105

"Ano ba Jimin??? San ka ba nanggaling?!" Bulyaw sakin ni Jin hyung pagkapasok ko palang ng room sa hotel na tinutuluyan namin.

Grabe teh sakin sa tenga nitong baklang 'to!

"Gusto ko lang mapag-isa, pasensya na" sabi ko.

"Mapag-isa sa ibang bansa na hindi mo gamay? Ungas ka ba?" Sagot niya sakin, napatakip naman ako ng tenga dahil sa lakas ng boses niya, grabe!

"Bakit, kung ikaw makita mo na may kahalikan si Namjoon na iba hindi ka iiyak? Hindi ka tatakbo palayo? Hindi ka magdadrama?" Seryoso kong tanong sakanya na naging dahilan ng pag poker face niya.

"Hindi! Kasi ako mismo ang kakaladkad dun sa babae pababa ng hagdan kahit mula 69th floor pa yan!" Sagot niya.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad saakin ang apat na hingal na hingal.

"Jimin!" Sigaw ni Taehyung at kumaripas ng takbo papunta saakin para yakapin ako.

"Sorry" sabi ko at niyakap siya pabalik.

Bumulong din ako ng sorry sa tatlo at tumango naman sila, masaya ako na nandito sila para saakin.

Pinagpahinga muna nila ako dahil alam nilang kailangan ko mapag-isa.

Nakahiga lang ako sa kama dito tapos sila nasa sala, nagdadance revolution ata.

Nakatitig lang ako sa kawalan nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko naman at napairap nalang ako nang makita ko kung sino nagchat.

Yoo Jeongyeon: hey u

Park Jimin: the f do you want

Yoo Jeongyeon: where's my cousin

Park Jimin: mukha ba akong information desk

Yoo Jeongyeon: no, u look more like a pandesksal

Park Jimin: wow is that a pun? should i laugh?

Yoo Jeongyeon: no

Yoo Jeongyeon: where's my cousin

Ang kulit talaga netong babae na 'to,  tinawag ko si Taehyung para matapos na.

"Taehyung!" Sigaw ko, pumasok naman siya agad sa kwarto nang hindi kumakatok.

"Ano yon Jimin? Okay ka na ba? Kumusta?" Tanong niya sakin pagkapasok niya.

"Ayos na ako Taehyung, salamat"

"Onga pala, oh, hinahanap ka niyang pinsan mo" sabi ko sabay abot sakanya ng phone ko.

Tinignan niya naman ako nang nagtataka, "Bat daw?"

"Aba malay ko, onti nalang aayain ko na yan ng sapakan e! Kabarda yang babae na yan"

"Hahaha chill ka lang" sabi niya. Umupo ako sa kama at ganun din siya, bale nakaharap ako sakanya ngayon.

Wala pang isang minuto ay binalik na niya sakin yung phone, "pabayaan mo na yan"

"Kumusta ka naman?" Tanong niya saakin.

Nalungkot naman ako bigla—nalungkot ako ulit.

"Di ko rin alam eh, sobrang nasaktan ako nung nakita ko siya. Bakit naman ganon, Tae? Sobrang unfair ng mundo. Dapat masaya ako eh, kasi nandito ako. Dapat masaya ako kasi makikita ko na siya ulit. Pero bakit ganito?"

Tumulo nanaman luha ko, great. Great.

"Jimin.."

"Gusto ko lang naman maging masaya eh pero bakit ganito? Hindi ko ba deserve? Ano bang nagawa kong mali?"

Niyakap ako ni Taehyung kasi humahagulgol na ako.

"Jimin, i shouldn't be saying this now but.. i love you" sabi niya, umalis ako sa pagkakayakap habang nakatitig sakanya.

"Taehyung.."

Pinunasan niya ang mga luha ko, "Matagal na kitang inaasam Jimin, sa sobrang pagmamahal ko sayo kung saan ka masaya dun na din ako. Ganun kita kamahal."

"Sobrang mahal kita kaya kinakaya kong tiisin na makita kang masaya sa iba"

"Bakit hindi nalang ako?"

"Bakit hindi nalang ako Jimin? Ano pa bang kulang? Ano pa? Binigay ko na lahat ng maibibigay ko, ano pang kulang?"

This time, siya na yung umiiyak, nakatitig lang ako sakanya, hindi ko alam ang sasabihin ko..

"Jimin mahal na mahal kita, baka pwedeng ako naman?" Tanong niya bigla na ikinagulat ko.

"Mahal kita Jimin, ako naman please.."






Lumapit siya sakin bigla at hinalikan ako..










Hinalikan niya ako..
























"I love you"

----------------

[A/N: what do u call the thing that suddenly pops out of nowhere? craesents! mich! Daz right mah man i am back! I can't believe i have to re-read all of these cuz i forgot the flow of my OWN story lmAo. Happy Reading!

ps. weverse taehyung on media]

craesents.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top