107

"Taehyung!" Sigaw ko at niyakap ko siya bigla. Grabe namiss ko siya!

"Miss na miss ako ah?" Sambit niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap at hinampas siya.

"Loko ka! Ano trip mo?" Tanong ko

Kasi naman, di namansin ng tatlong araw.

Ano kiss and run?

Na-kiss and run ako!

"Sorry na hahaha! May dala akong pagkain!" Sabi niya, nakita ko naman sa kamay niya na may bitbit siyang medium sized eco bag. Syempre bawal na plastic eh.

"Ghoster ka pala Taehyung ha"

"Ewan ko sayo"

Dumiretso na ko sa kusina para paglutuan siya ng food. Puro junk foods ba naman dala eh.

Habang nagluluto ako ng bacon, biglang nagvibrate phone ko.

Kim Taehyung: Jimin!

Aba pota bakit pa siya magchachat eh kasama ko naman siya dito sa bahay?

Sinilip ko siya mula sa kusina at pinakyuhan siya nung tumingin siya sa gawi ko. Tinawanan lang niya ako at nag gesture na maki-ride nalang ako.

Edi nireplyan ko siya!

Park Jimin: bakit?

Kim Taehyung: sorry ah?

Park Jimin: you should be! Di mo ko pinansin ng tatlong araw

Park Jimin: ang sama ng ugali mo

Kim Taehyung: sorry na

Kim Taehyung: di ko rin maintindihan sarili ko eh

Kim Taehyung: pasensya na rin pala sa paghalik ko sayo

Kim Taehyung: nadala lang ako ng emosyon

Shet. Bakit kinikilig ako?

Mali 'to Jimin!

Kim Taehyung: mahal na mahal lang talaga kita.

Kim Taehyung: hindi ko kayang makita kang masaya sa iba

Kim Taehyung: pero tiniis ko kasi kaibigan ko si yoongi eh

Kim Taehyung: di mo lang alam, pero sobrang sakit sa parte ko

Park Jimin: Taehyung

Kim Taehyung: give me a chance please

Magrereply pa sana ako pero may biglang humugot sakin mula sa likod at hinalikan ako!

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi shet, ang galing ni Taehyung humalik!

Di ko nalang namalayan na unti unti na kong nagrerespond sa halik niya.

Umabot iyon ng isang 30 seconds bago siya kumalas nang marahan sa halik.

"Jimin, di ko kayang mawala ka"

Hindi ako makapag-isip nang maayos ngayon pero isa lang ang nasisiguro ko,

Nababaliw na si Taehyung!

"P-pero Taehyung, si Yoong—"

"Jimin hindi ka parin ba natatauhan? May iba na siya! At ikaw mismo ang nakakita!" Sigaw niya sakin.

Then it hit me. Totoo nga naman. May iba na siya, pero naghihintay parin ako sa pagbabalik niya.

Miss na miss ko na si Yoongi.

Pero kapag kasama ko si Taehyung.. hindi ko maintindihan nararamdaman ko, naguguluhan ako.

"Kalimutan mo na siya please"

Dapat ko na ba siyang kalimutan? Babalik pa ba siya?

Kasi kung ako tatanungin, hindi ko alam.

"Jimin please, ako naman. Ako nalang"

Naiyak naman ako sa pagmamakaawa niya kasi tangina lumuhod siya!

Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala siya, nagcacrack na yung mga salitang binibitawan niya pero nakatitig parin siya saakin.

"Please Jimin" He held my hand while sobbing. Grabe, di ko alam gagawin ko!

"Taehyung tumayo ka diyan!" Sabi ko.

Umiiyak na rin ako kasi tangina yung bacon sunog na!

"Hala wait!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kalan para patayin, shet itim na yung bacon!

Badtrip naman oh! Kaya pala may mabaho eh!

"Jimin.."

Ay oo nga pala si Taehyung!

"Taehyung tumayo ka na kasi diyan!"

"I won't until you give me a chance"

Should I?

or should I not?

—————

what do y'all think?

dapat bang bigyan ng chance ni Jimin si Taehyung?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top