Chapter twenty-three
"Malapit na ang Christmas break at dahil malapit na nga ay malapit na rin ang midterms exams ninyo. I hope you study well and do better this time," umaga pa lang at pagkapasok pa lang ni Miss Marina sa classroom ay iyon na ang bungad. I am mentally counting our remaining days at halos nagulat nga lang din na halos two weeks na lang pala at semestral break na.
"Miss Torres," she pointed out while staring at me.Gusto kong itama, gusto kong hindi sumagot pero alam ko na magtataka lang sila. "You can do it. Bawi lang," she said using her usual motivating sound.
Kabado man at halos mangarera na sa loob-loob ko ang dibdib ko ay nagawa ko pa ring ngumiti at tumango. I should do better.
Simula nung nalaman ko na hindi ako tunay na Torres ay palagi akong takot. I feel like I don't belong to where I am. Palagi ring pumapasok sa isip ko ang sinasabi ni daddy palagi sa akin. "Study well and don't forget to enjoy."
I don't know if I am just being emotionally attacked by the events or the anxiety I have kept knocking on my doors. I really don't know.
Pakiramdam ko tuloy ay pag-aaral na lang ng mabuti ang maibibigay ko sa lahat. Ang mga medals ko ang magbibigay ng rights sa akin sa lahat ng mayroon ako o kung mayroon nga talaga akong karapatan because honestly speaking, even myself thinks that I am just a selfish intruder na inagaw ang lahat sa dapat na may-ari, which is my mom.
"Ryl," I stopped myself from walking saka humarap sa pinanggalingan ng boses na iyon.
April is on her usual smile, while holding a styro na alam ko na rin naman ang laman. Nuggets with a lot of catsup is her favorite kaya alam ko na iyon na naman ang ulam niya. She is always insisting me to buy some, pero bihira lang akong kumain dahil mas gusto ko ang caldereta na minsan ay nabibili sa big canteen.
"Hey." I beam, pasimple kong tiningnan si Tristan sa tabi niya na parang may gustong sabihin pero nanatiling tahimik.
"Lunch tayo." Lumapit siya sa akin and she clung her arms on mine. "I miss you na!" paglalambing niya pa na nakapagpatawa sa akin. I saw how Tristan's lips curled up while watching our interaction.
That's the April I know, sana lang ay magtuloy-tuloy na. Pero gustuhin ko man na pagbigyan ay maghihintay sa akin si Timothy sa canteen, nakapagpabili na rin ako ng pagkain ko kaya nakakahiyang huwag siputin.
I glanced at her while she is doing her puppy eyes, I bit my lowerlip and gaze away pero natagpuan ko ang mga mata ni Tristan na sa akin nakatingin.
He sighed and walks towards us. He knew me too well. Alam niya na nahihirapan akong lumusot kay April kaya siya ang gumawa, siya na rin ang naghiwalay sa aming dalawa. "Nakapangako na siya sa iba,Ril," he said. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa dibdib ng marinig kung paano siya makipag-usap sa isa. He is taking my advices, he is finally opening his heart to her. "Tayo na lang muna." He smiled and ruffled her hair in front of me, making me looked away.
I should be happy right? I should be smiling and teasing them but why my heart is clenching in so much pain?
April pouted but she finally let me go, slowly. "Basta next time," nagbabanta niyang saad. "I have a lot to tell!" she is giggling while whispering to me.
I only laughed at her and nod. Siguro naman kaya kong makitang maging sila, siguro kaya kong maging masaya para sa kanila, tapos durog at nasasaktan para sa sarili.
Iyon ang paulit-ulit na binubulong ng utak ko, I silently laugh at it habang naiiling. Medyo malilom dito sa part na 'to ng school dahil sa anino ng mga building at may mga puno pa kaya hindi hassle ang paglalakad kahit na mainit.
But I heard a voice, it is fading kaya di ko naiintindihan, pero naririnig kong may nagsasalita. Out of curiosity, naglakad ako kung saan nanggagaling ang boses. Itetext ko na lang muna siguro si Timothy na baka ma-late ako pero hindi ko naman siya iindianin.
Nagtago ako sa girl's comfort room sa lumang building kung nasaan ako. The shilhoutte is near the room kaya alam ko na madidinig ko kung sino o ano yon.
My heart races, hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaba.
"Dad dammit!" My eyes widen as I cover my lips using my hands. Sumilip ako agad sa nakasiwang na pinto at nakita ko kung paano sipain ni Timothy ang paso na wala ng halaman na malapit sa kanya, his eyes are glistening in so much anger.
"My mom died because of it sa tingin mo talaga gagawin ko yang gusto mo?" he chuckled darkly. "Poprotektahan ko siya na hindi mo nagawa sa mommy ko?"
"She is not,dammit!" he exclaimed. Halos maluha ako nang suntukin niya ang dingding sa harapan niya. He pushed his head on the wall and repeatedly slammed his head from it. "Gagawin ko lahat, masaktan lang siya! I want her to pay!"
Pinatay na niya ang tawag at mabilis na sinandal ulit ang ulo sa dingding. He is catching his breath, trying to calm down but his knuckles are still red.
Nang masiguro ko na kalmado na siya ay dahan-dahan akong lumabas sa cr ng girls, he is now walking papunta sa canteen kung saan kami kumakain kaya tahimik lang akong nakasunod sa kanya.
I can't even believe that Timothy has a grudge on his father. All I can see from him is he is a softie, a good boy. Hindi ko akalain na ganito pala. Pero sapat ba yong mga dahilan niya para magtalim mg galit? Based on what I'd heard earlier ay dahil ito sa kanyang mommy. Pero hindi pa rin kasi tama, lalo pa't ama niya pa rin naman iyon.
Nag-intay muna ako ng ilang sandali nang makaupo siya at tapos na kumuha ng pagkain namin bago ako umarte na parang kakarating ko lang.
Gone with his blazing fiery eyes, he turns out to be soft now. He welcomes me with his smile. Nilapag niya sa harapan ko ang spaggetti. I grin. "There! Sabi mo kasi pasta gusto mo," he pouted cutely.
I mentally shook my head and smile at him. "Akala mo naman hindi rin spaghetti ang inorder!" asar ko.
"Kasi nga iyon ang order mo, may choice ba ako?" I laughed at his statement. Nakagawian na kasi naman na parehas kami ng inoorder kapag break-time. Hindi ko alam kung ano anh pumasok ss kanya at naisipan niya iyon pero hindi na ako tumutol dahil lunch lang din naman iyon.
Hindi na lang ako nagsalita kaya nakasimangot siyang kumain ng pasta niya. Pinagtuunan ko na lang din ang pasta na kinakain ko, nag-iisip kung paano maisesegway ang usapan tungkol sa daddy niya na mukhang limot na niya.
"Ang ganda mo," he suddenly said. Napatingin ako sa kanya at nakangisi na siya sa akin ngayon.
My cheeks burned and suddenly, I don't have a courage na makipagtitigan sa kanya. He is my ex-crush,duh! Kaya ang awkward para sa akin.
Imagine! Your ex crush has a crush on you too.
But my thoughts left me when I heard my phone ringing. Mabilis ko itong kinuha sa bulsa ko at halos lumuwa na ang mga mata ko sa gulat ng makitang si Mommy sang tumatawag. I took a couple of deep breaths, relaxing myself before answering her calls.
"Hello po, my," maingat kong saad.
"Ryl!" She is in a hurry, alam ko iyon base sa panting ng voice niya na naririnig ko.
"Yung tito Rommel mo, Ryl." Hindi na naituloy ni Mommy ang sinasabi dahil sa kanyang mga hikbi. My heart beats fast, parang katulad lang din ng binagsak nilang patay na si Daddy sa harapan ko. Her cries and sobs make me weak. Parang gusto kong takbuhin ang distansya naming dalawa para lang mayakap siya.
"A-ano pong n-nangyari?"
Hindi siya sumagot pero hikbi at hagulgol niya lang ang naririnig ko. I look at Timothy na nakikinig lang din pala sa akin ngayon. "My, calm down."
"Aryl, I can't lose him." A lone tear fell from my eye as I heard how her voice sounds so weak. Parang bumalik sa akin yung panghihina niya nung nakitang duguan si Daddy at may tama ng bala. "I can't lose him!"
My hands are shaking. Natatakot ako at halos mahimatay na sa pag-aalala. She is pregnant. My mom is pregnant, yet she is having an emotional breakdown alone, without me by her side.
Huminga ako ng malalim, pampakalma. She needs to calm kaya wala man akong background sa lagay ni Tito ngayon ay nakaisip ako ng bagay na makakapagpagaan ss loob ni Mommy kahit sandali lang. "We will not lose him,my. I'll promise, hinding-hindi siya mawawala sa 'yo."
Pakiusapan pa bago ako payagan na palabasin ng guard, kaya humingi na rin kami ng tulong kay Miss Marina na agad naman niyang pinayagan. She said she will let her co-teachers to know what happen para ma excuse na rin ako. Habang ako naman ay dumadagundong ang dibdib sa kaba, my hands are sweating while we are in Timothy's car. Yung kotse niya ang ginamit dahil nalaman ko na hindi pala ito umaalis sa parking lot ng school. Talagang exclusive for him lang ang kotse na to kasama na si Manong Edgar na driver niya.
"Aryl, you need to calm down." Inabutan niya ako ng tubig na mabilis kong ininom. "Your tito will be okay," he assured me.
Tumango na lang ako habang hindi mapakali sa aking inuupuan. Gusto kong bumaba na lang at takbuhin ang ospital para mas mapabilis dahil sa sobrang bagal ng usad ng traffic pero alam ko na mas lalo akong tatagal sa ganoon.
Pinagsama ko ang nga palad ko at pinagkiskis sa isa't isa. Basa na ang mga 'to kaya nararamdaman ko ang lamig dahil din sa aircon ng kotse. Patingin-tingin din ako sa labas, iyon ang ginagawa ko sa buong oras na nasa sasakyan ako while the boy beside me is busy with his phone. I tried to peek and I saw that he is messaging his dad.
Halos tatlumpong minuto akong nakaupo lang na kung tutuusin ay dapat wala pa kaming sampung minuto kung hindi nga traffic. Mabilis at malalaki ang hakbang ko palapit sa frontdesk pero hindi na rin pala kailangan dahil sa tapat ng emergency room ko nakita si Mommy kasama si Yaya Minda na tulala. She is looking at the room's door.
Malaki ang hakbang ko na lumapit sa kanila, si Yaya ang unang nakapansin sa akin. "Iha."
Nakuha noon ang atensyon ni Mommy, she looks at me, then the boy behind me and scoffed. "Really? Ginamit mo pa talaga ang pagkakataon para manglandi!"
Gusto ko siyang itama pero siguro ay dahil lang sa stress kaya siya ganyan. Her brows furrowed while looking at us.
Si Yaya ang binalingan ko dahil alam ko na mapapahiya lang ako kapag kay Mommy ako magtatanong. "A-ano pong nangyari,Ya?"
Yaya looks at my mom pero nang makita na nakatingin an muli ito sa pinto ng E. R ay muli siyang tumingin sa akin. "Kumakain sila ng mommy mo nubg bigla na lang siyang natumba. Gulat ang lahat at halos hindi makagalaw si Madelaine sa nangyari, posibleng naalala niya sng nangyari sa 'yo."
Tumingin ako kay Mommy, her eyes are still glued on the door kaya hindi niya nararamdaman ang paglapit ko. "My, I think you must be check. Kasi si baby---" She cut me off using her deadly glares.
"Wala kang pakielam!"she exclaimed not minding the people who are passing by. "Bakit ka ba nandito? Eh hindi naman kita kailangan dito?"
My heart pierced, parang unti-unti na namang sinasabuyan ng asido. "N-nag-alala lang po ako nung tumawag k-kayo sa a-akin na u-umiiyak."
"Well I don't care! Hindi ko kailangan ng pag-aalala sa isang kriminal!" she shouted. May lumapit na nurse para kalmahin siya kaya tumingin na lang siya ulit sa pinto kung nasaan si Tito. "Umalis ka na," she said in a calm way but it is still have the power to destroy me.
Tanga mo,Ryl. She doesn't need you. Ang kailangan niya para sumaya ay ang Tito mo.
I beamed at her before standing up from the bench. Tumingin ako kay Yaya at mas pinalawak pa ang ngiti ko para hindi siya makahalata.
That's right. Keep them believing on your faded smiles.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top