred. Kumapit sa ulo ng kalaban ang matitigas na mga bato. Iniikot nito ang ulo ni Astaroth paharap sa likod.

Pilit na pumalag ang kalaban. Hinawakan nito ang ulo upang wasakin ang bato. Itinodo ni Jarred ang pagkontrol sa mga lupa at bato.

"HAAAAAAAAAHHHHHHHH!!" sigaw ulit ni Astaroth na pilit pa ring pumapalag.

Ngunit sa huli ay nanaig si Jarred. Nagawa niyang baliin ang leeg ni Astaroth. Bumagsak ito.

Kitang-kita nya kung paano naging kalansay ang halimaw hanggang maging isa na lamang itong itim na usok na kumalat sa hangin.

Sa wakas ay natalo na rin niya ang kalaban. Wala na si Astaroth. Naipaghiganti na rin niya ang ama at lahat ng mga naging biktima nito.

Pero nakaramdam na rin ng panghihina si Jarred. Napaluhod sya at unti-unting bumagsak ang katawan sa lupa. Nawalan sya ng malay at nanumbalik muli sa dati ang kanyang anyo.

SAMANTALA:

MATAGUMPAY na nakarating ang Elf na si Robin sa mundo ng mga tao. Kailangan na nyang tuparin ang misyon na iniatas sa kanya ng oraculo; ang hanapin ang mga nahirang ng apat na metaphor at ibigay ang abuhing bato sa isang nagngangalang Siegmund.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top