20

EDITED.

OMYGOODNESS! Kinikilig ako habang sinusulat 'to. Nanonood po kasi ako ng I'm not a Robot💗 ngayon, like omygoodness overload! Ang hirap talaga 'pag single. Kikiligin ka nalang sa iba. Hay.

« yoona's pov

"Bata bata. Anong pangalan mo?" Tawag sa akin ng isang batang lalaki.

"Ah. Ako si Yoona. Im Yoona!" Masigla ko'ng bati sa kaniya.

"Ah. Yoona, ako naman pala si—"

"HOY YOONA! Kamusta naman ang tulog mo? Ano masarap ba? Ha?"

Tangires! Ayun na, e! Andoon na, e! Sasabihin na yung pangalan tapos bigla naman 'tong sumingit at winasak ang panaginip 'ko. Letse.

"Panira ka talaga, e!" Singhal 'ko. Tinawanan nalang niya ako at saka ako hinampas.

Pero alam niyo, weird kasi parang pamilyar sa akin yung boses nung bata. Blurry kasi yung visions 'ko nun kaya hindi masyadong klaro yung mukha. Hindi 'ko alam kung saan 'ko na nga ba iyon narinig pero alam ko'ng kilala 'ko siya. Maybe someone from my past, my childhood memories.

"Haha! Bakit? Magkikiss na ba kayo ng crush mo sa panaginip mo? Aww. Sorry. My bad." May himig na pang-aasar niyang sabi sa akin kaya naman inirapan 'ko nalang siya.

Anyways, nandito lagi si Serina sa bahay namin tuwing weekends. Pero minsan laging hindi natutuloy just like this past few weeks. Ewan 'ko ba diyan. Lagi nalang may lakad, e.

"Oh nga pala. May balita akong hatid sa iyo ngayon, ahihi."

"Ows? Sige nga. Ano 'yon?"

"May family gathering ka'ng pupuntahan ngayon at ako ang mag-aayos sa iyo! Hihi!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ha? Family gathering? Hindi man lang ako nainformed.

"Hmm. At saan naman?"

"Sa Bulacan, sa isang subdivision doon."

Hmm. I remember. Noong bata pa ako, doon ako lagi sa Bulacan laging nagbabakasyon kapag summer since nandoon ang mga grandparents 'ko. Naalala 'ko pa nga na may isa akong naging bestfriend na lalaki doon kaso hindi 'ko na siya maalala, pati face niya at yung boses.

"Ah. Okay."

" Anong 'Ah okay?' Hoy! Maligo ka na nga! Mahaba-haba pa ang biyahe NATIN mamaya!" Diniin pa niya ang salitang 'natin'

At ano? Kasama siya?

"Kasama ka!?" Bulalas 'ko.

"Syempre. Haha! Oh sige na! Maligo ka na nga." Sabay tulak niya sa akin papuntang cr sa loob ng kwarto 'ko.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top