27
EDITED.
---
« yoona's pov
NANG matapos ako'ng gawin ang aking morning rituals, bumaba na ako at nagulat sa aking nakita.
Talaga ngang tinototoo niya ang sinabi niya!? The fudge.
"Oh andiyan ka na pala, anak. 'Di mo naman sinabi na nililigawan ka na ni Taehyung. Ikaw ah. Naglilihim ka na, ah." Napanganga ako sa sinabi ni Mommy at gulat na tumingin kay Taehyung na prenteng nakaupo sa sofa ngayon. Feel at home? Watda.
"Mommy? Anong sinasabi niyo?"
"Anak, 'wag ka nang mahiya. Okay nga 'yon, e. Kilala na namin ang magiging future son-in-law namin." Biglang sabat ni Daddy mula sa likod ni Mommy.
T — tekaaaa! Ano rawwww!? future son-in-law!? Omygosh.
Napatingin muli ako kay Taehyung na ngayo'y nakangising nakatingin sa akin tapos ay nag-flying kiss pa. Jusko. Adik talaga, oo.
"Thank you po Mama at Papa. Pangako po, aalagaan 'ko po ang anak niyo. Mamahalin 'ko po iyan habang buhay. Sige po, mauna na po kami." Biglang sabi ni Taehyung. At ano? Saan naman kami pupunta? Hindi pa ako ready 'no! Pero ano nanaman 'yon? Mama at Papa? JUSKO HINDI 'KO NA KERIII 'TOOO LAHAT NALANG SILA GINUGULAT AKO.
"Tara na Yoona." Aya niya sa akin.
"W–wait muna! Di pa ako nakakapag-ayos. Atsaka tignan mo nga itong suot 'ko, naka-pajama pa ako, oh."
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Okay na 'yan. Tara na." Tsaka siya naunang lumabas.
Aba loko 'yon, ah? Iwan ba naman daw ako?
Lumingon muna ako kila Mommy at nakita ko'ng parehas silang naka-thumbs up. Huwaw. Binubugaw na nila ako 'don sa lalaking 'yon? CHAROT.
Pero asan nga pala si Serina? Ay oo nga pala. Tulog pa yun.
"BAKIT ang tagal mo?" Tanong niya ng makarating ako sa kotse niya.
"Like hello? Sino ba'ng matinong babae ang lalabas ng nakapantulog lang sa umaga? Ha? Ha?" Aba syempre. Nag-ayos ako. Baliw ba siya at sinabing okay lang yun? Hays.
He sighed. "Sige na nga." Tsaka niya binuksan ang pintuan ng kotse sa tabi ng driver seat. He motioned me to get inside and I agreed.
"So saan tayo pupunta?" Tanong 'ko pagkapasok niya sa sasakyan.
Binuhay niya ang makina at pinaandar na ang kotse papunta sa hindi 'ko malaman na lugar.
Nilingon niya ako tapos binalik 'rin ang tingin sa daan. "Secret."
---
note; to be continued.. nyahaha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top