102

5:03pm
Dulles International Airport

Taehyung's POV

Nandito na kami ngayon sa Washington, si Jimin sobrang excited, syempre makikita na niya si Yoongi. Kahit saan naman, basta masaya siya, susuportahan ko.

"Taehyung!" Napalingon ako, si Hoseok yung tumatawag sakin, "Nasa states na tayoooooOioo!!"

Grabe ang ingay niya, nakakahiya sa mga tao dito, "Hoy manahimik ka nga! Pinagtitinginan tayo oh?"

Pinaikot lang ni Jin ang mata niya, "Nahihiya ba yan Taehyung hay"

Pinagkibit ko nalang ng balikat ang kakulitan nila ni Jungkook, hay mga bata talaga oo.

"Taehyung, kailan tayo pupunta sa ospital?" Tanong bigla ni Jimin saakin.

"Baka bukas na, magpahinga muna tayo ngayon, gabi na rin kasi"

Tumungo nalang siya at sumama sa iba pero ramdam ko yung lungkot sa mata niya.

Hay pasensya na, dapat masaya 'tong book 2 eh, ang drama ko kase."

"Tara na mga p're, punta na tayo sa hotel" pag-aaya ko.

Since ako naman nagbook ng flight, ako na rin nag-ayos ng matutuluyan namin dito sa Washington.

Nang makarating na kami ay dire diretso sila sa kanya kanyang kama, yung iba nagtabi at si Jimin syempre sa kabilang kwarto, bakas sa mga itsura nila na pagod sila sa byahe— lahat sila tulog na.

Kami nalang ni Jimin ang natira dito sa kwarto kasi nag-aayos pa siya ng gamit niya, habang ako sinasamahan at nakatitig lang sakanya.

Inilabas niya ang isang shirt na binili niya sa mall para kay Yoongi, "You think he'll like this?" I just nodded. She giggled.

Naglabas pa siya ng kung ano-anong mga gamit na binili niya para kay Yoongi, kitang kita ko kung gaano siya kasaya habang pinapakita niya at kinukwento kung bakit niya binili 'yung mga yon. Ang saya saya niya.

"One time kasi habang nagstroll kami sa mall e hinawakan niya 'to, kaso ihing ihi na 'ko non kaya nagrush kami sa bathroom, tas di na namin nabalikan"

May hinawakan ulit siyang bagay at pinakita sakin, "Etong fidget spinner na 'to, napakamahal! Sabi ko nun ibibili ko siya pero ayaw niya, I feel bad nga kasi ngayon ko lang nabili, mahirap kasi mag-ipon"

"Etong bucket hat, bagay 'to sakanya 'no? Ganito fashion style nung bugok na yun eh, magugustuhan niya kaya 'to?" Sabi niya sabay tingin sa hawak niyang hat.

I gently held her hand and looked at her, "I know he will like all of these" I said, reassuring her so she'd smile. And hindi nga ako nagkamali, she smiled.

"I miss him so much, Tae" She said. Bakas sa mukha niya ang pagkalungkot, at ayokong nakikita siyang malungkot.

"You'll see him tomorrow" I said and smiled, "Thankyou for bringing me here"

Instead of saying your welcome, I patted her head and stood up, "Matulog ka na pagkatapos mo diyan ha? Maaga pa tayo bukas" sabi ko at tumungo na sa pinto para umalis.

Tumango naman siya, "Goodnight Taetae!"

"Goodnight!" Sabi ko bagong tuluyang isara ang pinto ng kwarto niya.

She has a big day tomorrow.

——————

6:30am

"BILISAN NIYO NGA DIYAN?!!!!" Sigaw ni Jimin saaming lahat, nakahiga pa kaming lahat pero siya bihis na bihis na.

"Jimin maaga pa" sambit ko habang kinukusot ang mata ko, katabi ko si Jungkook na mahimbing paring natutulog.

"Who cares? Bangon na't magbihis! Aalis na tayo!" Sabi niya puno ng awtoridad.

"Argh shut up Jimin!" Sabi ni Namjoon at tinakpan ang ulo niya ng unan.

"Bangon na! Chop chop balls!" Sigaw niya at pumasok ulit sa kwarto niya.

Napabangon naman ako sa sinabi niya't natawa, "Bangon na mga tol" sabi ko sakanilang lahat.

"What did she just said? Chop balls?" Jin asked, napailing nalang ako at napatawa.

"Hindi naman halata na excited siya noh?" Tanong ni Hoseok habang nagkukusot ng mata papunta sa cr.

"No" Sagot naman ni Jungkook.










8:00am

Nandito na kami sa lobby ng ospital na tinutuluyan ni Yoongi, sobrang nanginginig na si Jimin habang nakakapit sa braso ko habang may bitbit naman siyang isang bag na puno ng mga prutas at mga gamit na pinamili niya para kay Yoongi.

"Shit! Maiihi na ako!" Reklamo niya.

"Kakaihi mo lang diba?! Sobra sobra naman yang kaba mo?"

"Natatae na 'ko!" Sigaw niya.

Maraming napatingin sa'min at for sure di nila kami naintindihan, "Shh!! Ang ingay mo!"

"Saan ba yung room ni Yoongs?" Tanong ni Jin.

"Ako na magtatanong" sabi ni Namjoon at lumapit siya sa Information Desk.

"Room 421-C" Sagot niya kaya dali dali kaming pumunta roon, nangunguna si Jimin siyempre.

Sumakay kami sa elevator kasi nasa 10th floor siya, habang naghihintay ay nagsalita bigla si Jimin, "Excited na ako! Na kinakabahan! Pero masaya ako!!" Sabi niya habang nakangiti.

Nilingon din siya ng iba naming kaibigan at napangiti rin sila dahil sa wakas, nakita na ulit namin ang ngiti niyang tunay. Hindi na peke.

Nang makarating na kami ay mabilis pa sa alas kwatro na tumapat si Jimin sa pinto, "Shit!"

"Kaya mo ba?" Tanong ko sakanya.

Huminga siya ng malalim at saka pinihit ang door knob.

Nagulat siya sa nakita niya, pati kami.














































"Yoongi's kissing someone else"

###

[A/N: y'all it's been 3 months i miss u guys hehehe! Sorry sa pagiging inactive ko! I have a personal problem (who doesn't) and i'm still finding a solution to it but i know i'll be okay one day. btw, sa mga naghihintay, pasensya na kung onti lang! babawi ako!]


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top