98 - His Side
Kim Taehyung
Nakita ko lahat.
Nakita ko kung paano nahirapan si Jimin sa nangyari kay Yoongi.
Kung pano siya nagbreak down.
Syempre nandun ako sa tabi niya para i-comfort siya.
Ang swerte ni Yoongi, may umiiyak para sakanya. May nag-aalala sakanya. May nagmamahal sakanya.
Sakin? Wala.
Kahit si Jimin lang, Lord. Parang awa niyo na. Hinding hindi ko siya papaiyakin ng ganito.
Sa loob ng dalawang buwan naging routine ko na ang pagpunta sa bahay niya araw araw para lang kumustahin siya.
Minsan nakikita ko nalang siya na humihikbi habang tulog.
Minsan kung hindi pa ako pupunta hindi pa siya kakain.
Minsan may nakikita akong blade sa sahig ng kwarto niya.
Mahirap, mahirap siyang iwanan. Baka kung ano nang gawin niya sa sarili niya. Hindi ko kaya nang wala siya.
Lumabas na ako ng office pagkatapos ibigay saakin 'yon.
Dumiretso ako dito right after kong matapos sa shoot. Puno ang schedule ko ngayong buwan pero nagawan ko ng paraan para makadaan dito.
Hay, ang hirap maging pogi.
Ang daming nag-aalok sakin na i-model ko daw yung product nila. Meron pa ngang isang shampoo na minodel ko, buwisit ang baho baho! Gusto ko na umalis sa lugar nung time na yun eh. Kung hindi lang mataas yung sahod hehe.
Masaya naman ako sa estado ko ngayon, swerte naman sa lahat.
Maliban sa lovelife.
"Hay Jimin kailan mo ba ako mapapansin?" Saad ko habang naglalakad papunta sa bahay nila Jimin.
May sorpresa kasi ako sakanya. Alam kong matutuwa siya dito.
Oo busy ako, pero pagdating sakanya.. alam niyo na. Parang wala akong trabaho pag siya ang pinag-uusapan.
Naalala ko, nung time na nasa shoot ako, bigla siyang nagtext, sabi niya nagugutom daw siya at gusto niya ng kasama. Kahit nasa trabaho ako nun umalis ako para puntahan siya. Kaya ayun, inalis ako para maging model lol.
Hinayaan ko nalang, kawalan din naman nila yun. Sinayang nila ang poging si ako.
Tinext ko si Jimin na papunta ako sakanila. Syempre bumili muna ako ng pagkain.
"Jimin?" Tawag ko sakanya pagkatapos magdoorbell. Naglevel up na 'tong pinto niya, may high tect device na lol.
Binuksan niya yung pinto at ngumiti siya nang makita ako "Hi Jimin, nandito nanaman ang pogi mong bestfriend" sabi ko.
Bestfriend..
Hanggang dun nalang ba talaga?
Bawal ba tayo maglevel up?
Hindi mega bestfriends, tangina.
"Aga mo ah?" Tanong niya sakin pagka upo namin sa may sala.
"Ganun talaga hehe" sabi ko. Corny man pakinggan pero shet kinakabahan parin ako pag kausap ko siya. Di ko alam kung bakit.
Lagi nalang tug tug tug tug tug yung tunog ng puso ko. Minsan tigidig pag si Hoseok nasa harap ko, joke hehe.
"Ano yang hawak mo?" Tanong niya bigla.
Pinakita ko naman sakanya yung dalawang maliit na libro na may papel.
"Passport, pupunta tayong Washington Jimin"
At sa pagkakataon na 'yon, hiniling ko na sana tumigil ang oras.
Tangina ang sarap pala pag yakap yakap ka ng taong mahal mo.
###
[A/N: yow hehehe eto na guysue]
craesents.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top