103

[21 messages received]

Kim Taehyung: jimin?

Kim Taehyung: jimin

Kim Taehyung: sumagot ka naman

Kim Taehyung: nag-aalala kami

Kim Taehyung: nasan ka ba???

Kim Taehyung: jimin???????

Kim Taehyung: JIMIN!!!!

Kim Taehyung: SUMAGOT KA

[8 messages received]

[9 messages received]

....

....

....



....

[99+ messages received]

Kim Namjoon: chim!

Kim Namjoon: nasan ka na ba?

Kim Namjoon: hindi mo kabisado 'tong Washington!

Kim Namjoon: don't ignore our calls!




[31 messages received]

Kim Seokjin: HOY BRUHA KA

Kim Seokjin: maaga ako mamamatay sayo!

Kim Seokjin: sagutin mo nga tawag ko

Kim Seokjin: how dare you ignore my beautiful phone calls!

Kim Seokjin: HOY

Kim Seokjin: BABOY

Kim Seokjin: NASAN KA NA BA?!!??!?!?



....

[56 messages received]

Jung Hoseok: hay nako

Jung Hoseok: kahit kabayo ako napapagod ako ah

Jung Hoseok: kanina pa kami naghahanap sayo!

Jung Hoseok: nasan ka na ba?!????!!

Jung Hoseok: JIMIN




[3 messages received]

Jeon Jungkook: jimin

Jeon Jungkook: nasan ka na ba daw

Jeon Jungkook: txtbck

Jeon Jungkook: and send load




Inoff ko ang phone ko at nilagay ko sa bulsa ko, alam kong nag-aalala sila sakin pero gusto ko muna mapag-isa.

Sinusunod ko lang ang kalsada at sa ngayon wala akong pake kung saan man ako mapunta, gusto ko lang talaga mag-isip.

Eto na ba yun? Eto ba yung pinunta ko dito?

Matagal na pala siyang nagising, tangina. Ginawa niya lang akong tanga.

Ang malala may bago pa siya, sana sinabi niya nalang diba?

Nakakahiya tuloy kay Taehyung, siya pa gumastos sa pagpunta ko dito. Ngayon poproblemahin ko pa kung saan ako kukuha ng pangbayad sakanya.

Nakatambay lang ako sa bench sa harap ng mime, wala ako sa katinuan kaya naman nakatitig lang ako sa kawalan, hindi naman siguro nila ako makikita dito diba?


"Uhm hi?"

Nagulat ako nang may nagsalita, umangat ako ng tingin at nakita ko siya —



"Hello?"

Ngumiti siya at tumabi sakin ng upo, "Are you from Korea?" Tanong niya.

Napanganga ako.

Hindi dahil sa pogi siya or dahil sa alam kong korean din siya.



SIYA SI YOONGI!



wait



SIYA BA YON????





"Ah.. y-yeah"

"Ayon, hay sa wakas nakagamit din ng language ko" sambit niya, napangiti ako.

Ang awkward.

Bigla bigla nalang siya lalapit sakin lol as if namang close kame. Pero dahil pogi si kuya sige papatusin ko na!

"Haha"

"Bat ka mag-isa?" Tanong niya, napangiwi naman ako, ano ngayon diba duh?

"Kasi wala akong kasama" sagot ko nalang.

Napansin niya sigurong ayaw ko ng kausap kasi nakatitig lang ako sa mime, tumingin din siya sa harap at, "Kumain ka na ba?"

"eww pafall"

"Gago! Haha, tara kain tayo?" Yaya niya.

Medyo nagugutom na rin ako kaya gusto ko kumain.. pero safe ba siya?

I mean, baka magnanakaw 'to o ano! Myghad! Nasa Washington pa naman ako, di ko alam yung pasikot sikot dito.

"Pano ako nakakasigurong ligtas ako sa kamay mo ha?" Tanong ko habang nakataas ang kilay, aba lalaban ako!

"Ahm, kasi jan lang tayo kakain?" Sabi niya sabay turo sa resto sa tapat namin.

Napakamot naman ako ng ulo, peste kala ko sa malayo!

Pero sabagay, kahit saan naman ako magpunta, di ko na alam pabalik.

Nag-order na siya agad nang makahanap kami ng pwesto, "Libre mo ba?" Tanong ko.

Syempre kailangan praktikal na, tsaka wala akong dalang masyadong pera, para kay yoongi lang 'to eh.

Pero may iba na nga pala siya.

Nalungkot nanaman ako dahil naalala ko nanaman, hay nako.


"Oo, wag ka na malungkot diyan, orderin mo lahat ng gusto mo" sabi niya kaya napangiti ako.

Ilang saglit pa'y dumating na yung order niya na kakainin ko.

Nagsimula na kaming kumain at siya naman daldal ng daldal, kwento ng kwento tungkol sa buhay niya, kung paano siya napadpad dito.

"Ikaw? Bat ka nandito? Bago ka lang noh?" Sunod na sunod na tanong niya.

Gustuhin ko mang mag-open up para manlang mabawasan nararamdaman ko eh hindi pwede, stranger ang kasama ko, mahirap na.

Never trust anyone but yourself.

"Ah, sinamahan ko lang kaibigan ko. Na-ospital kasi boyfriend niya kaya ayun" pagkukwento ko.

"Na-ospital? Bakit? Ano daw nangyari?"

"Di ko alam, basta na-comatose siya. Kanina pumunta kami don sa ospital niya, nakita namin may kahalikang iba kaya etong kaibigan ko tumakbo, kaya hinahanap namen"

"Na-comatose? Teka, baka mawala yung kaibigan niyo, malaki 'tong Washington"

"Oo nga, feeling ko nawala na talaga siya"

"Kaibigan mo ba talaga o ikaw?" Tanong niya, tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre hindi ako"

"Talaga? E kaya nga kita nilapitan kasi nakatulala ka sa kawalan kanina"

"Ano ngayon? May iniisip lang ako"

"Meh, okay sabi mo eh"

Marami pa kaming pinag-usapan habang kumakain, masaya naman siya kausap. Pero pinipilit niya na ako yung sinasabi ko, ako naman talaga yon pero bat ko sasabihin sakanya diba? Sino ba siya?

Nanlibre lang naman siya ng pagkain.

Natapos na kami sa pagkain matapos ang isang oras, nagpapaalam na siya na mauna na dahil may dadaanan pa daw siya.

"Una na ako ah?" Pamamaalam niya nang makalabas kami sa resto, bale nandito ulit kami sa bench na inupuan ko kanina.

"Sige! Salamat sa libre!" Sagot ko.

Kumaway naman siya habang naglalakad palayo.

Ay wait, parang may nakalimutan ako..

"Kuya!" Sigaw ko, medyo malayo na rin kasi distansya namin kaya kelangan sumigaw.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko.

"Geumjae!"



Geumjae??????

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top