Chapter twenty-five
Hindi ko alam kung paano ako nakaabot sa school, ni hindi nga ako nag-abala makasakay sa public transportation dahil sa sobrang daming tanong na tumatakbo sa utak ko.
Hindi na rin talaga ako nakakuha ng sagot mula kay mommy kaya minabuti ko na lang na umalis doon.
Maybe that still ghost her on her sleep. Kaya siguro galit siya sa akin kasi ako ang multo ng nakaraan niya.
Pero bakit? Kung ganito kasakit ang mabuhay, sana ikipinagpasalamat ko pa kay Mommy kung pinalaglag na lang ako. Imagine, my life is full of lies. Namuhay ako na parang isang prinsesa, a spoiled princess, tapos malalaman ko na panaginip lang pala ang lahat. That behind all of the luxury and glamorous life is just me. A fake me.
I am silently sitting on my chair watching my friends who are busy talking to each other. They laugh, joke around, April will sometimes pinch Tristan on his shoulder. I want to walk towards them, I want a shoulder to cry on, I want them to know how much I am suffering making me want to just fucking end it all.
But...
I also want to give April a chance, alam ko kasing kapag lumapit ako o umiyak sa harapan ni T ay mawawala na lahat, he will give me his time, I know that. He is always like that. I don't want to be the intruder of their happily ever after kaya mas mabuting masaktan at umiyak mag-isa kaysa mandamay ng iba.
My eyes turns like a glass habang pinapanood lang sila. I always treasure them, kaya hindi bagay sa kanila ang negativity ng pagkawasak ko. Mas okay na silang dalawa na lang para maibigay din ni Tristan yung buong atensyon niya kay April that I know she needs. Hindi rin kasi maganda ang trato ng step-dad niya sa kanya, iyon ang kinukwento niya sa akin na medyo pabiro pa pero hindi ko magawang gawing biro.
Kasi pareho lang kami, ang pinagkaiba lang naming dalawa ay may nanay siyang malalapitan, hindi katulad ko na pati ang sarili kong ina, ayaw sa akin.
Nang makita ko na babalingan ako ng tingin ni Tristan ay mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko pero naging huli na. He is just sitting with April while looking at me, may pag-aalala sa paraan ng pagtingin niya pero wala siyang magawa dahil nagkekwento ang babaeng katabi niya.
I grin inwardly. Mukhang nagkamali pala ako. Pero mabuti.na rin yon para sa kanila. Mabuti yon para sa kanila kaya tama na.
Akala ko kasi na kapag nakita niya akong umiyak ay lalapit agad siya, pero hindi pala. I always known him for being like that. He is that protective over me pero nagbago na pala siya. Hindi na siya yung T na handang iwan ang lahat para sa mga luha ko. But I am not taking this against them, I am happy for them na mukhang nakakapasok na si April sa puso ng lalaking mahal ko.
Tahimik lang akong nakaupo saka ngumiti kay T nang makita kong pabaling-baling siya sa akin. I know that he is worried, sapat na sa akin yon but I don't think that he can leave April behind to attend to me, I know that he has priorities.
Ganoon lang ang naging takbo ng oras hanggang sa pumasok na si Miss Marina for our last subject, I saw how her eyes widen as she saw me sitting on my usual chair but I only smile to answer her confusion.
"Aryl, as the elected president of the class, kailangan ninyo ng magplano tungkol sa christmas party ninyo. Nakapagmeeting ang faculty kanina and they want to have a belen making per section to celebrate christmas. Ang mananalong belen ang siyang gagawing display sa general christmas party sa auditorium sa taas," tukoy niya sa forth floor.
She is now fixing her things as she spoke to us. "Ayon lang naman, hahayaan ko kayong mag-meeting muna para makapag-plano na. Pero bawal pa lumabas hanggang sa mag-ring ang bell, understood?" We all nod in unison bago siya naglakad palabas ng room kaya ako naman ang tumayo sa upuan ko at naglakad sa unahan to start.
I intend to have a smile like they always see me. The positive me kaya umagaw muna ako ng hangin saka ngumiti.
"So ayun nga, narinig ninyo naman ang sinabi ni Ma'am, belen making daw. Sa tingin ninyo ba, saan magandang gawa yung belen?" nakangiting tanong ko sa kanila.
As a leader, I don't want to be a dominant one, gusto ko na pare-pareho kami ng idea or gustong gawin. I always believe that they can do great too. They are exceptional.
Nang walang makasagot ay nag-isip din ako. I like watching art videos din pampalipas oras kaya I mentally scanned the videos I had watched.
"Paper sculpture?" I suggest.
Everyone in the room nod in agreement. Mukhang wala rin kasi silang ideya kaya ako na ang nagbigay ng suggestion. Tutal ay sakop ng meeting na to ang huling klase kaya alam ko na hindi ako malelate sa pag-uwi.
"So kapag paper sculpture kailangan natin ng maraming papers? Anong klaseng papel? Kapag bond paper mamahalan tayo," Janine, my classmate asked.
I pursed my lips, humarap ako sa blackboard at kumuha ng chalk sa chalkbox.
Humarap muna ako sa kanila nang matapos kong isulat ang word na belen bago ako sumagot pero naunahan na ako ni April,she beamed at me, asking permission but I am not hesitant to give her time.
"May napanood naman akong paper sculpture videos, they only used scratch papers na kahit patapon na, kaya okay na siguro yon," April said. I saw how our classmates nod.
Humarap ako sa blackboard at kumuha ng chalk. "Bukod sa papel may kailangan pa sa paper sculpture, we will need glues, thin wires, tapos painting materials like brushes and paints."
"Canvas muna tayo kung magkano ang magagastos tapos maniningil si April para masimulan na agad natin. Then, I let Tristan as the vice to manuevered the plan kapag may times na wala ako."
"Bakit ka naman mawawala?" for the first time, sitting comfortably with his back rest on his seat, Tristan asked. His piercing eyes are on me kaya hindi ko magawang matagalan ang titig niya.
Hindi na lang ako nagpaapekto. I only shrugged my shoulders and laughed a bit. "You all know naman na nagkasakit si Tito kaya kailangan ni Mommy ng kahalinhinan sa pagbabantay."
Naging maayos ang pag-ubos namin ng oras sa pagpaplano hanggang sa mag-uwian na. Dahan-dahan akong lumapit sa upuan ko at akmang kukunin ko na ang gamit ko ng may nauna ng kamay ang kumuha noon.
Lumingon ako sa likod niya at nakitang dala ni April ang sarili niyang gamit. She smile at me. "Sabay ka na sa amin Ryl. Nasabi ni Tristan na mukhang may problema ka, and I can sense that too," nanlambot ako sa narinig na malamyos at malambot na boses niya. "You know that we never stop being friends, right? You can always lean on me, kay Tristan."
My tears started to full my eyes. T is looking at me, worriedly. I am lucky to have them as my friends.
Siguro nga hindi ako malakas, hindi ako matibay to carry all the burdens that the would throw at me. Gustuhin ko mang pigilan ang luha ko ay hindi ko magawa.
Halos sabay-sabay ang labas namin ng school. April is on my side, hindi siya umaalis sa tabi ko at hindi rin niya tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin. "Cry all you want, I am here."
Ganoon lang kami hanggang sa makarating sa bahay. Bumaba si Tristan sa sasakyan nila at tumingin muna saglit sa bahay namin na patay ang mga ilaw. Pansin na niya yata ang kawalan ng tao sa loob kaya nag-aalala siyang bumaling ulit sa akin. "Doon ka muna kaya kina April, or kaya sa amin?" he suggested as his eyes travel on my wrist na may maliliit pang peklat doon.
I laugh and shook my head. "No need." I smirked. "Magdate na kayo, sige na."
Napansin ko ang pamumula ng mukha ni April dahil nasa likod lang siya ni T pero hindi man lang nagbigay reaksyon si Tristan. He is looking at me with a pained expression. Hindi iyon nakita ni April dahil nga nasa likod siya ng lalaki.
Nag-iwas ako ng tingin at saka tumalikod sa kanila para buksan ang gate ng bahay. Nang tuluyan na akong makapasok ay humarap ulit ako sa kanila at ngumiti. Iniwasan ko ang tingnan ang mata ni T dahil alam kong kilala niya ako. He will know that I am not okay, ayokong isipin nilang kargo nila ako dahil kaibigan ko sila.
Tahimik at patay ang ilaw ng bahay nang pumasok ako, I took a deep breath and trace the wall to light the whole house. But my heart sting as I saw my mom lying on our living room's floor with a glass of wine in her hands. Magulo ang kanyang buhok at kalat-kalat ang make-up sa mukha niya, ang mga mata niya ay namamaga na mukhang galing lang sa pag-iyak.
Mabilis at maagap akong dumalo sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko nang hawakan ko siya pero tinabig niya lang ang braso ko.
"Mommy." I tried so hard not to choke as I felt how the lump are building up on my throat.
Her bloodshot eyes looked at me. Habang hawak ang wine glass na may kaunti pang alak ay dinuro niya ako. "K-kasalan mo t-to! M-malas ka!" Dinuro niya ako gamit ang nanginginig na daliri bago ako buong pwersang tinulak.
Naging sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata ko habang pinipilit kong alalayan siya pero ni hawakan siya ay hindi niya ako pinagbigyan. She is pushing me away na parang may nakakadiri akong sakit na ayaw man lang niyang makadikit ako sa kanya.
I am tired. Nang marinig ko 'yung mga salitang iyon mula sa kaniys nawalan na naman ako ng lakas.
Gsgs ka, Aryl. Malamang! She hates you!
"'My, napapagod na po ako... "Hagulgol ko habang pinupunasan gamit ang dalawang palad ang mukha habang nakatingin sa kaniya. "Pagod na ako. Ang h-hirap-hirap maging anak mo, n-nakakaubos... Ilang beses po ba dapat ako humingi ng tawad bago ninyo tanggapin, kasi 'my, nahihirapan na ako."
"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na hindi... Kailanman kita mapapatawad! Pinatay mo si Rodrigo!"
I can't even catch my breath anymore as I watched her broke her tears in front of me.
Alam ko naman, naiintindihan ko siya, kasi nanay ko siya. Kasi alam ko, na isa ako sa inaasahan niyang iintindi at mamahali siya... pero masisisi mo ba ko kung minsan gusto ko na lang sumuko?
"Nawala na sa akin si Rodrigo, tapos pati si Rommel mawawala!" she exclaimed. "Siguro kung hindi ka pinanganak, siguro kung pinalaglag na lang kita buhay pa sana ang asawa ko!" Her voice as well as she broke down. Lambot na lambot siyang napasandal sa foam ng long sofa namin na nasa likod niya. We are facing each other, ako na nakasalampak sa lapag habang pagod ang mga mata na nakatingin sa luhang tumutulo mula sa kanya.
We are both in pain, we are both a wrecked. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya habang sinisimot ang alak sa baso. "Rodrigo doesn't want to. He said we should raise you and we did." Masama ang tingin niya sa akin. "Tapos ano ginawa mo?" She screamed again. "Anong ginawa mo? You killed him! Pinatay mo!" Hagulgol naming dalawa ang maririnig sa sala.
I clenched my fist in front of my chest, ang hirap-hirap. Ang sakit-sakit. Libu-libong karayom ang tumutusok sa akin, ngunit hindi ko na masuklian ang mga iyon ng pagluha dahil pagod na ang mata ko.
"Bakit hindi ninyo pa po ginawa?" I smiled at her. "Alam mo 'my siguro mas maganda ang buhay ko kung hindi ninyo ko binuhay... sana mas naging masaya... sana wala akong nasasaktang iba... sana hindi kita nasaktan, sana masaya na ako na isa akong anghel mo, sana hindi ko na nalaman na galit ka sa akin. "
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin iyon ng diretso sa kaniya. She was still grieving. Kita ko pa rin ang pagmamahal niya kay Daddy Rodrigo, she may love Tito Rommel, but daddy has always been on her heart.
Pero ako rin naman, nasaktan din naman ako, pero bakit walang nakakita?
"My, nasaktan din ako... nung nawala si Daddy, gumuho rin 'yung mundo ko, kasi alam mo po 'yun... he was the only person who I know that truly loves me... mahal na mahal niya ako at ganoon din ako... 'My, nasaktan din ako, pero hindi po ako nakapaghanda na pati sakit mo, 'yung galit mo ipapasalo mo sa akin. "
"Sinusumbatan mo ba ako?"
I smiled at her as I dried my tears. "No, 'my. Mahal kita kasi nanay kita, ikaw man ang pinakamasamang ina para sa iba, pero mananatiling mahal kita, mahal na mahal po kita."
Dahil sa panghihina ay wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siyang maglabas ng galit, ng sama ng loob at mabasag.
In front of me is my mother who is not a mother to me pero pinili kong paniwalain ang sarili kong mahal niya ako gaya ng sinasabi ni daddy Rodrigo.
But seeing her hurt and in pain gives me so much ache. Masakit. Hindi ako makahinga ng maayos,agawan ang hangin para ako ay makahinga at ang mga pinipigilang hikbi ang ginagawa ng aking bibig. Ang sakit makitang mabasag siya. Ang sakit makitang umiyak at lumuha siya. I know her to be a strong and independent woman, I know her to be like that.
I crawled towards her, kahit na tinutulak niya akong palayo ay pinili kong yakapin siya. We are both crying our pain. "Mommy, I'm sorry. Alam ko ang kasalanan ko. Alam ko po iyon. Ano pong gagawin ko para patawarin mo ko?" I asked.
She smirked and looked at me. "Gusto ko... Gusto kong mawala ka... Ayaw kita makita... Kasi bumabalik ang sakit kapag nakikita kita..."
My chest tightened. Doon unti-unti ng nanlambot ang mga braso ko saka napabagsak na lang yon sa kanyang mga hita.
I realized something, kahit na anong gawin ko, hindi niya ako kayang mahalin ulit ng hindi nakikita ang ginawa kong yon. For her, I am beyond a her wreck, para sa kanya,sinira ko ang pamilyang pinangarap niya.
***
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top