Chapter 1 | A Start ?

Christiana

"Christiana Jade Jacinto!"

Napatigil  ako saglit  sa paglalakad papunta sa building namin nung narinig ko na may sumigaw ng pangalan ko nang pagkalakas-lakas kala mo kami lang nasa loob ng campus . Hay jusko boses palang kilalang kilala ko na kung sino tumawag saakin.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad bahala siyang habulin ako malalate naako !

Biglang may humampas sa ulo ko nang napakalakas na halos masubsob na napakaganda kong mukha sa lapag.

"Putcha ano bang problema mo?!" singal ko sa nanghampas saakin kaiinis! ang aga aga sisisrain yung araw ko!

"Eh kasi tinatawag kita hindi mo ko pinapansin!" Sigaw niya pabalik niya saakin na lalong pinasakit yung ulo ko.

"Hay Nako Andrea bahala ka na nga diyan malalate naako ! Leche!"  Bwisit sakit sakit ng ulo ko tuloy hampasin ba naman daw ang ng bag niya?! Eh ang bigat bigat pa naman ng bag nun everyday!

Siya lang naman si Andrea Del Rosario, isa sa mga matalik kong kaibigan dito sa university well actually, matagal ko nang kilala si Andrea siguro ever since nung High School kami  magkakilala na kami ng kumag na 'to pero kahit bwisit sa lipunan to love na love ko tong higante na 'to

"Uy, Sorry na Ikaw kasi eh ! Ayaw mo lumingon!" Nagpout siya kala mo naman cute pero ang naman sarap gupitin ng lips parang duck.

"Why ba kasi?"

"Well since malapit na kasi matapos tong sem natin and malapit na rin tayong maging 4th year... Let's Drink?" excited na sabi ni Andrea. Paginuman talaga pasimuno tong bwisit na 'to eh

"Sure sino ba mga kasama?" tanong ko sa kanya

"Uhm sina Rian, Justine, Jammy pati si Marise"  

Mukhang complete nanaman kaming magkakaibigan mukhang magdamagang walwal ang gagawin naming mamaya pero...

"Marise? As in Marise Claud Angeles?" Naririnig ko na name niya kina Andrea at Justine kaso we haven't really met pero what I know about her is that she excels in her academics  yun lang

"Yup siya na nga bakit type mo?" Natatawang sabi niya habang may nakakalokong ngiti sa labi niya


"Mukha mo! Alam mo naman kung sino gusto ko eh!" reklamo ko


"Oo gusto mo  nga pero gusto ka ba?"

LECHE!

OO NA HINDI NA

KAILANGAN IPAMUKHA SAAKIN?!

KUNG DI KO LANG KAIBIGAN TO EH

Tinignan ko siya ng masama pero humahagalpak na yung bwisit na halos maiyak na sa kakatawa.

Well, totoo naman kasi yung sinabi niya  paano naman ako magugustuhan ng taong gusto ko? I can't even tell her what I feel! Isang taon ko na siyang nagugustuhan pero sa tingin ko kaibigan lang talaga turing niya saakin. Sa katunayan siya ang dahilan kung bakit ako naging Bi ngayon. Ewan ko pero alam mo yung feeling na gusto mo araw-araw kayo nagkikita? Araw-araw mo siya gusto makitang tumatawa? Hay nako basta yun!

"Chris!"

Napalingon naman ako sa tumawag saakin. Napangiti ako ng di oras nung nakita papalapit saamin ang mala-dyosang nilalang .

"Oh, Yung laway mo baka tumulo " bulong saakin ni Andrea. Tinaas ko nalang yung middle finger ko sa kanya bwisit! panira ng moment!


"Nako Pau late ka na naman?" Asar ni Andrea pero inirapan lang siya ni Pau

"Tara na Chris malalate na tayo!" Sabay hila saakin ni Pau papuntang building namin.

Si Maria Pauline Alexandrea Enriquez or " Pau" for short  nga lang naman yung babaeng nagustuhan ko ng isang taon. Isang Cheerleader ng university namin. Sino ba naman hindi mafafall sa babaeng to magaling na nga sumayaw magaling pa-kumanta tapos napakabait at talino  pa? Saan ka pa diba?

"Hoy Chris! Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala nandyan na si Prof. oh" Alog ni Pau saakin

Nginitian ko lang siya at nakinig sa sinasabi ng terror namin na prof. baka hindi pa mapirmahan yung clearance ko delikado na.


----------

Didismiss na kami ilang minute nalang kanina pa ako tumitingin tingin sa orasan namin sa classroom. Di ko namalayan may lumilipad na pala na whiteboard eraser papunta saakin kaya ayun Headshot!

"Aray! Put-" Babato ko na sana pabalik yung eraser kaso si Ma'am pala yung bumato kaya ngumiti nalang ako at nagsorry"

Ang Tagal naman!

"Okay, Class dismissed!"

Hallelujiah!

Pagkadismiss napagkadismiss saamin agad akong tumakbo palabas ng building at tinawagan si Andrea.

"Drea, Where are you guys?"

[" Nasa Espana na kami sa dati"]

"Okay, I'll see you guys in a few"

["Dali! The Girls are here na kanina pa"]

"Oo na sige na bye!"

After I ended the call, tumakbo naako papuntang Espana hindi naman siguro halata na excited ako no?

"Hey Girls!" Bati ko sa kanila pagkapasok na pagkapasok ko sa Room na ni-rent nila

"Oh ayan we're complete na shot na!" Sigaw ni Justine  nakinatawa ng lahat.

Nilabas ni Justine yung vodka at hinalo ito sa Smirnoff mule. Napailing nalang ako sa ginagawa ni Justine.

Napatingin ako bandang kanan ni Justine at nakita ang hindi familiar na mukha well, I'm guessing na that's Marise? Nilapitan ko siya and umupo beside her.

"Hi I'm Christiana Jade Jacinto but you can call me babe nalang for short" Sabay kindat 

Napansin ko na medyo nagulat siya at halata sa mukha niya ang pagpula ng kanyang mga pisngi kaya't na pailing nalang ako at tumawa.

"Joke lang pero you can call me Chris nalang masyadong mahaba ang Christiana" Sabi ko habang natatawa.

"Marise Claud Angeles pero Claud nalang" Sabi niya ng nakangiti

"Hmm, Nako nako mukhang may nagkakamabutihan diyan sa gilid ah" Singit ni Jammy sa aming usapan

"GET A ROOM!" Dinagdagan naman ito ni Andrea na ikinatawa naming lahat.

"Mga kumag! Ngayon lang nagkakilala eh!" 

"Uloooool" Sabi nilang lahat saaming dalawa kaya napailing nalang ako

"Tara Shot?" Sinabi bigla ni Claud

"TARA!" Sinabi naming lahat at sabay inom ng alak ramdam na ramdam ko yung guhit sa aking lalamunan pagkainom ko.

Mukhang mahaba habang inuman pa ang mangyayari sa araw na to


----------

After ng ilang oras, naguwian na sila at natira nalang kaming tatlo ni Andrea at Marise.

"Sige Chris una naako sa inyo ni Marise" Sabi ni drea habang gumegewang gewang na maglakad

"Hoy ayusin mo nga paglalakad mo hindi na straight oh!" sabi ko 

"Gaga paanong magiging straight eh hindi nga rin ako straight duh!" 

"Ina mo sige mag-ingat ka ha" tinanguan lang niya ako at naglakad na papalayo saamin

Napatingin ako sa kasama ko na mukhang inaantok na rin.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya saakin

"Actually oo, Saan ka ba dumadaan?"

"Sa Dapitan lang dun ka rin ba?" 

"Oo tara na?" Sinabi ko at nagsimula na kami maglakad. 

Sa gitna ng paglalakad namin naalala ko na hindi pala ako sa dapitan dumadaan sa lacson pala pero wala nandito na eh 

Sus aminin mo na type mo si Claud kaya napa-oo ka kaagad nung tinanong ka niya

Heh. Nahihilo lang ako 

 Nahihilo my ass

"Ano pala kinukuha mo?" Tinanong niya habang naglalakad kami 

"Nursing, Ikaw ba?"

"Accountancy" tumango-tango nalang ako at tumahimik nanaman sa buong paligid namin. 

Nararamdaman ko yung mga kamay namin na nagkakatamaan habang nalalakad kami

To Hold or not to hold

To Hold or not to hold

to Hold or---

"Huy! Muntikan ka na mabangga Dirediretso ka hindi mo tinitignan dinadaanan mo" Sigaw ni Claud habang niyuyugyog niya ang katawan ko

Tinignan ko lang siya kasi hindi pa talaga ng sisink in saakin yung mga nangyayari. Like ano daw muntikan na mabangga? Sa pagkakaalam ko dumaan kami sa Isang park. Putcha umaandar na ba yung mga puno dito kaya ako masasagasaan? Hindi ko alam kung dahil ba to sa kalasingan ko hindi ko na alam kung ano nangyayari or what.

Napangisi siya saakin habang tinitignan niya ako at bigla niyang kinurot yung mga pisingi ko na nagpagising sa akin.

"Aray! Bat mo ko kinurot!" Sabi ko habang hinihimas yung mga pisingi ko

"Trip ko bakit?" Inirapan ko lang siya at nagdirediretso na sa paglalakad. 

Leche yun bigla ba naman ako kurutin ng napakasakit tas trip lang? May pagkabwisit din tong babaeng to eh.

"Joke lang tara na uwi na tayo" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Habang hinihila niya ako napapatingin ako sa kamay naming dalawa. like I love how her hand fits perfectly with mine. How warm it feels and lahat-lahat na and add her beautiful smile  kapag lumilingon siya saakin. 

Hindi ko lang alam kung epekto ba ng alcohol pero feeling ko everything else is blurred except her. 

Corny? Yep I think so too, but I can't help it.

"So, Dito nalang ako It was nice meeting you Chris"  She smiled

"Yeah, Ikaw din" 

"See you around the campus?" I just nodded in respose

"uhm Claud" Sabi ko bago pa siya makapasok sa bahay nila. Tinignan niya ako like she's asking me kung bakit ko siya tinawag.

"Goodnight" I smiled at her 

"Goodnight" and tuluyan na siyang pumasok sa bahay nila. 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top