16

EDITED.

« taehyung's pov

Hay. Kung sana ay kaya 'ko lang na hindi umabsent, gagawin 'ko. Kaso hindi puwede, e. Ngayon kasi ang dating ni Mama at ako ang naka-tokang sumundo sa kaniya sa airport.

Ngayon, kasalukuyan 'kong hinihintay siya sa labas ng airport. Nakasandal ako sa aking sasakyan habang pinaikot-ikot ang susi sa aking kamay. Pansin 'ko 'rin ang mga matang nakatingin sa akin. Well, wala na tayong magagawa diyan, born to be handsome, e.

After a few minutes, nakita 'ko na si Mama na parang may hinahanap kaya naman agad akong lumapit sa kaniya at kaagad na nagmano.

"Hello, Mama!"

"Oh. Ikaw na pala iyan. Nasaan na ba 'yang sasakyan mo at nang makauwi na tayo?"

Tinuro ko iyong sasakyan sa di kalayuan. Tumango naman siya at nauna ng pumunta doon kaya naman sumunod na ako.

Habang nasa biyahe ay dinadaldal ako ni Mama. Wala naman akong nagawa kung hindi ay sumagot na lang.

"Oh, oo nga pala. May nababalitaan ako na may pinopormahan ka na daw na babae? Pakilala mo naman sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ma, naman. Hindi 'ko pa nga nililigawan tapos pakilala kaagad. Atsaka hindi 'ko nga alam kung papayag ba iyon, e." Bulong 'ko sa huli.

"Ipapakilala mo o gusto mo'ng ako nalang ang pumunta sa school niyo at ako ang magpakilala?" Banta niya sa akin.

"Ma naman, e."

"Hay nako, Taehyung. Bahala ka na nga." Then she sighed.

NAKAUWI na kami at eto ako ngayon, nakasalampak sa kama at kasalukuyang nakatitig sa cellphone 'ko.

Ano kayang nangyari sa school kanina? Masaya ba si Yoona na wala ako 'don? O malungkot? Argh! Napaka-assumero 'ko talaga. Bakit naman siya malulungkot? E naaasar nga iyon sa akin, e.

I opened my conversation with her. Nakita 'ko ang isang reply niya sa akin na tuluyang nakapagpainis sa akin. At alam niyo ba kung ano ang ini-reply niya? It's a big, 'K.'

Argh!

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top