106
Tatlong araw na simula nung nangyari yun, pero di parin maalis sa isip ko.
"I love you" yan yung huling sinambit niya saakin, pagkatapos nun hindi na kami nag-usap ulit.
Oo tatlong araw na kami hindi nag-uusap ni Taehyung, hindi ko alam, di ko siya kayang kausapin pa.
Hinalikan niya ako eh!
Di ko alam kung kinikilig ako o ano, pero nabigla ako for sure. Malamang!
Nasa SoKor na kami ulit. Pagtapos mangyari yung paghalik sakin ni Taehyung, umuwi na kami lahat.
Tinanong ko siya nun kung bakit, sabi lang niya
"Para san pa? May iba na si Yoongi diba? Ano pang ganap mo dito?"
Ang sakit diba? Pasapak nga kay Taehyung, isa lang please!
Napaisip din ako nun, oo nga naman, ano pang gagawin ko dito? Wala naman na. Kaya umuwi na kaming lahat na malungkot.
Back to normal na kami, mag-isa nanaman ako dito sa bahay. Di na rin bumibisita si Taehyung dito. Namimiss ko na siya.
Kung pwede lang siya na mahalin ko, kung pwede lang talaga.
Wala namang masama kung bibigyan ko siya ng chance diba? Ang tagal niya nang nagmamahal sakin, si Yoongi pinagpalit lang ako sa iba. Ano siya si Snow White? Nacoma tas sa halik lang ng iba magigising?
Napakarupok naman non!
Nawala ako sa pag-iisip nang magvibrate phone ko.
GROUPCHAT
》Bangtaena(・へ・)《
Kim Seokjin: @Park Jimin
Kim Seokjin: @Park Jimin
Kim Seokjin: @Park Jimin
Kim Seokjin: @Park Jimin
Ano problema netong bading na 'to?
Kim Seokjin: may tanong ako
Park Jimin: ano?
Kim Seokjin: pano ginagawa yung holy water?
Park Jimin: aba malay ko? Pari ba 'ko? Tangina neto
Kim Namjoon: joke ba yan jin? Wag mo na ituloy
Jeon Jungkook: mukhang gets ko na
*Seen by Kim Taehyung, Kim Namjoon and 1 other
Kim Seokjin: sabihin mo nalang pano!
Kim Seokjin: pakikisama na nga lang role mo di mo pa magawa nang maayos
Park Jimin: fine, pano?
Kim Seokjin: You boil the hell out of it
Kim Seokjin: HAHAAHAHAHAHAHHAAHAHAHAHAHAHA
Kim Namjoon: ok bye
Kim Taehyung: corny
Park Jimin: ampota wala ka na bang magawa sa buhay mo at ako ginugulo mo?
Kim Seokjin: shut up, meron pa ko isa
Jeon Jungkook: stooooop
Kim Seokjin: alam mo ba na hindi niluto sa France yung unang french fries?
Park Jimin: di yan totoo, kaya nga french fries e kasi galing sa France!
Kim Seokjin: mali
Kim Namjoon: Oh saan pala?
Kim Seokjin: sa Greece
Kim Taehyung: .......
Park Jimin: ANG CORNY AMPOTA
Kim Seokjin: eto naman
Kim Seokjin: pinapasaya lang kita!
Park Jimin: di kaya ako natuwa
Kim Seokjin: atleast ako nag try, di katulad nung iba diyan. Di ka pinapansin
Kim Taehyung: wew
Sinilent ko na yung phone ko after nun, ayoko na makita reply niya, maiinis lang ako!
*Tok tok tok*
Corny nung tunog pero may kumatok sa pinto, bumangon naman ako para tignan kung sino yun.
"Taehyung?!"
"Pwede ba pumasok? Kanina pa ako nandito eh"
———
nandito na ulit ako yaz
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top