17

EDITED.

« yoona's pov

Alas diyes na ng umaga ng makita 'ko ang chat sa akin ni Taehyung. Ah. Kaya naman pala hindi 'ko siya nakita kanina sa flag ceremony.

Somehow, I felt sad. Ewan 'ko ba. Gusto 'ko na ba siya? Ewan. Parang ang bilis naman ata kung ganoon.

Wala akong ibang naisip na i-reply sa kaniya kundi ang tumitinding isang malaking, 'K.'

Sorry na kaagad. E sa wala na talaga akong ibang masabi pa, e. Pagkatapos no'n ay hindi na ako muling nag-chat pa at itinago nalang ang aking cellphone sa loob ng aking bag.

"Hoy, Yoona!" Tawag sa akin sa di kalayuan.

Tinignan 'ko ang tumawag sa akin at nakita 'kong si Serina ito kaya naman napatayo ako mula sa pagkakaupo at kaagad na lumapit sa kaniya.

(A/N: remember her? go back to chapter 12. thanks.)

"Ano nanaman kailangan mo, ha?" I asked.

"Ang pogi talaga ni V, 'no?" Sabay pakita niya ng picture nito na nag-aantay sa labas ng airport.

Ha? So ayan pala ang dahilan kung bakit siya absent? E kung iyan nga, sino naman kaya ang susunduin niya doon?

"Ikaw, ah. Sabihin mo nga sa akin, crush mo parin ba siya?" Tanong 'ko.

Nag-blush siya. "A—ah eh..." She paused. "Syempre hindi na! Ano ka ba? Alam mo namang mayroon akong bagong prospect ngayon na lalaki, e! Hindi ba puwedeng naga-gwapuhan lang?" She blurted out.

"Ah. Okay."

"Eh! Nakakainis ka talaga!"

"Share mo lang?" Pang-aasar 'ko.

"Hmp!"

Napatawa nalang ako at bumalik na sa dating puwesto at siya nama'y sumunod nalang 'rin sa akin.

"Huy, Yoona. Oo nga pala. Yung tungkol sa pageant, ikaw yung representative ng section natin, diba?"

(A/N: remember that pageant? go back to chapter 4. thanks.)

Nagulat naman ako. "Hala. Oo nga pala, 'no?" Napailing naman siya sa sinagot 'ko.

"'Yan kasi. Puro cellphone nalang inaatupag." Sermon niya. "Pero alam mo ba, balita 'ko si V 'rin daw representative ng section nila. I can't wait to see him! Hihi!"

Hala. Naloka na.

"I know." Sagot 'ko.

Gulat naman ang rumehistro sa mukha niya ng tignan ako. "Ha? Pano mo naman nalaman?"

Patay. Anong sasabihin 'ko? Na nagcha-chat kami ni V tapos sinabi niya sa akin ang tungkol doon?

Isip. Isip. Isip.

"Ano ka ba! Ang ibig 'kong sabihin, 'I know' that you can't wait to see him." Whoosh. Ang galing 'ko talagang magpalusot.

#Palusot.com

Tumango-tango naman siya at hindi na nagsalita pa.

Nang mag-bell na ay sabay na kaming pumunta sa room at umupo sa kanya-kanya naming mga upuan.

---

note; hi? ilang araw na itong nakatambak sa drafts 'ko at ngayon 'ko lang talaga siyang naisipang i-publish. sorry na, haha! and i know, napaka-lame talaga ng bawat chapter so sorry about that.

previous note; yeah, it's super lame to the point na lalabas na ng milky way. i-vote niyo ito kung ayaw niyong malasin ngayong 2018! djk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top