29

EDITED.

7 years later...

« taehyung's pov

MAGANANG kumakain ngayon ng ice cream si Yoona. Ewan ko ba diyan. Bigla nalang nakahiligan ang ice cream. Tapos ang matindi pa, nilalagyan pa niya ng soy sauce yung ice cream. Can you imagine what would it taste? Sarap na sarap pa siya.

"Uy taehyung ko. Tikman mo na kasi!" Tsaka inilapit pa niya sa akin ang isang spoonful ng ice cream niya.

Graduate na kami ng college last year pa. We took the same course at siya ang naging magna cum laude sa batch namin. Ngayon, ini-enjoy na lang namin ang mga natitirang oras bago kami ikasal. By next next next month, ikakasal na kami. Grabe rin no? Biruin mo, hanggang ngayon, kami parin talaga.

"No. Thank you yoonababes ko pero sayo nalang iyan." Sagot ko sa kaniya.

"Ah ganun? Oh sige." Tsaka pinagpatuloy na niya ang pagkain niya hanggang sa  maubos niya ito.

"T—teka taehyung.. masusuka ata ako." Bigla niyang sabi kaya kaagad akong nag-alala.

"A–anong nangyari yoonababes ko? Okay ka lang ba? Ano? May masama ba sa pakiramdam mo?" Natataranta kong tanong.

Mahina niya akong pinalo sa balikat pagkatapos ay dali-dali siyang tumakbo papuntang cr kaya sinundan ko naman siya. Doon siya nagsuka at ako naman ay hinahagod ang likod niya at mababakas parin sa akin ang pag-aalala.

Pagkatapos non ay kaagad siyang naghilamos at nagmumog at tsaka ako hinarap.

"Ano okay ka lang ba? Ikaw naman kasi, e. Baka dahil iyan sa kinain mo kanina?" Nag-aalala kong tanong.

"Actually.. I–I'm pregnant Taehyung...." Sabay yuko niya.

Sandali akong natulala at nuong marealize ko ang sinabi niya, kaagad ko siyang niyakap at masayang nagsisigaw.

"Yahooo! I'm going to be a father! Magiging tatay na akooo!"

Natatawang tinignan ako ni Yoona kaya pinugpog ko siya ng halik sa mukha.

"Thank you.. for making me happy. And thank you for this shocking surprise! Haha!" Sabi ko.

"Hahaha! Maghunos dili ka nga muna Taehyung." Natatawa niyang sambit.

"How? I'm very very happy!" Nakangiti kong tugon. Tsaka ko tinignan at hinawakan ang kaniyang tiyan. "Hi baby.. I'm your daddy!"

---

E N D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top