18
EDITED.
—
« taehyung's mom pov
Hello sa inyo! Ako nga pala iyong mama ni Taehyung. Galing nga pala ako sa SoKor, nandoon kasi ang lolo ni Taehyung, ang papa 'ko, bumisita lang ako doon para kamustahin siya.
Ngayon, pinagmamasdan 'ko ang anak 'ko habang siya'y natutulog. Nakakunot pa ang noo niya habang hawak-hawak ang kaniyang cellphone na hanggang ngayon ay hindi parin niya mabitaw-bitawan kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya at maingat na kinuha ito mula sa kaniyang kamay.
Dahil sa kuryosidad, binuksan 'ko ang kaniyang cellphone at doon 'ko nakita ang kaniyang wallpaper. Isang dalagang babae na talagang kaakit-akit at mala-anghel ang itsura.
(A/N: see photo on multimedia. thanks.)
Hmm. Parang pamilyar ang mukha niya, ah? Hindi kaya...
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top