Day 299
Compose a Message:
Me:
Secret! Pwede ko naman sigurong dugtungan yung story mo tungkol kina Rosas, Puno, at Araw diba?
sent!
Me:
Naging masaya naman si Rosas sa piling ni Araw. Habang mga panahong kasama ni Rosas si Araw, hindi alam ni Rosas kung bakit pero nirereplayan niya pa din si Puno. Hindi niya kasi mapigilan ang sarili niya. Nasasaktan si Puno nang dahil kay Rosas. Alam ni Rosas yun. Noon una akala niya awa lang yung nararamdaman niya para kay Puno. Pero nung isang araw at nag-away sila, doon may narealize si Rosas. Sobrang laki ng kasalanan niya kay Puno. Tinake advantage niya ito. Tuwing malungkot lang siya tsaka niya ito pinapansin. At nagsisisi siya sa ginawa niyang yun.
sent!
Me:
Ngayon, ang tanging hiling lang ni Rosas ay ang masabi kay Puno ang bagay na kaniyang napag-isip isip. Ang problema ay hindi na siya pinapansin ni Puno. Sana nga, magkaroon ng way para magkausap na ulit sila ni Puno.
sent!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top