Chapter twenty-one
Hindi ko alam kung tama si Yaya sa sinabi niya pero simula nang marinig ko yon ay nagsimula na akong mag-observe ng mga bagay tungkol kay Mommy.
My life is back to normal, wala na akong pasa at galos na natatanggap o bahid sa katawan, ang natira na lang siguro ay ang peklat ko sa braso, hindi na rin ako inuutusan at pinaglilinis ng bahay. Pero dahil na rin siguro nakasanayan na ay kahit hindi ako inuutusan ay nagkukusa akong tumulong sa mga maid sa mansion pero parang hangin lang ako kung daanan ni Mommy.
Obviously, she is ignoring me and that only fact hurt me. Wala akong pakielam sa mga pasa o galos ko sa katawan pero ang hindi niya pagpansin sa akin ay hindi ko akalain na mas masakit pa kaysa sa una kong naging punishment.
Simula nga ng marinig ko ang opinyon na yon ni Yaya Minda tungkol kay Mommy ay nagsimula na akong mag-observe sa galaw niya. Kahit nga parang hangin ako para kay Mommy ay pinili kong manatili sa tabi niya.
At napatunayan kong tama si Yaya, nagsimula sa paunti-unting pagsagana ni Mommy sa pagkain, hanggang sa nagkaroon na siya ng sensitive senses, katulad ng pang-amoy niya na bigla na lang magduduwal kapag may naamoy na hindi maganda o kaya naman ay ang pagiging emotional niya na napapansin ko naman kapag nanonood silang dalawa ni Tito Rommel sa may sala.
Minsan pa nga ay nung lumabas ako sa room ko para pumasok sa school ay naririnig ko ang pagsusuka niya sa room na ginagamit nila ni Tito. Doon sila natutulog sa master's bedroom, wala na rin akonh naging say roon dahil ako lang naman itong salingpusa sa bahay na ito. Well infact, mas may higit na karapatan si Tito Rommel kaysa sa akin dahil kadugo siya ni Da-Tito Rodrigo.
"Huy!" Kulbit ng katabi kong magtake ng lunch. I am at the school's cafeteria, mag-isa. Hindi ko makita si Tristan at nakita ko na lang ang sarili ko na kasama sa iisang table si Timothy.
Inilagay niya sa harapan ko ang bote ng C2 apple na paborito kong inumin dito at coke in can naman ang kanya. Simula ng pumasok ako ay siya na ang lagi kong kasama. Si Tristan kasi at si April ay biglang nawawala sa oras na tumunog na ang bell. Hindi ko rin naman alam kung saan sila pumupunta kaya no choice ako kung di ang magcafeteria mag-isa, hindi rin kasi ako sanay na may baon at madaling masira ang tyan ko kapag napanisan o hindi mainit ang food na kakainin pero nagulat ako nung palagi ng nakasunod si Timothy sa akin.
Hindi rin naging katulad ng iniisip ko ang naging pagsalubong sa akin ng school nung pumasok ako last monday. They are really thankful and greatful that we rank second in a regional competition. Buong NCR din kasi ang nakalaban namin at siguro masyado akong na-pressure kaya hindi ko na-appreciate ang rank two. Kaya naging tulong sa akin ang naging suporta ng buong school sa aming dalawa para maka-cope up ako sa lahat ng negativity na nararamdaman ko. Wala na rin naman din kasi akong magagawa kung rank two lang.
Nawala sa utak ko na ang tanging tao na gustong palagi akong nangunguna ay si Mommy. She wants me to be perfect, siguro kung naging perfect ako ay kaya na niya akong mahalin, kaya na niyang kalimutan kung saan ako nanggaling at kung paano ako nabuo. Kaya nagsumikap ako.Kaya ko gusto lagi ang first rank ay dahil kay Mom. I always aim higher because that was I thought mom would rain me praises but no. Kahit gaano karaming gold medals, certificates, trophies ang maipanalo, hindi naman siya magiging proud sa akin. Daddy Rodrigo blinded me with the idea of my mom just don't want me to settle for less, he said that mom wants me to be smarter, brighter,more competitive to have a very good future, pero lahat yon kasinungalingan lang.
I don't hate him, maybe nagtatampo pero hindi ako galit, he is the last person I will think ill or bad. Siya din ang isa sa piling tao na nagparamdam sa akin ng pagmamahal kahit na hindi niya ako kadugo.
"Okay ka lang ba talaga?"alalang-alala si Timothy na nakatingin sa akin. I only smile at him and pinagpatuloy ang pagkain ko but his hand suddenly held my wrist. Agad akong nanlamig ng makita ko ang mga peklat na nandoon, wala na yung sugat pero naroon pa rin ang bakas.
"What's this?" marahan niyang tanong. I scanned his face and he has a grim line face, nawalan ng emosyon ang mukha niya habang hinahaplos niya ng marahan ang aking palapulsuhan.
I tried to pull my arms off pero mas hinigpitan niya ang pagkapit at tumingin na sa akin. His eyes are full of emotion, sinubukan niyang ibuka ang kanyang bibig na parang may sasabihin pero mabilis din niyang itinikom ang bibig saka bahagyang umiling na parang pinapagalitan pa ang sarili.
"Nahihirapan o pinapahirapan ka ba sa inyo?" he asked, I can't name his voice. Pinaghalong galit at lungkot ang naririnig ko o posible ring nilalaro lang ako ng aking utak.
I laughed and grin. "Bakit mo naman naisip na pinapahirapan ako roon?"
He rested his back on his seat saka tumingin sa akin. Pinaglaruan niya ang hawak niyang utensils habang nasa akin ang buong atensyon. "Well, sa nakita ko nung nakaraan hindi ako magtataka kung nasasaktan ka sa inyo. The fear in your eyes told me that you are in that situation. "
Hindi ako sumagot at nag-iwas ng tingin. That moment I want to burst out. Gusto ko ng tumakas sa lahat-lahat at kung pwede ay sumama na lang kay Timothy at magmakaawa sa kanya na ilayo ako pero hindi ko kayang iwan ang kaisa-isang tao na pamilya ko. She is my blood kaya kahit anong sabihin ng iba pinapahalagahan at pimaparamdam ko na mahal ko siya.
"Ganoon na ba kalaki ang paghihirap mo para gawin yan sa sarili mo?" his voice, I know he is mad pero hindi na ako nagsalita.
Kung sasabihin ko sa kanya ang lahat, sigurado akong aalis ako sa bahay. Well that place is my house, I chuckled mentally, I can't even call that house a home anymore.
Ramdam ko ang tensyon kaya tumawa na lang ako, though alam ko na nagtutunog ingrata yon pero ayaw ko na ng gulo. My mom might me pregnant and I don't want to take risk. Hindi ko pa kabisado ang utak ni Timothy kaya mahirap magsalita sa kanya kung ano ang nangyayari, baka gunawa siya ng aksyon para matulungan ako, in expense of my mom's safety. Ayaw ko mangyari yon. Minsan ko ng inagaw sa kanya ang kasiyahan kaya hindi ako papayag na masira ko na naman.
"Okay lang ako, nagpapaturo kasi ako sa yaya ko magluto pero medyo clumsy pa ako sa paghawak ng kutsilyo kaya ang dami kong naging sugat pero okay na yan." Iwinagayway ko pa ang braso ko para maniwala siya na maayos lang. Pero mukhang hindi siya naniwala pero pinanindigan ko ang pag-arte ko, tutal naman iyon ang naging palusot ko.
Hindi siya sumagot na alam ko na pinapanood ang bawat kilos o reaksyon ko. I looked down to my food para hindi na humaba ang usapan saka tumingin ng saglit sa kanya. "Bakit ba lagi kang nakasabay? Eh magkaiba naman tayo ng level ah!" kunwaring inis kong tanong pero deep inside malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil baka kung wala siya ay mag-isa akong maglulunch palagi.
He smirked. "You talked to your senior like that,really? "
He is a year older than me kaya grade twelve na siya pero ako ay grade eleven lang. Parehas man kami ng napiling track which is accountancy business and management ay hindi rin normal sa mata ng mga estudyante na palagi kaming magkasama. Natural lang na mag-isip sila ng kakaiba and that gossips made me flush in red.
"I mean wala ka bang friends or kahang-out tuwing break-time?" I tried so hard for my tone not to sound annoyed kahit na ilang beses na rin akong nainis sa presensya niya but sometimes I kinda feel thnkful in his presence.
Kasi kung wala siya ay malamang sa malamang na lagi akong mag-isa tuwing breaktime.
Hindi ko rin maipagkakaila na nung palagi ko siyang nakakasabay ay naging mas close at tight ang bond namin but hindi pa rin non mapapalitan ang closeness namin ni Tristan.
Tristan and Timothy are both different. Iba ang epekto nila sa akin, when I am with Tristan, palagi kong nararamdaman ang nerbyos sa tuwing naririnig ko ang kabog ng dibdib ko, natatakot kasi ako na baka marinig niya, I always makes sure na ako lang ang nakakarinig ng kakaibang karera sa loob ko. I am sometimes annoyed by him dahil sa kahanginan niya pero it makes me at ease. Parang para sa akin, it's my tranquil in the end of the every day. Kaiba sa nararamdaman ko kapag kasama ko ang lalaki na kaharap ko ngayon, I am at ease everytime I am with him, walang kahit anong ilang na nararamdaman dahil kahit papaano naman ay nakilala at naka-close ko na siya. He is like the gentle wind for me, yung nagpapakalma sa akin sa tuwing ginugulo ako ng malakas na hangin o matinding sinag ng araw na dala-dala nung nauna. Well, I am comfortable to him. Kaya siguro madali para sa akin ang lumalapit siya sa akin kahit na lalaki siya.
"Hey!" Niyugyog muli ako kaya nabalik ako sa reyalidad. Dahil nga medyo nakilala dahil sa competition ay napapatingin talaga sa table namin ang nga estudyante. Kahit ang ibang nasa lower grades ay napapabaling sa amin.
Parehas lang din naman kasi ang senior high at junior high ng cafeteria. May malaking na canteen na nagtitinda ng iba't ibang snacks like fries,burgers,hotdog sandwiches junkfoods, juices, mayroon din doon pwesto ng gustong magheavy-meals. Kasama na sa big canteen na yon ang nagtitinda ng school supplies. But in the other side, may small canteen din kung nasaan kami ngayon, this area naman ay puro heavy meals ang tinitinda katulad ng rice meals, pasta like spaghetti or pansit, champorado at lugaw, minsan din ay may nagtitinda rin ng macaroni or carbonara. Bottled water lang naman ang magiging drinks dito. Hindi katulad ng big canteen na sementado lang ang flooring, this place has a tiled-flooring.
I don't know why this school has two canteens but as I stay here, I witness how much students are there. Kulang ang isang canteen para ma-cater kami kahit na hindi naman sabay-sabay rin ang pagpasok ng estudyante.
"You are spacing out again!" He poked me.
Nahihiya naman akong napakamot ng ulo saka natatawang inisang subo ang nabili kong naggets at ang natitirang kanin sa plato ko.
Pasimple akong tumingin sa relo na suot ko at bumaling sa kanya,nagtatanong ang mga mata. "Wala ka bang schedule ngayon?"
Hindi rin kasi siya pwedeng magpapetiks-petiks dahil nga graduating siya plus the fact that I heard he is running for being this school year's valedictorian. Naglalaban sila sa points ng number one rin sa STEM strand. Syempre as ABM student I want him to be the valedictorian, dagdag achievement din yon sa ABM society ng school na 'to.
Dahil wala siyang balak umalis at iwan ako ay niligpit ko na ang pinagkainan ko at dinala sa lababo malapit sa kung saan may nakaabang na tagahugas. I murmured my thanks before walking out to the canteen. Tahimik lang siyang nakasunod kaya mabilis na din akong nahlakad papunta ng room ko, hindi na siya inintay.
I am sure I have my time, may thirty minutes pa ako bago ang susunod na subject kaya inubos ko ang oras sa paglalakad papuntang room pero natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng may masaksihan.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top