19

EDITED.

« taehyung's pov

NAGISING ako ng mga bandang alas nuebe. Walang pasok ngayon kasi Saturday. Chineck 'ko muna iyong cellphone 'ko kung nagchat ba siya o hindi. Pagkatingin 'ko, tangna. Wala parin siyang chat. So ako pala talaga dapat ang nagfi-first move.

Kaya iyon, chinat 'ko siya ng 'Good morning.' Pagkatapos 'non ay hindi na ako naghintay pa na magreply siya dahil alam 'ko namang mamaya pa iyon mag oonline.

Pumunta ako sa kusina kung saan alam 'kong naroroon si Mama. At tama nga ang hinala 'ko. Nandoon nga siya at prenteng nakaupo sa upuan na nakaharap sa akin na para ba'ng hinihintay talaga ako. Nakahalukipkip pa siya at nakataas ang kilay sa akin.

'Ano nanaman ba'ng nagawa 'ko ngayon?' sabi 'ko sa sarili 'ko.

"Kim Taehyung. Mag-usap nga tayo." Nagulat naman ako sa tono ng boses ni Mama. Iba, e. Iba.

"P—po?"

"Iyan ba'ng nililigawan mo e kilala 'ko?" I gulped.

"M—mama naman. Syempre hindi mo kilala. Hindi 'ko pa nga nililigawan, e."

Tumayo si Mama sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Napalunok naman ako. Hindi ako sanay na ganito si Mama.

"Ako ba'y pinagloloko mo'ng bata ka, ha?"

"H—hehe. Mama naman. Hindi 'ko pa nga kasi nililigawan. Kulit mo 'rin, e."

"At ako pa ngayon ang makulit, ha?" Tsaka piningot ni Mama ang tenga 'ko kaya naman napa-aray ako sa sakit. Kahit kailan talaga, napakasakit parin talaga ng pingot niya, hays.

Binitawan 'rin naman niya ang tenga 'ko kaya agad ko'ng minasahe ang bahagi na iyon.

"Okay. Let me replace the question.. Kilala 'ko ba iyang napupusuan mo?"

'Ha? Eh ang dami ko'ng pinupusuan sa Facebook, Instagram at Twitter.' bulong 'ko sarili.

"Ano? Sumagot ka'ng bata ka! Kilala 'ko ba iyang NAGUGUSTUHAN mo?"

Tss. Ano ba 'yan. Daig 'ko pa ang nasa hot seat sa Tonight with Boy Abunda. Grabe naman kasi makaintriga itong nanay 'ko, e. Ano? Paparazzi at reporter lang ang peg? Tch. Pati tuloy ako nababakla na, e— ano!? Erase erase erase.

"Oo na, sige na Mama. Oo kilala mo. KILALANG-KILALA!"

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top